Breaking

Julie Anne San Jose Graces GMA News TV’s ‘Follow that Star’

Kapuso tween star Julie Anne San Jose is the featured celebrity on GMA News TV's "Follow that Star" on May 26, 2012.

Isa sa itinuturing na fastest rising stars ngayon ang Kapuso star na si Julie Anne San Jose. Nagsimula ang lahat nang sumali siya at mapabilang na finalist sa isang singing contest. Ngayon ay napapanood na ang kanyang performances sa TV, concerts at maging sa pelikula.

Kamakailan lang ay nagdaos si Julie Anne ng kanyang 18th birthday, at bilang pasasalamat sa kanyang supporters, isang birthday concert ang handog niya sa kanyang mga fans. Pero bago ang kanyang big day, nakuhanan ng Follow That Star ang mga ginawa niyang paghahanda. Sa rehearsals, hindi lang pala sa pagkanta mahusay si Julie Anne, marunong din siyang tumugtog ng piano, gitara at drums. Pitong taong gulang pa lang daw siya nang magsimulang tumugtog ng mga instrumentong ito, ang kanyang tatay daw ang nagturo sa kanya. Nalaman din ng Follow That Star na miyembro pala si Julie Anne ng choir sa kanilang parokya. Isa raw ito sa nakatulong sa kanyang para mahasa ang kanyang galing sa pag-awit.

Isa pang dapat abangan sa Sabado ang nakakakilig na eksena kung saan sa rehearsals ng concert ni Julie Anne ay surpresang bumisita ang kanyang ka-love team na si Elmo Magalona. Aminado ang dalawa na sobrang close sila, todo ang suporta ni Elmo kay Julie Anne sa kanyang concert.

Pinaghahandaan din ni Julie Anne ang kanyang kauna-unahang pelikula, ang Just One Summer na pagsasamahan din nila ni Elmo. Excited daw siya sa kanyang unang sabak sa big screen dahil tiyak masusubok ng husto ang kanyang galing sa pag- arte.

Sundan ang buhay ni Julie Anne San Jose sa harap at likod ng camera sa Follow That Star, Sabado 7:55PM sa GMA News TV.

2 Comments on Julie Anne San Jose Graces GMA News TV’s ‘Follow that Star’

  1. kledkzpkzneeuftlirmggptjdgesyl

  2. lvmdiuciilnyddxlrahivfrgcdtobc

Leave a comment

Your email address will not be published.




%d bloggers like this: