Breaking

Bea Binene is PH Ambassador for ‘Because I Am a Girl’ Campaign

Kapuso tween star Bea Binene is one of the few who has been chosen to become Philippine ambassador for Plan International's "Because I Am A Girl" campaign.

Bilang pagdiriwang ng National Women’s Month napili ng Plan International, isang NGO para sa kabataan si Bea Binene bilang kanilang Ambassador para sa Because I am a Girl campaign. Kasama ang isa pang kapuso star na si Barbie Forteza, silang dalawa ay simbulo ng kababaihang handang ipaglaban ang kanilang mga karapatan.

“Marami ang sexual, emotional, spiritually abused kaya masaya ako dahil nakasama ako sa campaign na ito para tumulong na magprotekta sa kanila” ang masayang mensahe ni Bea.

Bukod sa kanilang dalawa ay napili ring maging Ambassador ang mga journalistang sina Cheryl Cosim at Boy Abunda. Sila ay kasamang tutulong sa pagbibigay ng edukasyon sa mga tao tungkol sa kahalagahan ng mga kababaihan sa ating komunidad.

Ginananp kamakailan sa Sulo Hotel ang pagdiriwang na ito
kasama ang mga kinatawan ng gobyerno at iba pang mga human rights organization upang sama-samang ipahayag ang layuning ito – ang mapangalagaan ang mga kababaihan laban sa anumang uri ng pang-aabuso.

Kasama ni Bea at Boy ang sikat na grupo na El Gamma Penumbra, Juan Sumulong High School Dancers, Vides Kids at mga volunteers ng Plan International.

Ang tumatayong Country Director ng Plan International ay si Carin Van Der Hor at si Brenda Virgo naman ang Executive Director for Council for the Welfare of Children

Tinalakay sa programa ang mga paraan upang matigil ang laganap na kaso ng mga kababaihang maagang nabubuntis at nakararanas ng pagmamaltrato.

MORE PHOTOS HERE

Leave a comment

Your email address will not be published.




%d bloggers like this: