Breaking

Ang Fiance Kong Hudas – Chapter Two

Chapter Two

Annica: Hudas ka talaga!

—Annica Yuri Lee’s Point of view—

FIRST day.

Maraming firsts sa’kin ngayon. First day sa condo na’to. First day na may fiancé. First day din ng school. Hindi naman actually first day of school, what I mean is back to school. Tapos na kasi ang sembreak. Bakit wala man lang sa listahan ng mga first ko ang first boyfriend, first date at first kiss?

Maaga akong nagising. Ooopss! First din ‘yun! Naligo na ako at nagbihis, at lumabas na ako ng kwarto. Nakaupo na sa dining table ang fiancé kong hudas at siya’y nagkakape. Mapaso sana ang kanyang kissable lips. Napasapo ako sa ulo ko. Ano na naman ba ‘tong iniisip ko? Bigla tuloy nag-flashback sa’kin ‘yung nangyari kagabi.

*Flashback*

Tinanggal niya ang dalawang butones ng polo niya at muling tumingin sa’kin. Nakita ko ang malademonyo niyang ngiti. Ikinulong niya ako sa mga bisig niya. Napapikit ako nang mariin nang maramdaman ko ang hininga niya sa aking tainga.

“Welcome to hell.”

Hindi sa langit ang destinasyon namin, dadalhin niya ako sa impyerno ngayong gabi.

“W-Wag Kiefer, hindi pa ako ready.”

Bigla naman siyang umalis sa ibabaw ko at umiling-iling. Nakangisi lang siya sa’kin.

“Sa tingin mo papatulan kita? I’m just teasing you. Go to bed and sleep.”

Napatulala na lang ako sa kahihiyan.

*End of flashback*

Huminga ako nang malalim. Dapat umarte ako nang natural para hindi kami maging awkward.

“GOOD MORNING!” Kung tatanungin niyo kung saan ako humuhugot ng energy, puwes ‘di ko din alam eh. Hohoho.

“What’s good in the morning? Tss.” Inirapan niya ako at naglakad na palabas ng pinto. Suplado.

“Ingat, fiancé! Hihihihi!”

Hindi niya ulit ako pinansin. Hays. Ganun naman talaga siya, dapat masanay na ako. Naupo na lang ako sa dining table at kumain ng almusal. Pagkatapos kong kumain ay nagmadali na akong lumabas ng condo dahil mali-late na ako at…. at…..

PAANO AKO PAPASOK SA SCHOOL?! WAAAAAAAH!

Iniwan ako ng Hudas na ‘yun! Kaya pala siya nagmamadaling umalis kanina! Sabi ni Daddy hatid-sundo ako ng hudas na ‘yun kaya hindi na niya papapuntahin dito ang driver namin.  Dito na yata mag-uumpisa ang mala-impyerno kong buhay kasama ang hudas na ‘yun. Wala akong nagawa kundi ang mag-commute.

Nakarating naman ako ng matiwasay sa school namin. May nakasalubong akong isang schoolmate ko na napapabalitang crush daw ako.

“Uy!” bati ko. Mukhang nagulat siya dahil pinansin ko siya.

“B-Bakit?”

Ngumiti ako sa kanya. “Cute pa din ba ako?” Pinunasan ko ‘yung pawis ko sa noo at ngumiti ulit sa kanya.

“Oo, sobrang cute mo. Ay hindi pala, maganda ka.”

Sabi ko sa inyo eh, maganda talaga ako.

“Hmmm. Alam ko na ‘yun eh, pero salamat na din. Bye!” Kinausap ko lang siya para tanungin kung maganda pa din ako kahit pawisan na. Gawain ko ‘yun eh, sarreeeh!

“Annica!!!”

Sumalubong agad sa’kin ang bestfriend kong si Miles pagpasok ko sa room.

“Kumusta? Ano? Pogi ba yung fia—”

Tinakpan ko agad ang bibig niya. Hinila ko siya papunta sa upuan naming dalawa. Si Miles lang kasi ang nakakaalam ‘nun’ bukod sa family friends namin.

“Ano ba?! Kung makatakip ka naman ng bibig, wagas!” sabay pahid sa labi niya. Kung makapahid naman ‘tong babaeng ‘to, akala mo naman may virus ang kamay ko!

“Kambal, secret lang natin yung tungkol doon please?” Pinagdikit ko pa yung dalawa kong palad at nag-pout ako sa harapan niya.

“Huh? Bakit naman? Pangit ba?” bulong pa nito sa’kin.

“Hindi naman sa ganun, actually nakakapanindig balahibo at siguradong maglalaway ka kapag nakita mo siya kaso…”

“Kaso?”

“Alam mo naman na ayokong layuan ‘niya’ ako di ba? Baka kapag nalaman niya na may fiancé na ako baka layuan na niya ako.” Tumango-tango lang siya at tinapik ako sa balikat.

“Don’t worry, your secret is safe.” Napangiti ako. Kampante akong ligtas ang sikreto ko sa kanya.

Maagang natapos ang klase namin kaya maaga rin kaming umuwi ni Miles. Mahirap na magpagabi. Sa ganda kong ‘to? Baka mapahamak pa ako sa daan. Aangal pa? Palabas na kami ni Miles ng gate nang napansin namin na nagkukumpulan ang girls sa front gate. Hindi ko na lang pinansin dahil kailangan ko nang umuwi. 

“ANNICA!”

Na-freeze ako sa kinatatayuan ko. NO. THIS.CAN’T. BE. Malabo pa sa malabong tubig ng ilog Pasig na pupunta dito ‘yun.

“K-K-K-Kambal? S-S-S-S-Siya b-b-ba ‘y-y-yung f-f-f-f-fiancé m-mo?” Nautal-utal si Miles nang makita niya ang fiancé ko. Nakanganga pa siya kaya sinara ko agad ‘yung bibig niya dahil baka pasukan ng langaw.

Tumingin ako sa paligid. All eyes were on us. Am I that lucky to have him? Naitanong konang bigla sa sarili ko. Lahat ng babae, pinapangarap siya samantalang ako walang kahirap-hirap na nakuha siya. Mala-fairytale na sana kaso nga lang ang prince charming ko ubod ng sama naman ng ugali.

“Let’s go,” Napakalamig ng boses niya ngunit sobrang init ng kamay niyang nakahawak sa pulso ko. Alam kong galit siya. Teka, may nagawa ba akong masama? Sa bagay, sa pagkakaalam ko naman, mali lahat ng ginagawa ko eh. Hohohoho! So may nagawa nga akong masama.

“Eh?” Hindi ako makapagsalita dahil natakot ako sa titig niya sa’kin. Nawala ang pagiging hyper ko.

“Come with me.” Hinila niya ako papunta sa front gate kung saan naka-park ang kotse niya. Pinanggigigilan niya ang pulso ko, pilit kong tinatanggal ang kamay niya pero sobrang higpit talaga ng hawak niya. Marahas niya akong binitiwan dahilan para mapaupo ako sa sahig.

“Do you need to tell everything to your parents?” Napaatras ako nang bahagya dahil sa takot ko sa kanya. Tumayo ako kahit nanginginig ang mga tuhod ko sa takot.

“B-Bakit? M-Masama ba?” Nautal ako dahil sa panginginig ng katawan ko. Hindi ako sanay nang ganito ang trato sa’kin. I’ve been living like a princess for almost fifteen years, and no one has ever treated me like this.

“Damn! You ruined my date with my girlfriend just to fetch you here!”

Girlfriend? May girlfriend pala siya. I felt guilt but at the same time, sadness. Arranged marriage lang naman kami. Wala akong pakialam sa kanya, at ganoon din naman siya sa’kin. No strings attached…just pure business.

“G-Girlfriend?” Tinakpan ko ang bibig ko matapos ko ‘yung masabi. Nasa isip ko lang iyon pero bigla na lang lumabas sa bibig ko.

“You heard it right, may girlfriend ako. So don’t expect na magugustuhan kita. You’re not my type at all, immature kid. Tss.”

Napayuko ako. Gusto kong umiyak, pero pinipigilan ko ang mga luha ko dahil ayokong maging kawawa sa harapan niya. Napakasama ng ugali niya. Wala pang taong tinrato ako nang ganito sa buong buhay ko.

“And one more thing, don’t ever tell this to your parents or else…”

Tiningnan ko siya ng masama. Tama na, sumusobra na siya. Mas matanda siya sa akin kaya pinipigilan ko ang sarili kong magalit. Ayokong dumating sa puntong mawalan na ako ng galang sa kanya. “Anong gagawin mo? Sa tingin mo ba kaya mong kontrolin ang lahat?”

Sinipa niya ang gulong ng sasakyan niya dahil sa pagpipigil ng inis. Tumingin siya sa akin, nag-aalab ang mga mata niya sa galit.

“Why do I have to enter this kind of arranged marriage?” Sinabi niya iyon sa sarili niya bago pumasok sa kotse. I felt a little pain my heart. Pareho lang naman kaming naiipit sa sitwasyon na ito, pero sana wag niya ibuhos sa’kin lahat ng galit niya.

“What are you still doing there?! Are you expecting me to open the door for you? Stop dreaming, immature kid! Just get inside by yourself.”

Binuksan ko ang pinto ng kotse at padabog na isinara ito. He’s getting into my nerves. Napakagat ako sa labi ko, pinipigilan ko ang luha ko pero sila mismo ang gusto ng kumawala sa mata ko.

“Bakit ka ba umiiyak? Stop acting like a child, you’re old enough to understand things.” Pinunasan ko ang luha sa pisngi ko. Huminga ako nang malalim, hindi ko alam kung paano ko pakikisamahan ang hudas na’to.

Tumingin na lang ako sa bintana at isinandal ang ulo ko doon. Tahimik lang kaming dalawa sa biyahe. Nakaramdam tuloy ako ng antok at papikit-pikit na ang mga mata ko.

“Get out.”

Nahimasmasan ako nang magsalita siya. Pagkatingin ko sa bintana ng kotse, nasa parking lot na pala kami ng condo namin.

“I said get out now! I have to go back on my date!”

“Oo na! Heto na nga ‘di ba? Lalabas na! Nagna-narrate pa ako eh excited ka naman masyado. Lumabas ako at ibinalibag ang pinto ng kotse ng fiancé kong hudas. Wala talagang puso, pinaharurot niya ang kotse niya at…pinakain lahat sa’kin ang usok ng kanyang tambutso.

*cough*cough*cough*

“HUDAS KA TALAGA!!!”

Leave a comment

Your email address will not be published.