Breaking

Ang Fiancé Kong Hudas – Chapter One

Welcome to Hell

—Annica Yuri Lee’s Point of View—

NAKATAYO ako sa malaking salamin sa harap ng aking kwarto. Tinitigan ko ang kabuuang repleksyon ko. Huminga ako nang malalim. Hindi ko matanggap ang katotohanan…ang katotohanang mae-engage na ako ngayong gabi.

“Alam kong maganda ka, kaso baka matunaw ka na niyan. Pffttttt.”

Napalingon ako sa pintuan ng kwarto ko at nakita ko ang pinakaepal kong kuya na nagpipigil ng tawa. “What do you want?” walang kagana-ganang tugon ko. Para akong lantang gulay na pilit itinatayo.

“Nothing.” Sumandal siya sa pintuan at pinagmasdan ako. Humarap ako sa ibang direksyon dahil pakiramdam ko, tutulo na ‘yung luha ko anumang oras ngayon. Napakabata ko pa para pasukin ang isang bagay na hindi ko alam kung ano ba talaga.

“Need a shoulder?”

Naramdaman ko ang pag-upo ng kuya ko sa aking tabi. Tumango ako sa kanya at isinandal ang ulo ko sa balikat niya. “Naiinis ako, bakit ba kasi kailangan ko ‘tong gawin, Kuya? Ayoko talaga… ayaw.” Habang sinasabi ko iyon ay ipinapadyak ko pa ‘yung paa ko sa sahig na parang bata, well bata pa naman talaga ako eh!

“Sorry if I can’t do anything about this, princess…”

Tumingin ako sa kanya, I saw sadness in his eyes. Kahit pang-asar ‘tong kuya ko sobrang mahal naman ako nito.

“Nah. It’s okay.” Sinubukan kong ngumiti para hindi na siya masyadong mag-alala sa’kin.

“I’ll come back after five minutes. I just have to check something downstairs. Smile, princess.”

Tumango na lang ako sa kanya bilang tugon. Hinintay ko siyang makalabas ng pintuan bago ako humarap muli sa salamin.

Nakakainis. Nakakairita. Nakakabwisit. UGH! Lahat ng negative vibes sa mundong ibabaw ay sumanib na sa’kin. Ngayon ay nagkakarambola na sila sa kaloob-looban ng katawan at kaluluwa ko. Nasaan na yung Annica na super hyper at sobrang taas ng energy level? Nasaan na siya? Ilabas niyo na nga siya!

First boyfriend. First date. First kiss. Lahat ng first wala pa ako! Hindi ko na ba talaga ma-e-enjoy ang kabataan ko?

Tumingin ako sa wall clock. Five minutes. Five minutes na lang at matatapos na ang malayang buhay ko bilang isang simpleng teenager.

Ako nga pala si Annica Yuri Lee. Ang pinaka cute na nilalang sa mundong Earth. Let me rephrase that, I’m Annica Yuri Lee, the most gorgeous girl that you’ve ever seen in your life.

Third year high school pa lang ako sa Alstreim Academy, ang school ng mga magagandang nilalang ng mundong ibabaw kaya kung pangit ka, ‘wag ka nang mag-assume na makakapasok ka sa school namin. Hihihi! Pero joke lang dahil lahat naman ng nilikha ni Papa God ay maganda kaya lahat kayo welcome sa school namin. Oh aangal pa?!

Fifteen years na akong nabubuhay sa Earth at pinupuri ang kagandahan ng lahi ko. Laitin mo na ang lahat sa’kin, ‘wag lang ang height ko. Dahil guguho talaga ang mundong ibabaw at ilalim kapag may gumawa ‘nun. Maghahalo ang balat sa tinalupan at dadanak ang dugo sa Pasong Tirad.

*Knock knock*

“Pasok,” walang kagana-ganang tugon ko habang inaayos ang blue dress ko na ang sakit na sa mata dahil sa sobrang kinang.

“It’s already time. Ready now, princess?”

I nodded as I clung on my brother’s arm.

*Dugdugdugdug*

Ang lakas ng tibok ng puso ko, kinakabahan ako. Ano kaya ang itsura ng fiancé ko? Baka pangit yun? Magpapalamon na lang ako sa lupa kung ganun! I’d rather die than to marry an unknown ugly duckling creature of the earth!

“Kuya, nakita mo na ba yung fiancé ko?” Nakabusangot ‘yung mukha ko habang naglalakad kami pababa sa hagdan.

“Yeah,” simpleng sagot niya sa tanong ko. Tapos bigla siyang ngumiti, hindi ko alam pero bigla akong kinabahan sa napakamisteryosong ngiting iyon.

“Anong itsura? Pangit ba? Uy! Ano? Pangit ba? Kuya, sumagot ka naman!” Nag-smirk lang siya at hindi na ako pinansin.

Baka ubod ng kapangitan yung fiancé ko. Ihahanda ko na mamaya ang lubid sa kwarto ko para magpatiwakal na lang ako!

