Breaking

Ang Fiance Kong Hudas – Chapter Three

CHAPTER THREE

Meet the Devil and the Angel

—Kiefer Lin’s Point of View—

Before anything else, let me first introduce myself. Kiefer Lin is the name. Nineteen, third year engineering student, a bad boy—before—until my girlfriend Lucy came. That girl changed me a lot. However, there’s one more thing you need to know but I hate to say…that Annica is my FIANCÉE.

Damn it! I don’t know why I have to enter this kind of force engagement. I went to my friend’s bar. My girlfriend got bored so she decided to go home. I don’t know how I’d be able to fix this mess.

1:00 am.

Umuwi ako sa condo matapos kong magpalipas ng inis. When I entered the living room, I saw her sleeping in the couch without even changing her uniform. Babae ba ‘to? She’s not acting like one. I was about to enter my room when I suddenly saw something on her wrist.

Pasa ba ‘yun? This is my fault. I mean no— this is her fault, she deserves that. Napansin kong nakayakap siya sa sarili niya. Nakaramdam ako ng kaunting awa kaya kumuha na lang ako ng comforter sa kwarto ko at ipinatong sa kanya. After that I decided to get inside of my room.

Wait…Ano ‘yung ginawa ko?

 

—Annica Yuri Lee’s Point of View—

HURRY up! I’m hungry! Tsk…” sigaw ng fiancé kong hudas. Maaga niya akong ginising para ipagluto siya ng pagkain. Wala naman akong alam lutuin kaya ‘di ko alam kung ano’ng gagawin ko.

Binuksan ko ‘yung ref at namili ng pwedeng lutuin. Napangiti agad ako nang makita ko ‘yung bacon. Naalala ko kasi si Baekhyun ng EXO, bacon kasi ang palayaw ko sa kanya. Binasa ko muna ‘yung instructions tapos isinalang ko agad sa stove.

Oo nga pala, alam niyo ba na may naglagay ng kumot sa’kin kagabi? What do you think? May multo kaya sa condo namin? O.O

Hindi naman pwedeng si Kiefer naglagay nun? I.M.P.O.S.S.I.B.L.E. ‘di ba? Tatawag nga ako kay Daddy mamaya para ipa-blessing ulit itong condo namin dahil baka may kung ano ng creature of the underworld ang naninirahan dito.

*sniff*sniff*sniff*

May naaamoy ba kayo? Parang amoy…

SUNOG! WAAAAAAH!

Nasusunog na ang niluluto kong bacon! Patay ako kay Kiefer! Natataranta na ako sa kusina dahil hindi ko alam ang gagawin ko. *LightBulb* Biglang may pumasok na kalokohan sa utak ko. Kinuha ko ‘yung sunog na bacon at sinerve sa plate. Sigurado akong matutuwa dito ang fiancé kong hudas. *evil grin*

“Heto na po ang pagkain niyo, Sir Lucifer.” Lucifer? Bakit Lucifer nasabi ko? Hays. Magka-rhyme naman, pati bagay sa mala-hudas niyang ugali.

“Lucifer? What the hell are you saying?” Magkasalubong na naman ang kilay niya. I find it sooooo cute. Ang weird ko ‘di ba? Hahaha!

“Bagay naman sayo ah? Kiefer, Lucifer oh ‘di ba? Hihihi!” Ngumiti ako nang abot langit dahil sa sobrang tuwa ko sa itsura niya sa mga oras na ito. He’s annoyed face is so priceless! Mouhahaha!

“Damn you. (tumingin sa plate) What kind of food is this?!” Itinuro niya ‘yung bacon, bacon na sunog.

“Bacon, isn’t it obvious?” Ginaya ko yung english accent niya para lalo siyang maasar.

Tinitigan niya ako nang masama. Dahan-dahan akong umatras papunta sa pintuan, kinuha ko agad ang bag ko at tumakbo palabas ng condo. Pagdating ko sa labas, naalala kong wala nga pala akong sundo. So no choice, mag co-commute na naman ako.

Ayaw talaga akong ihatid ni Kiefer, as if naman gusto kong magpahatid sa kanya ‘di ba? Ayoko na ding magsumbong kay Daddy, marami na ngang problema sa company namin makikidagdag pa ako sa alalahanin niya. Paparahin ko na sana yung taxi kaso biglang may pumaradang….black Porsche sa harap ko.

Don’t tell me si Kiefer to? Ihahatid niya ako? Hinintay kong lumabas siya, dahan-dahang bumukas ang pintuan ng kotse at lumabas na ang Anghel na kilala ko, si…

“ANGELO?!” Nawala ang ngiti ko nang makita kong hindi pala si Kiefer yung lumabas sa black Porsche. Masyado kasi akong nag-assume.

“Hi, Annica!”

Sumalubong sa’kin ang napakagwapo niyang mukha. Para siyang isang bituin na nagniningning sa mga mata ko. Waaaaah. Ano daw ‘yun?

“Hello! Anong ginagawa mo dito?” Don’t tell me alam niya na nakatira ako dito kasama ang fiancé ko? Nako po, patay na.

“If you don’t mind, ihahatid sana kita sa school…” sabay kamot sa batok niya, nakita ko siyang nag-blush. Ohmyghad. Mas naging gwapo siya at gusto ko nang maglaway sa harapan niya. Nawala ang kaba ko, kung anu-ano kasi ang iniisip ko. Susunduin lang pala ako ng tao. Ihhhhh kinikilig ako!

“Sure! Oo nga pala, new car mo?” Itinuro ko yung black Porsche.

“Yup, why?”

“Kapareho kasi nung sa fia—-I mean sa friend ko. Hehe.” Muntik na akong madulas ‘dun ah! ‘Di niya nga pala pwede malaman ‘yung fiancé thingy kasi… kasi suitor ko siya.

“Tara.” Pinagbuksan niya ako ng pintuan, hindi tulad ng hudas na ‘yun! Wala man lang kahit katiting na ka-gentleman-an sa katawan.

I want to introduce my suitor sa madlang daigdig and it’s my pleasure to do so. He is Angelo De Vera, nineteen years of age, a third year college engineering student. Gentleman, matalino, tennis varsity at… at… pogi! Wahahaha! Ang pogi niya *___*  Sagutin ko na kaya siya? Hihihi! Joke lang!

“Nandito na tayo.” Nauna siyang lumabas at pinagbuksan ako ng pinto. Nandito na pala kami sa school, hindi ko napansin dahil sa kadaldalan ng utak ko.

Paglabas ko pa lang ng kotse, napansin ko na ‘yung mga nagkukumpulang mga tao sa gate ng school namin. Karamihan puro babae at bakla at lahat sila, nakatingin sa amin.

“Annica? Lumilipad na naman ang utak mo. Hahaha.” Tumawa siya nang mahina, parang tumigil ang mundo ko. Weeeeeh? Ang corny, leche.

“Naiilang kasi ako sa kanila.” Hindi kasi ako sanay na maraming nakatingin sa’kin. Nagulat na lang ako nang bigla niya akong hapitin sa baywang.

*Dugdugdugdug*

Hinawakan ko ang dibdib ko, bakit ang lakas ng tibok ng puso ko?

“Masanay ka na, I’ll do this every day.” He smiled again and my heart skipped a beat again.

“T-Thank you.” Iniwas ko ang tingin ko sa kanya, naiilang kasi ako at hindi ako sanay na ganito ang trato sa’kin ng isang lalaki.

“You’re always welcome…” Hinalikan niya ako sa pisngi na ikinagulat ko.

“Bye! See you!” Na-freeze ako sa kinatatayuan ko. Hinawakan ko ang pisngi ko. Pakiramdam ko puputok na ako sa sobrang kilig at sa sobrang pula ng pisngi ko. That guy is awesome.

 

—Kiefer Lin’s Point of View—

TUMAKBO ako palabas ng condo para habulin siya pero napatigil ako nang may makita akong pamilyar na taong kausap niya. Nagtago ako sa isang kotse malapit sa kanila. Tinitigan ko ‘yung lalaking kausap niya, si Angelo? Wait. Don’t tell me magkakilala sila?

Hindi pwede ‘to. Baka malaman ng mga kaibigan ko na fiancée ko si Annica. Napatingin ako sa black Porsche sa tapat nila. My best friend really doesn’t have his originality. He also bought a black Porsche? Gusto niya lagi kaming magkaparehas. Lahat ng meron ako dapat meron din siya. Hindi ko alam kung bakit kaibigan ko siya.

Let’s go back to business. Sumakay si Annica sa kotse nito, kinuha ko ang sasakyan ko at sinundan sila. Hinatid niya si Annica sa school niya, pero bakit? They’re freaking me out here!

Nag-park ako sa ‘di kalayuan, ibinaba ko nang kaunti ang bintana ng kotse ko. Curiousity is now killing me, really. And then, I witnessed something unexpected. What is their relationship? Who is Annica for Angelo? What…and what am I doing here? I should go to school. Yeah right. And stop thinking about them.

Leave a comment

Your email address will not be published.