Breaking

Aga Muhlach VS Tom Rodriguez in ‘Malay Mo Ma-develop’

Megan Young is torn between Aga Muhlach and Tom Rodriguez on "M3."

Napakahaba nga naman ng buhok ng dalagang si Megan Young (Bea) nowadays dahil pinag-aagawan siya ng dalawang gwapo! Panalo man sa puso at pinapangarap ng bawat babae si Aga Muhlach (JM) dahil sa hindi mapantayang karisma at kabaitan, bukod tangi si Bea dahil mukhang si ex-PBB housemate Tom Rodriguez (Ted) ang mas pipiliin! Kasi naman, past is past na raw kina JM at Bea kaya hindi kayang talikuran ni Bea si Ted na siyang fiance niya sa ngayon.

Sparks flew at kinilig mang muli ang ex-engaged couple na sina JM at Bea sa muling pagkikita nila, mukhang mangingibabaw ang palabra de honor ni Bea dahil nakapag-commit na ito kay Ted. Kung bakit naman kasi ngayon lang ulit nagkita sina JM at Bea!

Huli na nga kaya ang lahat? Ano naman kaya ang say ni Ai-ai de las Alas (Kringkring) sa mga pangyayari? Balita’y gagamitin nito si sexy Nina Jose (Megs) para mabulabog ang sitwasyon.

Kasama rin sina Jojo Alejar, Jairus Aquino, Mika Dela Cruz at Noel Trinidad, ang M3 ay sa ilalim ng direksyon ng award-winning na direktor na si Jeffrey Jeturian.

Abangan at huwag palampasin ang kumpetensiya para sa puso ni Bea sa Primetime Sabado ang “Malay Mo Ma-develop” o M3, 10:15pm, pagkatapos ng Twist and Shout sa ABS-CBN.

Leave a comment

Your email address will not be published.




Shares