Palapit na kami nang palapit sa ibaba. Pabilis rin nang pabilis ang tibok ng puso ko. All eyes were on us. Hindi ko napansin na nasa huling baitang na pala ako ng hagdan. Napakadaldal kasi ng isip ko, well kahit naman ‘yung bibig ko madaldal din.

“By the way, he is 4 years older than you. Enjoy the night, my little sister.” He smirked. Tinanggal niya ang kamay ko sa braso niya at inilahad ang kamay ko sa isang lalaki na nasa harapan namin.

“Ikaw na ang bahala sa prinsesa namin.”

Tumingin ako sa lalaking nasa harapan ko ngayon. Naka suot siya ng itim na mascara na tumatakip sa kalahati ng mukha niya. Matipuno ang kanyang katawan at kapares ng damit ko ang necktie niya. Napakaperpekto ng mukha niya. Mula sa matangos na ilong, mahabang pilik mata, nakapang-aakit na mga mata at mapupulang labi.

Napakagat ako sa labi ko. Ang sarap niyang halikan. But wait… ‘By the way, he is 4 years older than you. Enjoy the night my little sister.’

“Hoy pandak, will you please stop staring me huh?”

“Stari—-what?! Hindi ako pandak, ang kapal ng mukha mo! Sino ka ba ha?!” Itinulak ko siya nang bahagya. Sinabi ko nang hamakin niyo na ang lahat ‘wag lang ang height ko eh! Ang kapal ng apog ng lalaking ‘to!

“I’m your fiancé…”

Ah, fiancé ko? Okay.

Processing…

Loading 25%.

Loading 50%

Loading 86%

Loading 98%

Loading 100% COMPLETE

FIANCÉ KO ANG LALAKING ‘TO?

“Ladies and gentlemen, may I present to you the stars of the night. My son and my future daughter-in-law.”

Umulan ng masigabong palakpakan sa buong paligid. Natulala ako dahil sa pagkabigla. Parang nanghina ang mga tuhod ko dahil hindi ako makapaniwala sa nangyayari. Kaso wala na akong magagawa, nandito na ‘yan kaya kailangan kong panindigan.

Matapos kaming ipakilala sa buong madla ay bumaba kami ng entablado para batiin ang lahat ng plastic na tao. Sa mundo ng negosyo, walang totoo, lahat puro kaplastikan lang. Sinuklian ko na lang ang bawat ngiti na ibinibigay sa akin ng mga tao.

“Hoy! Hudas ka! Hintayin mo nga ako!” Napansin kong nawala na siya sa tabi ko kaya naman agad ko siyang sinundan. Nabigla na lang ako nang hilahin nya ang kamay ko nung malapit na kami sa table ng parents namin. Tumaas ang kilay ko, sandali akong napatigil. Ah, gets ko na. Aarte kami na kunwari okay kami.

Okay, game!

“How’s the night, princess?” Salubong agad sa akin ni Daddy. Ngumiti ako sa aking ama, kahit sa kaloob-looban ko ay mayroon akong sama ng loob. Ayokong pasukin ang engagement na ito pero pinilit niya ako. Wala rin akong nagawa sa huli. Inisip ko na lang na para rin ito sa kabutihan ko.

“It’s perfectly fine Dad, at napakabait po nitong fiancé ko.” Kasabay nun’ ay ang pagkurot ko sa pisngi niya. Sinamaan niya ako ng tingin. Ay, napalakas yata. Hihihi!

“She’s so fun to be with, Tito Samuel.” Ipinaikot niya sa aking baywang ang kanyang kamay. Nilingon ko siya at inirapan. Mas magaling palang umarte ang hudas na’to.

“You really are a perfect match.”

Kulang na lang masuka ako sa narinig ko. Lahat ng buhok sa katawan ko ay nagtayuan. WTF? Perfect match? YUCK!

“I’m feeling the same way here. Tsk.” Nabasa niya yata ang isip ko base na rin sa naging reaksyon ng mukha ko. Buti naman, nakakapangilabot kaya! Matapos naming makipag-usap sa mga parents namin ay bumalik na kami sa sarili naming table sa veranda ng mansion.
“Ang init naman.” Nagpaypay ako gamit ang kamay ko. ‘Yung kilikili ko, nagpapawis na kaya kinuha ko yung table napkin at pinampunas sa basang kilikili ko.

“So gross. Tsk.” Hindi ko siya pinansin. Eh sa namamasa ang kilikili ko eh!

“Hoy, hudas! Ano nga pala’ng pangalan mo?” Hindi niya pinansin yung tanong ko. Mayabang na, suplado pa! At teka, hudas pa! Wow! Multi-talented si kuya!

“Tss. Suplado. Tanggalin mo nga ‘yung maskara mo. Para naman makita ko kung mukha ka talagang tao.” Halos mapatalon ako sa gulat nang titigan niya ang mga mata ko. Napalunok ako ng ilang beses. Dahan-dahan niyang tinanggal yung maskarang nagtatakip sa kalahati ng mukha niya.

*Dugdugdugdug*
Halos tumigil sa pagtibok ang puso ko. Parang tumigil ang lahat habang tinitignan ko ang kabuuan ng mukha niya. Pamilyar siya sa’kin, pero hindi ko alam kung saan at kailan ko siya nakita. Sumakit nang bahagya ang sintido ko ngunit hindi ko iyon pinansin. Kusang gumalaw ang kamay ko at inilapit sa mukha niya.

“Don’t.” Natauhan ako nang tabigin niya ang kamay ko. Hindi ko napansin ang ginawa ko. Para akong nawala sa sarili ko.
Nawala na lang siya ng parang bula. Ano’ng nangyari? Sinapian yata ako ng multo. Ipinagsawalang bahala ko na lang ang nangyari.
Sa buong engagement party ay umarte kaming dalawa na parang totoong magkasintahan. Baka hindi magtagal ay parangalan na ako ng Oscar’s Awards bilang “Best Actress” sa sobrang galing kong umarte. Natapos ang party ng puno ng kaplastikan.

“Annica my princess, we have to go. Take care of yourself always, okay? Daddy loves you.”

Tumango ako sa sinabi ni Daddy kahit hindi ko maintindihan kung bakit siya nagpapaalam sa’kin. Mauuna ba silang umuwi sa’kin?

“Hijo, I trust you.” Tinapik niya ang balikat nung fiancé kong hudas na nasa tabi ko at dumiretso na papasok sa kotse namin.

Kumunot ang noo ko. Hindi ko alam kung ano’ng nangyayari. Usually, lagi akong inaalalayan ni Dad papasok sa kotse at hindi siya papasok doon hangga’t wala ako. Can anybody please explain to me what’s happening here?

“Enjoy your first night in his condo, my princess! I love you baby, I’ll see you soon.” Hinalikan ako sa pisngi ni Mommy at pumasok na rin siya sa loob ng kotse. Nabato ako sa kinakatayuan ko. Nakatulala lang ako sa kotse namin na unti-unti ng naglalaho sa paningin ko. Nabingi lang ako ‘di ba?

“From now on, we’ll be living under one roof. Sounds very disgusting, right? Tss.”

Nilingon ko siya nang nakakunot ang noo. Nagkasalubong ang mga mata namin. Isa lang ang masasabi ko, nawala na naman ako sa sarili ko. Makakasama ko siya sa iisang bubong? Napangiti ako ng walang dahilan.

“Aw!” Nabalik ako sa realidad nang pitikin niya ako sa noo. Napahawak ako sa noo ko dahil sa sakit.

“Wag ka ngang mag-isip ng kung ano. You’re so young yet you’re so green.” Ngumuso na lang ako sa kanya at sinundan siya papunta sa kung saan naka-park ang kotse niya.

Tumigil kami sa tapat ng isang black Porsche. Namilog ang mata ko, ito ang dream car ko! Pumasok siya sa kotse at naupo sa driver seat at naiwan akong nakatayo sa labas. Lumipas na ang mga ilang minuto pero hindi pa rin siya lumalabas para pagbuksan ako ng pinto. Ako na mismo ang nagbukas ng pinto para sa’kin.

“Hudas ka talaga, napaka-ungentleman mo,” bulong ko sa sarili. Pero parang narinig niya yata dahil nakita ko siyang ngumisi sa peripheral vision ko.

Tahimik lang siya sa biyahe, ‘pag tinatanong ko siya, hindi siya sasagot. Ang saya ‘di ba? Hanggang sa nakarating na kami sa parking lot ay hindi niya pa rin ako iniimik. Naglakad ako sa tabi niya, napatingala ako sa kanya. Shit. Kahit side view, sobrang gwapo pa din. Pero…bakit hanggang balikat niya lang ako? Bakit ang… ang… ang liit ko? Ay hindi pala! Matangkad siya masyado, tama, ‘yun nga. Aangal ba kayo? Ipaglalaban ko ‘to sa kongreso ng Pilipinas!

Pumasok kami sa loob ng unit namin. Nilibot ko ang loob, ang laki pala nito. May dalawang kwarto para sa aming dalawa, may malaking kusina, living room, dining room at terrace.

“Annica,” Napalingon ako nang tawagin niya ang pangalan ko sa paraang nakakapang-akit. Napalunok ako ng ilang beses nang makita ko siyang naka-smirk sa’kin.

*Dugdugdugdug* Nag-race ang mga daga sa puso ko nang tanggalin nito ang necktie. Naghabol ako ng hininga, sumikip ang dibdib ko sa sobrang kaba.

Dahan-dahan niyang tinanggal ang suot niyang tuxedo habang nakatingin diretso sa mga mata ko. ‘A-Anong gagawin niya?’ Naglakad siya papunta sa’kin. Napaatras ako hanggang sa napaupo na lang ako sa pinakamalapit na sofa.

Tinanggal niya ang dalawang butones ng polo niya at muling tumingin sa’kin. Nakita ko ang malademonyo niyang ngiti. Kinulong niya ako sa mga bisig niya. Napatigil ako sa paghinga. Napapikit ako nang mariin nang maramdaman ko ang hininga niya sa aking tenga.

“Welcome to hell.”

Hindi sa langit ang destinasyon namin, dadalhin niya ako sa impiyerno ngayong gabi.

Leave a comment

Your email address will not be published.