Breaking

Kuya Kim Tweets his Supporters after Suffering from Mild Stroke

Kuya Kim delivers trivia about mild stroke via Twitter after suffering from one lately.

Ginulat nga ang lahat kamakailan sa biglaang paglabas ng balitang na-mild stroke si Kuya Kim.

Marami ang nag-alala ngunit sa ngayon panatag na ang lahat dahil nasa maayos at ligtas na kalagayan na ang Trivia King at inoobeserbahan na lamang sa ICU bago tuluyang makalabas ng ospital.

Bagamat nakaratay sa kama ay hindi pa rin nagpaawat si Kuya Kim sa pagti-tweet sa kanyang mga taga-suporta. Nitong Sabado ng umaga lang, sinabi niya sa kanyang Twitter account na “Good morning everyone! This is me tweeting from my hospital bed. A few more days in ICU God is good!”

Nagbigay din ito ng trivia tungkol sa dalawang uri ng stroke at ipinaliwanag kung alin sa dalawang ito ang stroke na pinagdaanan niya.

Hindi na nakapagtataka sa ilang na malagay sa alanganin ang kalusugan ni Kuya Kim dahil sa sobrang subsob nito sa trabaho. Ngayong Linggo (Aug 15), magbabalik tanaw ang kanyang programang “Matanglawin” sa kanyang mga naging mapangahas na adventures sa ikalawang taon nito.

Mula sa pagharap sa mapanganib na mga hayop, pagbaba sa bunganga ng bulkan, pamumuhay mag-isa sa gubat, hanggang paglilinis sa Payatas, sinuong lahat ito ni Kuya Kim sa ngalan ng pagbabahagi ng kaalaman.

Abangan ang lahat ng iyan sa “Matanglawin” ngayong Linggo (August 15) 9:30 ng umaga, sa ABS-CBN.

Leave a comment

Your email address will not be published.




%d bloggers like this: