Breaking

Heart and Echo, Muntik Nang Makuha ng GMA 7

Ever since na nagpahayag ang ABS CBN na hindi na nila talent sina Heart Evangelista at Jericho Rosales, naging interesado ang rival station na GMA 7 na kunin silang dalawa specially Jericho na discovery ng noon-time show na Eat Bulaga. Naging visible din lately si Echo sa nasabing noon-time show at sa iba pang programa sa siyete to promote his album.

Meron na sanang plano ang GMA kung saang shows ilalagay sina Heart and Echo subalit bigla itong nagbago dahil sa ABS pa rin daw ang loyalty ng aktor at ng kanyang girlfriend. Katunayan ay may guesting sila sa programang “Your Song” na nakatakdang kunan sa November. Medyo masakit nga lang sa kampo ng GMA dahil medyo parang ginamit lang sila ng aktor. At nang tanungin naman ang kampo ng ABS CBN kung bakit nila tinanggap uli ang dalawa after announcing na hindi na nila ito talents, “E tulungan na lang, tutal kapamilya pa rin naman sila at ABS pa rin ang pinili nila”—is their statement.

Leave a comment

Your email address will not be published.