Breaking

Ruby Rodriguez is the Featured Celebrity in ‘Follow that Star’

Get to know more about comedienne Ruby Rodriguez in "Follow that Star" this Saturday, January 7, GMA News TV.

Araw-araw natin siyang napapanood sa longest-running television show na Eat Bulaga. Pagdating sa pagpapatawa at hosting, pasok ang style niya sa masa kaya naman labinlimang taon na siyang Dabarkads.

Ngayong Sabado sa Follow That Star, kilalanin si Ruby Rodriguez sa harap at likod ng camera. Bubuksan ni Ruby ang kanyang cute na retro house, kolektor kasi siya ng mga antique na gamit. Sa bahay, hilig din ni Ruby ang pagtatanim ng mga halaman. Ito raw ang paraan niya para magrelax. Kapag wala naming taping, sinisigurado rin niya na may bonding siya at ng kanyang asawa kasama ang tatlo niyang anak.

Tinutukan ng Follow That Star si Ruby mula bahay, taping hanggang sa kanyang mga personal na lakad. Lahat ng kanyang kakulitan, huling-huli ng camera; kasama ang kanyang pamilya pati na sina Tito, Vic & Joey at lahat ng Dabarkads. Ang katrabahong si Allan K daw ang matalik na kaibigan ni Ruby kaya naman hindi niya pinalampas na dumalo sa birthday ng kaibigan.

Sundan ang kwelang buhay ni Ruby Rodriguez sa Follow That Star, Sabado, 7:55 PM sa GMA News TV.

Leave a comment

Your email address will not be published.




%d bloggers like this: