Breaking

Matteo Guidicelli Celebrates a ‘Happy Yipee Yehey’ Birthday

Matteo Guidicelli turns 21 in his noontime show "Happy Yipee Yehey!"

Walang mapagsidlan ng tuwa si Matteo Guidicelli kamakailan, matapos siyang handugan ng kanyang mga kasama sa Happy Yipee Yehey! nang isang nakaka-touch na birthday tribute. Bilang pasasalamat hindi lamang sa mga co-host sa noontime show kung maging sa kanyang masugid na mga tagahanga, damang-damang inawit ni Matteo ang “Ikaw Lang Ang Mamahalin,” at personal na pinasalamatan ang mga taong nasa likod ng kanyang tagumpay sa showbiz.

Iba’t ibang regalo ang tinanggap ni Matteo mula sa kanyang mga co-hosts at sponsors. Kitang-kita sa kislap ng kanyang mga mata ang saya na nadarama niya noong hipan niya ang mga kandila sa anim na cakes na representasyon ng anim na letra sa kanyang pangalan. Biro pa nga ni Randy Santiago kung mai-hihipan ni Matteo ang lahat ng kandila ng sabay-sabay, magwawagi umano siya ng P100,000 ala One Time Big Time.

Nang tanungin ni Mariel Rodriguez kung ano pa bang bagay ang ginagawa ni Matteo na lingid sa kaalaman ng nakararami, buong-pusong isiniwalat ng promising young actor ang kanyang pagiging mapagmahal na amo. “Hindi alam ng mga tao na during my past time, dinadala ko yung mga driver at kasambahay namin sa sinehan at sa spa para ma-experience din nila how to have fun,” ani Matteo.

Si John Pratts naman, pabirong nagtanong kung kanino ba talaga dedicated ang “Ikaw Lang Ang Mamahalin” na inawit ni Matteo. “Ano ka ba?,” nakaka-intrigang sagot ni Matteo. Puring-puri naman ni Toni Gonzaga ang pagiging masipag ni Matteo. “Everyday, ibinibigay talaga ni Matteo ang 100% niya para sa show na ito,” ani ni Toni.

Sa isang interbyu pagkatapos ng show inamin ni Matteo na sobra-sobrang birthday gift sa kanya ang kaliwa’t-kanang projects na buong-pusong ipinagkatiwala sa kanya. Aniya bukod-tanging pasasalamat ang maibibigay niya sa lahat ng kanyang mga tagahanga.

“I can’t ask for more. Unang-una, yung Catch Me I’m In Love, which is my first movie ever is doing very very good. And of course I’m blessed to be a part of Happy Yipee Yehey!. I’ve always wanted to make people laugh and make them happy,” pahayag ni Matteo.

At nang tanungin kung gaano niya nae-enjoy ang pagiging bahagi ng Happy Yipee Yehey, ito ang naging sagot ni Matteo: “Super! In the beginning I was intimidated because this is my first noontime show. But every time I come here in the morning there’s this positive feeling. Masaya kaming lahat palagi. We never felt any tension. It’s always fun and happiness.”

Talaga nga namang walang patid na saya ang hatid ng pinakabagong kabarkada sa tanghali, kasama sina Randy Santiago, John Estrada, Mariel Rodriguez at Toni Gonzaga, at sina Bianca Manalo, Melai Cantiveros, Matteo Guidicelli, John Pratts, Jobert, Bentong at Sam Milby.

Huwag palampasin ang Happy Yipee Yehey na araw-araw nang mapapanood mula Lunes hanggang Sabado, pagkatapos ng Showtime sa ABS-CBN. Bida Best Kapamilya!

MORE PICTURES HERE

22 Comments on Matteo Guidicelli Celebrates a ‘Happy Yipee Yehey’ Birthday

  1. panis lagi ang kanguso! // March 25, 2011 at 4:28 pm //

    patawa tong nasa taas!bwahahah! edi wag kang manood,

    kami dito sa middle east happy sa hppy yipee yehey!

  2. i like mateo kc very humble sya saka natural kumilos.isa pa me potential syang maging good host basta bigyan lang sya ng chance na mgsalita ng mga cohosts nya.kung minsan kc binablock syang mgsalita ni toni or mariel.sana magtagal ang HYY para mapahiya si willie yabang.saka isa pa “he who exalts himself will be humbled and he who humbles himself will be exalted”.

  3. mateo feeling sikat // March 25, 2011 at 12:25 pm //

    HAPPPY BIRDAY…BUT SORRRY DAHIL SAU DI KAMI NANOOD NG HAPI YIPPEE YEHEY..lumipat kami ng channnel kung nasa hyy ka…!

  4. Anonymous // March 25, 2011 at 8:46 am //

    happy yipee yehy…

  5. MAS MAY “K” si MATTEO KEYSA MGA TOTOONG ” DA WHO’ STRALETS NG GMA7

  6. BSTA KAMI DITO MASYA NA NANONOOD NG HAPPY YIPEE YEHEY..ARAW ARAW!

    kung ayaw nyo edi wag!

    we love ABS CBN shows!:D

  7. Farty Felipenas Gozon // March 25, 2011 at 2:35 am //

    i will watch binondo girl ni matteo with kim.

    hahahaha, buti pa sa ABS-CBN may chance ang ibang artist na magshine… sa kanguso puro na lang psychology psychology psychology… chakang umarte…

    ibalik na lang ang that’s entertainment ni kuya maduming germs para isali si psychology, kahit monday til saturday edition na siya…

    wahahahaha

  8. Farty Felipenas Gozon // March 25, 2011 at 2:28 am //

    anung da who?

    hahaha, mas sikat pa yan kesa sa mga starlet ng kanguso no?

    mga tanga, walang galing sa pagarte mga chipepay na mga starlet ng kanguso station.

    wahahahahahahahaha

  9. HAPPY KAMI sa HAPPY YIPEE Y // March 25, 2011 at 2:25 am //

    flo manahimik ka. e lantaran naman dayaan ng agb nielsen e, bakit di pa kaya gawing 0% na happy yipee yehey laban sa EB para tapus na kayabangan at pandaraya ng agb at gma di ba??! i dare BOTH!

  10. isang da who ng ABS CBN..

  11. alex g: How would you equate a Decline in Ads, Cheap Awards, Flop Movie Gross & Poor Artists' Endorsements, from a high ratings (daw!?) claimed by gozon? // March 24, 2011 at 7:54 pm //

    Cheating & Data Tampering, Desperate Publicity, Mind Conditioning, Mislead Info’s, Rating Manipulations, etc.
    😎

  12. alex g: Did you know that gma7 was always the first channel that SIGNS-OFF the tv? And terminated by KBP for Television Code violations? Did you also know that AGB Nielsen Media Research has a pending case here & abroad? // March 24, 2011 at 7:53 pm //

    Early Signing-Off, Cost Cutting, Debt Increase & Financial Crisis.
    Words that best describes gma.
    😎

  13. alex g: What happened to the Titan Plugs of gma? I think that's what you called, "FLOP to KARMA" or "KARMA to FLOP" scenario. // March 24, 2011 at 7:53 pm //

    Pag d gawang gma, minsan nag re-rate.
    Pag gawang gma, basurang-basura.
    😎

  14. alex g: gma artists/shows are equipped with Very Poor Acting Skills. Kaya dinadaan na lang sa mga effects & fighting pose, para pagtakpan ang mga malalamyang pag-arte (how stupid). // March 24, 2011 at 7:52 pm //

    Boboserye, Flopserye, Peryaserye, Pornoserye, O.A.serye, T.H.serye, etc.
    Practice Drama – tatak gma.
    😎

  15. alex g: Kapit-Tuko tlga si gozon sa ratings, (as usual pag PANIC time). TALUNAN kasi sa lahat ng bagay, mapa Ads, Awards, Movies, Endorsements & Recognitions. // March 24, 2011 at 7:52 pm //

    Weakness tlga ng gma ang lumaban ng patas.
    😎

  16. alex g: AM/FM Programs, Balance Programming, Daytime/Primetime Shows, Foreign Programs, News Channel/Program, Promos, Regional Network Events, Sports, Station ID, TV Format, Timeslot, etc. (kinopya lahat ng gma). // March 24, 2011 at 7:51 pm //

    Konting Delicadeza naman gozon.
    😎

  17. alex g: "Walang kinikilingan, walang pinoproteksyonan, walang kasinungalingan, walang bahid pulitika, serbisyong totoo lang", Dahil d natutulog ang balita, BAYARAN niyo kami para gumawa ng commercials 24 oras". // March 24, 2011 at 7:51 pm //

    Dahil sa Pera, nawala tuloy prinsipiyo.
    Mga mukhang pera tlga.
    😎

  18. alex g: Valentines Box Office King daw, ni wala nga kasabay na Filipino movie eh, 44.26M in 3 weeks lang!? (as compared to BULONG with 67.27M). May "Divine Intervention" pa raw, sabi ni mother lily (how stupid). // March 24, 2011 at 7:49 pm //

    “Napakahirap na ng buhay ngayon, kaya for a movie to make over P135 million in 3 days is a miracle. Divine intervention ito”.
    -lily monteverde (how stupid).
    😎

  19. ang amo ng mukha // March 24, 2011 at 7:27 pm //

    he reminds me of mr.gabby concepcion in his teen-age years.

  20. ARRIBA ARRIBA! // March 24, 2011 at 7:26 pm //

    ARRIBA HAPI YIPI YEHEY! ARRIBA PAPA MATEO! LAB YAH!

  21. flop less than one percent ang rating parang latenyt show lang haha….

  22. HAPPY KAMI sa HAPPY YIPEE Y // March 24, 2011 at 7:23 pm //

    happy birthday sayo matteo! ayusin pa lalo pananagalog pero may potential ka na gumaling. COngrats din sa HAPPY YIPPE YEHEY! gumaganda ang show niyo, tuloy alng ang laban, tandaan niyo naghintay ng ilang years bago natalo ng wowowwee ang EB. nag 5 years din yung show ni yabang e,kung di sya nagpower tripping edi tuluyan ng nawala ang EB! pero ok lang destiny yun e, anyway more sa mga reality concepts sa happy yipee yehey, ilagay din ninyo ang LITTLE BIG SUPERSTAR na segment sa show three times a week with sarah, i am sure magcclick yan.

Leave a comment

Your email address will not be published.




Shares