Breaking

Aga Pretends to be the Father of Ai Ai’s Son on ‘Malay Mo Ma-develop’

This Saturday on M3: The character of Aga Muhlach (JM) is about to pretend that he is the father of Ai Ai delas Alas' (Kring-Kring) son Marcus.

Parami na talaga nang parami ang nadevelop sa pinakabagong romantic-comedy-drama series ng ABS-CBN tuwing Sabado na “Malay Mo Ma-develop” o M3, kung saan kasama niya ang nag-iisang King of Romance and Drama ng Philippine showbiz na si Aga Muhlach at Comedy Queen AiAi delas Alas.

Sa mala-“opposites attract” na tema ng M3, linggo-linggong nakatutok na ang mga manonood sa kakaibang istorya nina JM (Aga) at Kring-Kring (AiAi) na puno ng mga sorpresa, katatawanan at aral.

Sa isang exclusive interview kay AiAi, naikwento nito kung gaano siya kasaya ngayong kasama niya sa trabaho si Aga. “Napaka-blessed ko na nakasama ko si Aga Muhlach dahil isa siya sa pinakamagagaling nating aktor. At hindi magiging kumpleto ang career ko kung hindi ko siya makakasama. Nakatrabaho ko na si Robin, si Presidente Erap naging leading ko na at ngayong nakasama ko si Aga, I really feel so blessed. Mawala man ako sa mundo at least nakasama ko si Mr. Aga Muhlach.”

Dahil sa paghanggang ito at pagiging single ngayon, hindi naiwasang intrigahin ang Comedy Queen sa posibilidad na ma-develop siya kay Aga.

“Kahit gusto ko siyang bastusin, nirerespeto ko na lang siya. Una kaibigan ko kasi si Ms. Charlene na talagang mabait sa akin. Tapos nakita ko ‘yung kambal nila, ang ku-cute. Ayokong manira ng pamilya kaya tinitiis ko na lang. ‘Wag lang siyang magpapakita ng motibo dahil tao lang ako, mahina,” pabirong sinabi ni AiAi.

Ngunit nang hingan ng opinyon tungkol sa mga artistang nadedevelop sa mga ka-loveteam, isang seryoso pahayag ang binitiwan ng Reyna ng Komedya. “Ang mga artista, s’yempre tao lang kami. Kung may ginagawang pelikula o teleserye, ‘yung mga leading man namin o leading ladies nila araw-araw nakikita mo. At tao ka lang, minsan nadedevelop ka nang hindi mo sinasadya.”

Dagdag pa ni AiAi, “Depende na lang sa ‘yo kung dadalhin mo ‘yung emosyon na ‘yun. Pag inuwi mo ‘yun sa bahay, talo ka. Pero kapag iniiwan mo sa location, okay lang. Hindi ka makakasira ng pamilya.”

At tulad ng sa tunay na buhay, concern din sa pamilya ang character ni AiAi sa M3 na si Kring-Kring.

Ngayong linggo, magku-krus muli and landas nila JM at Kring-Kring. Ngunit kung noon ay si Kring ang may mahigpit na pangangailangan, sa pagkakataong ito, si JM naman—kailangan niyang mapapayag si Kring-Kring na maging assistant ni Lolo Jong (Noel Trinidad).

Ngunit bago pumayag sa inaalok ni JM, isang kondisyon ang ibinigay ni Kring-Kring sa kanya at ito ay ang magpanggap na ama ng kanyang anak na si Marcus (Jairus Aquino).

Pumayag kaya si JM na kondisyon ni Kring? At kung pumayag si Kring-Kring, kakayanin kaya nila ni JM na magsama sa iisang bubong?

Kasama rin sina Megan Young, Niña Jose, Jojo Alejar, at Mika dela Cruz, ang M3 ay sa ilalim ng direksyon ng award-winning director na si Jeffrey Jeturian.

Huwag palampasin ang pinaka-unique loveteam ng Primetime Sabado sa Malay Mo Ma-develop (M3), 9:45pm, pagkatapos ng Twist and Shout, sa ABS-CBN.

Leave a comment

Your email address will not be published.




Shares