Breaking

Goodbye Kuya Kim, Hello Super Kim?

Kuya Kim experiments the science of becoming a superhero this Sunday on "Matanglawin."

Kilalang mapangahas at matapang si Kuya Kim ngunit sa pagkakataong ito, kakayanin niya kaya ang hamong wala pang matagumpay na nakakagawa— ang lumipad?

Iyan ang isa lamang sa inyong dapat abangan sa pagtuklas ni Kuya Kim sa siyensya ng pagiging isang superhero ngayong Linggo (Feb 28) sa multi-awarded educational program na “Matanglawin.”

Simula pa lamang ng lumabas ang mga patok na superhero comics noong 1930s ay talaga namang tinangkilik na ng mga tao ang kanilang kuwento at marami na rin ang naghangad na magkaroon ng naiibang kakayahan at kapangyarihan tulad nila.

Kaya naman isa isang babasagin ng trivia king ang mga katanungan hinggil sa katauhan ng iniidolong mga superheroes. Posible nga kayang mawaga ng isang ordinaryong tao ang tumakbo na mas mabils pa sa bala ala-Superman o kaya magsing sobrang lakas ala-Incredible Hulk?

Lahat ng iyan matutunghayan ngayong Linggo (Feb 28) sa “Matanglawin,” 11:00 PM, sa ABS-CBN.

Leave a comment

Your email address will not be published.




%d bloggers like this: