Breaking

Enchanted Academy Book 4 Deleted Scenes

Here are the deleted scenes from Book 3 of Enchanted Academy Complete Edition:

CHAPTER 01 

ANG ginagawa niya ngayon ay isang pagsasanay mula kay Calvin upang mas humusay siya sa pakikipaglaban. Ayon kay Calvin, may halimaw na gumagala sa kakahuyan na ito at ang dapat niyang gawin ay hulihin iyon nang buhay. Mapanganib daw ang halimaw kaya dapat daw ay mag-ingat siya.

Mataman siyang nagbabantay at naghihintay ng tamang sandali para siya ay umatake na. Napapagod na rin kasi siyang tumakbo. Oras na para sa tunay na aksyon!

“Bastos!” tili ni Kanika.

Tumatawang inalis ng nilalang ang hood sa ulo at doon niya nalaman na si Hamir pala ang humahabol sa kanya. Ang kanyang nobyo!

“Hamir?!” hindi makapaniwalang bulalas ni Kanika. “Ikaw ang halimaw sa kakahuyan na ito?”

Mas lalong lumakas ang pagtawa nito sa kanya. “May halimaw ba na ganito ka-gwapo? Sabihin mo nga, Kanika. Meron ba?” tila nang-aasar nitong tanong.

Naningkit ang kanyang mga mata. “Napakayabang mo talaga, Hamir! Saka anong ginagawa mo dito? Hindi mo ba alam na meron akong pagsasanay na ginagawa? Ginugulo mo ang aking pagsasanay. Kapag nalaman ito ni Calvin ay baka bigyan niya pa ako ng mababang grado at isumbong pa niya ako sa aking ina at ama!” Pagtataray ni Kanika.

Ganoon talaga siya kapag may pagsasanay. Talagang sinisiguro niya na mapagtatagumpayan niya. Alam niya kasi na darating ang araw na siya na ang mamumuno sa Erkalla at ang nais niya ay magkaroon ng matapang at malakas na reyna ang Erkalla. Iyong magiging kampante ang lahat dahil sa kaya niyang ipagtanggol ang bawat isa sa kanyang nasasakupan. Isa pa, dapat din siyang maging malakas at mahusay sa pakikipaglaban dahil baka dumating ang araw na magkaroon ulit ng kaguluhan.

Hindi naman sa hinihiling ni Kanika na magkaroong ng gulo ngunit mas makakabuti kung handa siya… handa ang Erkalla.

“Ano na, Hamir? Umalis ka na! Kung nami-miss mo ako ay mamaya na tayo mag-usap. Patapusin mo muna ako dito sa aking pagsasanay! Kailangang hanapin ko pa ang halimaw sa kakahuyan na ito!” Madalas pa rin ang pagsasalita niya ng wikang Ingles kaya ang iba sa mga iyon ay naiintindihan na ng mga taong nakapaligid sa kanya.

Imbes na sundin ay lumuhod pa si Hamir sa harapan niya.

Pinanlakihan niya ito ng mga mata. “Ano ba ang iyong ginagawa? Bakit may pagluhod ka pa diyan? Tumayo ka nga at—”

“H-hamir, a-ano ang ibig sabihin nito?” nangingilid ang luhang tanong niya.

Nakatitig sa mga mata niya na sumagot si Hamir. “Ang lahat ng ito ay aking pakana. Walang halimaw sa kakahuyan na ito. Nagpatulong ako kay Calvin upang dalhin ka sa lugar na ito…”

“B-bakit?”

“Dahil nais kitang tanungin… Kanika, pumapayag ka ba na maging kabiyak ko pagdating ng tamang panahon?” madamdaming tanong ni Hamir.

Masaya siya dahil hindi niya akalain na ganoon din ang nararamdaman ni Hamir sa kanya. Hindi naman siya nito aayain na maging kabiyak niya kung hindi, `di ba?

“Labis ang aking kasiyahan! Maraming salamat, Kanika! Mahal na mahal kita!” puno ng pagmamahal na bulong ni Hamir sa tenga.

“Mahal na mahal din kita, Hamir…” Patuloy siya sa pag-iyak dahil sa labis na kasiyahan. Punung-puno ang puso niya ng pagmamahal para sa lalaking ngayon ay kayakap niya.

Hindi na makapaghintay si Kanika na maikasal siya kay Hamir at pagkatapos ay bubuo sila ng sarili nilang pamilya. Ngayon pa lang ay nakikini-kinita na niya ang magandang hinaharap para sa kanilang dalawa dito sa Erkalla.

Sa ngayon ay wala nang mahihiling pa si Kanika. Pakiramdam niya ay perpekto na ang buhay niya ngayon. Lalo na at wala na si Prosfera na dating malaking banta sa kapayapaan ng Erkalla.

Sadyang kapag napapalibutan ka ng pag-ibig ay wala ka nang mahihiling pa. Iyan ang isang bagay na napatunayan ni Kanina.

Nilapitan sila ng kanyang ina at ama na sina Reyna Helena at Haring Matias.

“Binabati ko kayong dalawa! Masaya kami na tunay at wagas ang inyong pag-iibigan!” naluluhang bati ni Reyna Helena.

Naghiwalay muna silang dalawa. “Ipinapangako ko po sa inyo na mamahalin ko nang tunay ang inyong anak, mahal na hari at mahal na reyna.” Bahagya pang yumukod si Hamir.

“Dapat lamang, Hamir. Dahil si Kanika ang nag-iisang kayaman naming mag-asawa,” turan naman ni Haring Matias. 

CHAPTER 02 

MUKHANG nahalata siya ng tindera dahil kumunot ang noo nito. “Tila may banyagang salita kang sinabi kanina,” anito habang ibinabalot sa kulay brown na papel ang mga prutas na sinabi niya.

“Baka nagkamali ka lang ng pagkakarinig. Akin na ang mga prutas ko!”

Mas lalong binilisan ng babae ang pagtakbo. Hindi siya makakapayag na mahuli. Marami pa siyang plano na dapat ay matupad sa lugar na ito. Hindi siya nagtungo dito para lang sa wala.

Nakita niya na hinahanap siya ng dalawang lalaki sa kumpol. Inalis niya ang telang nakabalot sa mukha at isiniksik iyon sa bulsa ng suot niyang palda.

Saka siya umalis sa kumpol nang hindi na doon nakatingin ang humahabol sa kanya.

May mga pagkakataon na gusto niyang bumalik na sa mundo niya ngunit sa tuwing naiisip niya na wala na siyang babalikan ay binabawi din niya kaagad. Saka may misyon na siya ngayon dito sa Erkalla at iyon ay ang maging reyna sa mundong ito ng mga salamangkero!

Kaya ipinapangako niyang gagawin niya ang lahat upang makamit ang kanyang ninanais kahit pa muling mabahiran ng dugo ang kanyang mga kamay!

“Kaya naman pala gustung-gusto mong makalaya noon sa pagkakakulong, Prosfera. Totoo ngang magandang mag-reyna dito sa Erkalla!” Isang ngisi ang sumilay sa labi ng babae.

Naningkit ang mga mata niya. Marami na siyang pinaplano ngunit hindi niya pa alam sa ngayon kung paano sisimulan. Ang gusto niya ay sigurado na siya sa mga gagawin niya upang hindi siya mabigo. 

“A-ANONG nangyayari?” Nahihintakutang tanong ni Veronica nang maramdaman niyang tila may ibang nananahan sa loob ng katawan niya matapos niya mapalaya si Prosfera mula sa pagkakakulong nito sa bote.

“Pumasok na ako sa katawan mo, Veronica. Akin na ang katawang ito!” Naririnig niya sa loob ng kanyang ulo ang boses ni Prosfera.

“A-ano? Pero ang sabi mo ay bibigyan mo ako ng gantimpala kapalit ng—”

“Niloko lang kita, Veronica! Kailangan ko lang talaga ang katawan mo upang muli akong mabuhay!”

Ang totoo niyan ay simula nang malaman niya ang tungkol sa Erkalla at kung gaano iyon kahiwaga ay nagkaroon na siya ng kagustuhan na marating ang lugar na iyon. Isa rin sa dahilan niya kung bakit niya tinulungan si Prosfera ay sa pag-asang baka maisama siya nito sa Erkalla kapag natalo nito ang mga sinasabi nitong nagkulong dito sa bote. Ngunit dahil sa patay na si Prosfera ay malabo nang mangyari na ito ang magdala sa kanya sa mundong iyon.

Sa unang araw ay labis siyang namangha sa hiwagang taglay ng Erkalla at ng mga nakatira doon na kung tawagin ay mga salamangkero. Nalaman niya rin na may mga salamangkero na mahuhusay sa paggamit ng mahika at nais niya rin na matutunan.

Nakita na rin niya ang buhay ng hari at reyna, ang palasyo at ang trato ng mga nasasakupan ng mga ito. Gusto niyang makuha ang lahat ng iyon. Gusto niyang makuha ang buong Erkalla! Dito siya magsisimula ulit ngunit gusto niyang mag-umpisa sa itaas at hindi na kailanman bababa! 

Ang unang hakbang na naiisip niya talaga ay ang matuto siya ng mahika. Nais niyang magkaroon ng kapangyarihan na ubod ng lakas!

Pero paano niya iyon gagawin kung hindi siya pwedeng pumasok doon bilang estudyante?

Ilang mga babae ang pinatay niya noon at naligo sa dugo ng mga iyon para lang manatili ang kanyang kagandahan.

“Akin na ang mga iyan!” sigaw niya habang tumatakbo palapit sa tatlo.

Tuluyan na siyang napahiga sa lupa. Nakatingin siya sa kulay asul na kalangitan. Nakakapanghina ang ginawang pagtadyak ng hayop na iyon sa kanyang tiyan. May masasamang loob din pala sa Erkalla kaya kailangan ay mas maging maingat siya. O mas tamang sabihin na dapat ay mas maging masama siya?

Ipinikit na lang ni Veronica ang mga mata at hinayaang magpahinga ang katawan na ilang araw nang pagod…

LABIS ang kasiyahan ni Kanika. Iba pala talaga ang pakiramdam kapag nakakapagbigay ka ng inspirasyon sa marami. Masaya din siya dahil marami ang nakapagtapos para sa taon na ito. Ibig sabihin ay mas marami na ang mga taga-Erkalla ang napaghuhusay ang kanilang kaalaman sa mahika.

Isang dating guro ang lumapit kay Kanika. “Binabati kita, Prinsesa Kanika!” Si Gurong Hipolito. 

Minsan lang din siyang kumain. Kung hindi siya magnanakaw ay wala siyang ilalaman sa kanyang tiyan. At kanina niya nalaman na kapag may gumawa ng masama sa kanya ay wala siyang kalaban-laban.

Nagdesisyon na siyang umalis sa lugar na iyon. Maghahanap ulit siya ng pagkain.

Mga hayop! Gigil na bulalas niya sa sarili.

Ngayong nakita niyang muli ang tatlo ay nagising agad ang galit ni Veronica. Pagkakataon na niya siguro ito upang makaganti!

“A-anong nangyayari?” nagtatakang niyang tanong.

Paano? Paano niya iyon nagagawa?

Ah! Saka na niya iisipin ang tungkol sa bagay na iyon. Ang kailangan muna niyang gawin ay ang maparusahan ang mga lalaking ito.

CHAPTER 03 

“DAPAT ay maghanap ka na rin ng magiging nobya mo, Jareth. Ikaw na lamang sa atin ang walang kasintahan!” biro ni Evrio habang naglalakad-lakad sila sa palengke.

Tama naman ang sinabi ni Evrio dahil kasintahan nito si Miya habang siya ay si Hamir.

“Ewan ko ba sa aking kapatid na iyan. Masyadong pihikan!” sulsol pa ni Hamir na pigil ang pagtawa.

“Hindi naman sa ako ay pihikan bagkus ay hindi ko pa natatagpuan ang babaeng magpapatibok sa aking puso. Sadyang kayo ay maswerte dahil natagpuan niyo na ang sa inyo. Hayaan ninyo at sa sandaling makilala ko na ang babaeng iyon ay sa inyong apat ko agad siya ipapakilala,” sagot ni Jareth.

“Maraming salamat, prinsesa! Tunay na kayo ay mabuti! Ako po ay isang Osoru at natutuwa ako na unti-unti na kaming natatanggap dito sa Erkalla!” Maluha-luha pa ang tindera habang kinukuha ang bulaklak na bibilhin niya.

“Huwag po kayong mag-alala dahil darating ang araw na tuluyan na kayong matatanggap ng mga Ligero at alam kong nalalapit na iyan!”

Ngunit ano ang ginagawa ng babaeng iyon dito sa Erkalla? Paano iyon nakarating dito gayong alam niyang isa itong tao? Mali na nandito ang babaeng iyon. Ang lugar na ito ay hindi pwede sa mga taong gaya nito.

Mali talaga na inalis niya pansamantala ang balabal niya sa mukha. Nakita at nakilala tuloy siya. Ngayon ay hinahabol na siya nito at siguradong katapusan na niya kapag nahuli siya

Mabuti at hindi lumapat ang maganda niyang mukha sa semento dahil paniguradong magkakaroon siya doon ng gasgas.

Alam niya na kung nakilala siya nito ay papabalikin siya nito sa mundo ng mga tao.

“Kung ganoon ay nagagawa kong mag-mahika kapag nakakaramdam ako ng intense na emotion!” hindi makapaniwalang bulalas ni Veronica.

Tiningnan niya nang maigi ang mukha sa tubig. Bumata siya nang kaunti. Naging mabait din siyang tingnan. Akala mo ay isang anghel ang maganda niyang mukha. Mas mabuti na rin na maganda at mabait tingnan ang mukha niya ngayon upang mas madali niyang makuha ang tiwala ng mga salamangkero na kailangan niyang lokohin para makuha ang kanyang minimithi.

WALANG imik na bumalik si Kanika sa mga kasama na nasa palengke. Iniisip niya pa rin ang nangyari kanina. Sigurado kasi siya na ang babaeng ginamit ni Prosfera ang nakita niya pero nang malapitan niya ito ay iba na ang mukha nito. Hindi niya tuloy alam kung namalik-mata siya at nagkamali lang o ano. Nahihirapan siyang bigyan ng paliwanag ang nangyari. Nagpalit ba ng mukha ang babaeng hinabol niya? Ngunit imposible din naman na iyon ang babaeng ginamit dati ni Prosfera kung nagpalit man iyon ng mukha dahil isa iyong tao. Walang kakayahan na gawin iyon ng isang tao.

“Saan ka ba galing at nawala ka na doon sa—” Kumunot ang noo ni Miya nang mapansing nakatulala siya at tila wala sa sarili. “Ano ba ang nangyari sa iyo? Tila may bumabagabag sa iyo.”

Ipinilig ni Kanika ang ulo upang bumalik sa normal ang takbo ng kanyang isip.

Naramdaman niya ang pagdampi ng kamay ni Hamir sa kanyang braso. “Ayos ka lang ba? May nangyari ba? Tama si Miya. Tila hindi ka ayos,” may pag-aalalang tanong nito.

“W-wala. Bigla lang akong napagod.” Pinili ni Kanika na huwag nang sabihin sa mga kasama ang nangyari.

“Gusto mo bang magpahinga na lang at huwag na tayong tumuloy? Maaari naman na sa ibang araw na lang tayo mag-piknik sa tabing-ilog,” ani Evrio.

“Ano ba kayo? Okay lang ako. Ano, tara na?” Pilit niyang pinasigla ang pagsasalita. “Nabili n’yo na ba ang lahat ng kailangan natin?”

“Oo pero ayos ka lang ba talaga?”

“Ayos na ayos ako, Miya!” Inagaw pa niya ang bitbit nitong basket na naglalaman ng ilan sa mga pinamili nila. “Ako na ang magdadala nito, ha. Tara na!”

ANG akala niya ay tapos na sila nang matapos silang magluto ng hapunan ng mga estudyante. Iyon pala ay huhugasan pa nila ang mga pinagkainan ng mga iyon at ang ginamit nila sa pagluluto.

Mabuti pa sa kagubatan na may mga damo na pwede niyang higaan. Mas malambot pa ang mga iyon. May kutson naman ang higaan nila dito ngunit sobrang nipis!

“Shit!” inis na mura niya.

At ganoon nga ang ginawa niya. Habang mahimbing ang tulog ng lahat ay lumabas siya ng silid.

Sa lugar na ito ako magsisimula… bulong niya sa sarili. 

CHAPTER 04 

SA gitna ng kanyang pagbabasa ay may narinig siyang yabag na papalapit sa kanya. Hindi muna niya inangat ang mukha na nakatingin sa nakabukas na aklat. Kinapa niya ang patalim na nasa tagiliran niya. Gumawa siya ng belt na may lalagyan ng patalim upang palagi niya iyong dala.

Akala mo ay isa itong dyosa. Pero siyempre, mas maganda pa rin si Veronica sa babaeng iyon lalo na kung ang tunay niyang mukha ang pagbabasehan.

Hindi niya kilala ang babae dahil ngayon lang niya ito nakita. Imposible din na makilala at makasalamuha niya ang lahat ng naroon lalo na at unang araw niya pa lamang kanina sa pagtatrabaho.

Sa tingin niya ay napukaw niya ang damdamin ng babae dahil sa awang nasa mukha nito. Lumapit ito at pinaupo siya. Tumabi ito sa kanya.

Biglang natahimik si Serafina. Tila umurong ang dila nito.

Tuloy lang siya sa paglason sa utak ni Serafina. Hindi lang paglason sa utak ang gagawin niya kundi maging ang emosyon nito ay mamanipulahin niya.

Sinasabi ko na nga ba… may ambisyon pa rin ang Serafina na ito! ani Veronica sa kanyang sarili.

“Kung ganoon ay bakit po kayo pumapayag na maging guro dito sa Enchanted Academy? Naniniwala ako na mas higit pa diyan ang nararapat para sa inyo—” 

NASA bintana ng kanyang kwarto si Kanika ng umagang iyon. Nakasilip siya sa ibaba dahil naaaliw siyang panoorin ang kanyang ama at ina na namimitas ng mga bulaklak sa hardin. Sa tuwing sumisibol ang maraming bulaklak sa kanilang hardin ay nakakatuwaan talaga ng hari at reyna na ang mga ito ang mismong mamitas. Kumbaga, isa iyon sa nagsisilbing bonding moment ng dalawa.

Ang kwento ng pag-iibigan ng mga magulang niya ang isa sa malaking inspirasyon niya sa kanila ni Hamir. Palagi niyang ipinagdadasal na gaya ng dalawa ay tumagal hanggang habangbuhay ang pag-iibigan nila ng kanyang mahal na nobyo.

“Ang sweet talaga nila, `no, mahal na prinsesa!” Nagulat siya sa biglang pagsulpot ni Leya sa harapan niya.

“Ugali mo na talaga ang gulatin ako, `no?!” Inirapan niya ang lambana. “At over na iyang paggamit mo ng English, ha.”

“Natutunan ko lang sa inyo, Prinsesa Kanika! Nakaka-lerki!”

Humagalpak ng tawa si Kanika sa tinuran ni Leya. Hindi lang English ang natututunan nito sa kanya kundi maging ang gay lingo.

“Ang dami mo nang alam, Leya! Dapat sa iyo ay itumba na!” biro niya.

Umupo sa may gilid ng bintana niya si Leya at pinanood ang hari at reyna kasama siya. “Marahil ay iniisip mo si Hamir habang nakatingin sa mahal na hari at reyna. Tama ba ako, prinsesa?” usisa nito.

“Paano mo nalaman?”

“Labis ang ningning ng iyong mga mata habang pinapanood sila. Nakikita ko ang pag-ibig sa iyong mga mata! Halatang si Hamir at ang pag-iibigan ninyo ang tumatakbo sa iyong isip!” Kinikilig na napatili silang dalawa ni Leya.

Gusto sana niyang hampasin ang lambana dahil sa kilig pero sa liit nito ay sigurado siyang tatalsik ito kapag ginawa niya iyon. “E, sino pa ba ang iisipin ko kundi si Hamir lang, `di ba?” Halos tumirik na ang mga mata ni Kanika sa sobrang kilig.

“Kaya pala kahit maaga pa ay naisipan kong puntahan ka dito.”

“Ay, kabayo ka!” gulat na sigaw ni Kanika nang marinig ang boses ni Hamir sa kanyang likuran. Pagharap niya ay naroon nga ang kanyang nobyo. Mukhang bagong paligo dahil sa medyo basa ang buhok. “H-hamir. Ikaw pala!”

“Ako nga, mahal ko.” Nilapitan siya nito at hinalikan sa kamay. “Ano ang pinag-uusapan ninyo ni Leya?”

“Ikaw, Hamir!” sabat ng lambana.

Natawa siya. “Ano pa nga ba ang magagawa ko? Ipinagkaluno na ako ng kaibigan kong lambana.”

“Iiwanan ko na kayong dalawa, ha. Paalam!” Ikinampay ni Leya ang maliliit nitong pakpak at lumipad palayo.

Ipinakita naman ni Kanika ang hari at reyna kay Hamir. “Tingnan mo sila, Hamir. Matagal na silang magkasama ngunit hanggang ngayon ay makikita mo na mahal na mahal pa rin nila ang isa’t isa. Sana ay maging katulad din nila tayo kapag tayo ay nasa ganyang edad na.” Seryoso na siya.

“Huwag kang mag-alala dahil mangyayari iyan. Hindi ako titigil na mahalin ka hangga’t ako ay nabubuhay. Pag-ibig hanggang wakas ang ipinapangako ko sa iyo.”

Pag-ibig hanggang wakas. Ang sarap pakinggan. Sana nga ay tuparin ni Hamir ang lahat ng pangako nito sa kanya dahil siya ay wala nang iba pang nais na makasama kundi ito lang…

CHAPTER 05 

LABIS ang kasiyahan ni Kanika lalo na at tanggap ng lahat ang pag-iibigan nila ni Hamir. Dagdag pa na nararamdaman niya na magiging tuloy-tuloy na ang kapayapaan sa Erkalla.

“Ina, hindi mo ba nami-miss ang mundo ng mga tao? Nanggaling ka din doon. Kasi ako, kahit masaya na ako dito sa Erkalla ay may mga pagkakataon pa rin na nalulungkot ako dahil hindi na ako nakakapunta doon.”

Huminga nang malalim ang reyna. “Nami-miss ko rin, anak. Matagal-tagal din ako sa mundong iyon. Magulo din pero mamahalin mo pa rin. Mami-miss mo pa rin. Parang kapag nagmahal ka… Kahit pa makita mo ang dilim sa pagkatao niya ay hindi niyon mapipigilan ang puso mo na mahalin siya.”

“Hala! Humuhugot ka, ina!” natatawang biro ni Kanika.

“Ikaw talaga. Minsan lang naman. Halika na, hanapin na natin si Hamir at ang ama mo. Sa tingin ko ay sila ang magkausap sa sandaling ito.” Inalalayan siya ni Reyna Helena na makatayo at nilisan na nila ang hapag-kainan upang hanapin ang mga lalaking may espesyal na lugar sa kani-kanilang mga puso.

Kaunting tiis na lang, Veronica. Malapit ka nang maging reyna sa mundong ito! aniya sa sarili para lumakas ang kanyang loob.

Bwisit na reyna! Sulitin mo na ang pagiging reyna mo dahil nalalapit na ang pagbagsak mo. Gagawin ko ang lahat para palitan ka kung saan ka man naroon ngayon! Gigil niyang bulong.

Mainit ang kamay nito. Tila may kuryenteng dumaloy sa buong pagkatao ni Veronica nang dumampi ang kamay ng hari sa kanya.

Agad na tumawag ng isa pang tagapag-silbi ang hari at ipinalinis ang ginawa niyang kalat. Pinasamahan din siya nito sa isang kawal upang dalhin sa klinika sa palasyo. Kailangan daw bigyan ng paunang lunas ang sugat niya sa palad.

ILANG araw matapos ang pormal na pagpapaalam sa buong Erkalla sa nalalapit na pagpapakasal ni Kanika kay Hamir ay nagtungo ang dalawa sa bahay ng huli. Iyon ay para makasama ni Kanika sa isang espesyal na hapunan ang pamilya ng kanyang mapapangasawa. May tamang laki lamang ang bahay nina Hamir na yari sa bato ngunit malinis iyon. Naroon ang ama at ina nito. Maging ang kapatid ni Hamir na si Jareth ay naroon din.

“Maligayang pagdating sa aming tahanan, mahal na prinsesa!” Malugod na yumukod ang ama at ina ni Hamir nang dumating na sila. Padilim na nang nagtungo sila doon para sakto para sa nalalapit na hapunan.

“Maraming salamat po! Nagdala po pala kami ng mga lulutuin para sa hapunan,” aniya.

“Akin na, mahal na prinsesa. Ako na ang magdadala sa kusina.”

“Huwag na po. Ako na po at ako rin po ang magluluto.”

“Marunong ka, prinsesa?” gulat na tanong ng ina ni Hamir.

“Opo. Noong nasa mundo ako ng mga tao ay nagluluto po ako. Ipagluluto ko po kayo ng sikat na putahe sa mundong iyon.”

Matapos ang maikling pakikipag-usap sa magulang ni Hamir ay nagtungo na siya sa kusina ng pamilya. Hinayaan muna niya ang mga ito sa salas habang siya ay naghahanda ng kanilang kakainin.

Ang putaheng naisip ni Kanika na lutuin ay adobong manok. Bukod sa madali iyong lutuin ay masarap pa. Sigurado siya na magugustuhan iyon ng pamilya ni Hamir. Ang totoo niyan ay hindi talaga siya mahusay sa larangan ng pagluluto pero dahil sa gusto niyang magpasikat sa pamilya ng kanyang mapapangasawa ay gagawin niya ito. Naturuan naman siya noon ng Ninang Nimfa niya kung paano magluto ng adobong manok at sa tingin niya ay natatandaan pa niya kung paano. 

“ANAK, marunong ba talagang magluto ang prinsesa?” Muntik nang matawa si Hamir sa tanong na iyon ng kanyang ama habang nasa salas sila at si Kanika ay nag-uumpisa na sa pagluluto sa kusina.

“Ang totoo po ay hindi ko alam. Ngayon ko lang yata siya makikita na magluto. Bakit po, ama? Natatakot po ba kayo na sumakit ang tiyan ninyo sa lulutin ni Kanika?” pabiro niyang tanong.

“Hindi sa ganoon, Hamir. Nakakahiya na ang prinsesa pa ang magluluto para sa atin.”

“Ama, wala pong problema kay Kanika iyon. Hindi ba’t isang karangalan na ang prinsesa pa ang magluluto para sa ating hapunan?”

Tumango-tango ang ina niya. “Hayaan na lang natin ang prinsesa. Hindi naman siya magpi-prisinta kung hindi niya alam ang kanyang gagawin.”

Napatingin silang lahat kay Jareth nang mahina itong tumawa. “Basta ako, wala akong tiwala sa luto ni Kanika!” anito sabay sandal sa upuan. 

NAGDASAL muna si Kanina kay Bathala para gabayan siya nito sa gagawin niyang pagluluto. Ayaw niya na mapahiya sa pamilya ni Hamir. Mas nakakakaba pa pala ang ipagluto ang pamilya ng mapapangasawa niya kesa sa pakikipaglaban noon kay Prosfera!

Hinugasan muna niya ang manok na binili nila sa palengke. Pagkatapos ay inilagay niya sa may kalakihang palayok. Nilagyan niya ng toyo, suka, pamintang buo at dahon ng laurel. Meron din naman na mga pampalasa sa Erkalla gaya ng mga pampalasa na meron sa mundo ng mga tao. May mga pampalasa nga dito na wala sa mundo ng mga tao na bago sa kanya.

Sa lutuan na ang gatong ay mga kahoy ang paglulutuan niya. Ganoon talaga ang normal na lutuan sa Erkalla. Matapos magpaningas ng apoy ay isinalang na niya ang kanyang adobong manok. Kahit pwede na niya iyong iwanan hanggang sa maluto ay hindi niya ginawa. Mas mabuti kung babantayan niya iyon. Saka para maalalayan niya ang apoy sa lutuan. Dapat ay mahina lamang.

Makalipas ang halos isang oras ay binuksan na ni Kanika ang palayok. Mabango ang amoy ng usok na nalanghap niya. Kaamoy naman ng adobo. Kumuha siya ng kutsara at tinikman ang kaunting sabaw. Medyo maalat. Siguro ay mas sasarap iyon kapag nilagyan niya ng asukal.

May nakita siyang garapon na may laman na maliliit na butil gaya ng sa asukal. May kulay itim na takip ang garapon. Akmang bubuksan na niya ang garapon nang magulat siya sa pagyakap ni Hamir sa likuran niya.

“Maluluto na ba ang niluluto mo, Kanika?” tanong nito.

Agad na lumayo si Kanika sa nobyo. “Baka makita tayo ng ama’t ina mo. Kung ano pa ang isipin nila. Oo, maluluto na. Bakit?”

“Gutom na kami, e.”

“Hala! Gano’n ba? Sorry! Maluluto na ito. Dalawang minuto… Bigyan mo ako ng dalawang minuto!”

“Sige. Ihahanda ko na rin ang lamesa at tatawagin sila.”

“Mabuti kung ganoon para pagtapos ko dito ay kakain na tayo.”

Habang inaayos na ni Hamir ang mga pinggan at kubyertos ay nilagyan niya ng isang kutsarang asukal ang adobong manok. Natataranta na siya dahil gutom na pala ang pamilya ni Hamir. Baka sabihin ng mga ito ay ang tagal niyang magluto!

Pinakuluan lang ni Kanika nang kaunting minuto ang niluluto at inihain na niya iyon.

Nang nasa hapag kainan na silang lahat ay mas lalo siyang kinakabahan. Sana ay masarap ang niluto niya para ma-impress ang mga magulang ni Hamir sa kanya. Dinulutan niya sa tig-iisang mangkok sina Hamir, Jareth at ang ama at ina ng dalawa. Siyempre meron din siya pero ang gusto niya ay ang mga ito muna ang kumain upang malaman niya kung masarap ba o pasado sa panlasa ng mga ito ang ganoong pagkain.

“Hmm…” Inamoy ng ina nina Hamir ang usok na nagmumula sa adobong manok. “Tunay bang pagkain ito mula sa mundo ng mga tao? Mukhang masarap sa amoy pa lamang.”

“Naku, maraming salamat po,” nahihiyang sambit ni Kanika.

“Ano ba ang tawag dito, Prinsesa Kanika?” tanong naman ng ama nina Hamir.

“Adobong manok po. Isa iyang kilalang pagkain sa mundo ng mga tao. Niluto ko po sa toyo at suka at kaunting pampalasa ang manok. Tikman n’yo na po!”

Hindi inaalis ni Kanika ang tingin sa mga kasama niya sa hapag habang hinihimay ng mga ito ang karne ng manok at nilalagyan ng kaunting sabaw ang kanina. Sabay-sabay na sumubo ng niluto niya ang apat at magkakasabay din na napaubo. Kulang na lang ay iluwa ng mga ito ang pagkain na niluto niya.

Kinabahan siya. “B-bakit po? Masyado po bang matamis?” napapahiya niyang tanong. Epic fail yata ang pagluto niya ng adobo. “Hay, naku! Pasensya na po kayo. Dapat pala ay hindi ko na nilagyan ng asukal. Napasobra yata ang tamis—”

“Hindi matamis! Sobra sa alat!” ani Jareth sabay inom ng tubig.

“Jareth!” saway dito ng ina ng mga ito.

“Ha? Paanong maalat? Asukal ang inilagay ko diyan…” Upang malaman niya ang totoo ay tinikman niya ang adobo. Kahit siya ay naubo sa sobrang alat. “Pasensiya na po talaga! Hindi ko alam kung bakit umalat. Pero asukal po talaga ang inilagay ko diyan.”

Hinawakan ni Hamir ang isa niyang kamay at masuyong pinisil. Gusto na niyang maiyak sa sobrang kahihiyan dahil hindi lang ang sarili niya ang kanyang ipinahiya kundi maging si Hamir.

“Wala kang dapat ihingi ng paumanhin, prinsesa. Ngunit saan ka ba kumuha ng asukal?” tanong ng tatay nina Hamir.

“Sa garapon po na may itim na takip.”

“Asin ang laman niyon, Kanika. Hindi asukal,” singit ni Hamir.

“Hala! Sorry po talaga! H-hindi ko alam. A-anong gagawin ko? Nakakahiya! Hindi po dapat ganyan ang lasa niyan. N-nagkamali ako ng paglagay sa asin. Akala ko po kasi ay asukal iyon.” Kulang na lang ay hilingin ni Kanika na bumuka ang lupa at lamunin siya.

“Nangyayari talaga iyan sa pagluluto. Ganyan din ako noong ako ay bago pa lang mag-asawa…” Nakangiting turan ng nanay ni Hamir. “Ang mabuti pa ay itabi muna natin ang nilutong putahe ng prinsesa at ako na ang bahalang mag-ayos para hindi sayang. May tapang baboy kami na nakatago. Akin lang na ipiprito iyon. Madali lang naman iyong maluto.” 

“NAKAKAHIYA ang ginawa ko, Hamir. Baka isipin ng mga magulang mo ay isang babaeng hindi marunong magluto ang iyong mapapangasawa,” malungkot na turan ni Kanika kay Hamir. Inihatid siya nito sa palasyo at kasalukuyang nasa harapan sila ng pinto ng kanyang kwarto.

Kinuha ni Hamir ang dalawa niyang kamay. “Lahat naman ay natututunan, prinsesa ko. Naniniwala ako na kaya mong pag-aralan ang pagluluto. Natuto ka ngang gumamit ng mahika, `di ba? Isa pa, hindi ka man marunong magluto ay ikaw naman ang itinitibok ng puso ko!” Diretso ang tingin sa mata niya na sabi nito.

“Pinapakilig mo na naman ako!” Pigil ang ngiti sa labi niya. “E, baka iwanan mo ako kapag hindi ako natutong magluto.”

“Iyan ang malabong mangyari. Mababaw ba ang tingin mo sa pag-ibig ko para iwanan kita sa mababaw na dahilan? Kanika, mahal kita sa kung sino ka at ano ang kaya mo. Walang makakapagbago ng pagmamahal ko sa iyo.”

“Sabi mo `yan, ha? Kapag ikaw talaga… naku!” natatawang sabi ni Kanika. “Sige na, bumalik ka na sa inyo at malalim na ang gabi.”

“Baka pwedeng diyan na lang ako matulog sa silid mo—”

Hinampas niya sa braso ang nobyo. “Hindi pwede! Gusto mong mapaaga ang kasalan?” Pinanlakihan niya ito ng mga mata. “Umuwi ka na at inaantok na ako. Bukas ay paniguradong magkikita naman tayo ulit.”

“Kahit ayaw ko pang umuwi at nais pa kitang makasama ay susundin ko ang iyong nais. Magandang gabi, prinsesa ko. Mahal na mahal kita…”

“Mahal na mahal din kita, Hamir…” Isang mabilis na halik sa pisngi ang iginawad ni Hamir sa kanya bago ito lumisan.

Nakangiting pumasok sa silid niya si Kanika. Hindi maalis-alis ang kilig na namamayani sa kanyang puso dahil sa mga matatamis na salita sa kanya ni Hamir. Tila sandali niyang nakalimutan ang kapalpakan na nagawa niya sa bahay ng mga magulang nito kanina.

CHAPTER 07

KINAKABAHAN si Serafina sa gagawin niyang iyon ngunit kailangan niyang gawin ang iniuutos ng alteza upang magtagumpay ito sa binabalak nito. Lalo na’t nangako itong magiging reyna ulit siya sa sandaling mabawi nito ang Erkalla.

Kahit hindi ito nagsalita ay alam niyang sinasabi nito na gawin na niya ang iniutos nito.

Mga Ligero na hindi makalimot sa nakaraan. Lahat sila ay pinipilit na magbago ngunit tila hindi iyon nakikita ng ilang Ligero!

Marahil ay ito na ang pagkakataon upang muli silang makabangon. Sadyang nabuhay ang alteza upang tulungan silang makuha ang dapat ay sa kanila—ang Erkalla! 

CHAPTER 08 

UMILING ito. “Hindi na. Magaling na ako, Celestina. Maaari na ulit akong humawak ng mga bulaklak!” masaya nitong tugon.

Ano ba iyan? So, ikaw na naman ang makakasama ng hari sa pamimitas ng flowers! Bitch! Gigil na gigil niyang sabi na tanging siya lang ang nakakarinig.

“Isang magandang balita po iyan. Pero iyon lang po ba ang gagawin ko?”

“Nais ko din na magluto ka ng espesyal na pagkain. Alam kong masarap kang magluto.”

“Disenyuhan ang silid at maghanda ng espesyal na pagkain…” ulit niya sa pinapagawa ni Helena. “Nakuha ko na, mahal na reyna. Ako na po ang bahala.”

“Basta, sa ika-walo ng umaga ay tapos ka na dapat. Darating siya ng ganoong oras mula sa pangangaso sa gubat. Ang nais ko ay mauna siya sa silid na iyon at saka ako papasok. Doon kami maghahapunan mamaya. Kaming dalawa lang!”

“Naku! Siguradong matutuwa ang hari! `Wag na po kayong mag-isip ng kung ano. Ako na po ang bahala sa lahat!” sabi ni Veronica habang nakangiti ngunit sa loob niya ay labis siyang nagagalit at nagseselos. 

CHAPTER 09

NAGUGULUHAN pa rin si Kanika sa nangyayari.

Magkatabing umupo sina Kanika at Haring Matias sa gilid ng kama. Habang pinagmamasdan niya ang mukha ng kanyang ama ay nababanaag niyang naguguluhan ito.

CHAPTER 10 

WALANG pagdadalawang-isip na na sinunod ni Serafina ang sinabi ni Celestina kaya nandito siya ngayon sa kulungan. Bukas ay haharap siya sa mga salamangkerong may katungkulan upang litisin at tanungin. Nangako siya kay Celestina na hindi niya ito ilalaglag hangga’t hindi nangyayari ang mga plano nito. Sigurado siya na magugulat ang lahat oras na malaman ng mga ito na buhay pa ang alteza at hindi nagtagumpay ang limang hinirang na ito ay paslangin! 

CHAPTER 12 

SA maikling oras na nawala ito simula kanina ay ang dami na agad na nagbago dito. Tunay na hindi nila ito dapat maliitin!

Hindi niya tuloy napigilan ang pagpatak ng kanyang mga luha habang lumalayo sa bulwagan at tinatahak ang daan palabas ng palasyo. Sa likuran sila lalabas ni Leya. 

 CHAPTER 13

KAMPANTE lang si Veronica dahil alam niya na mananalo sila laban sa kalaban. Hindi nga siya nagkamali. Makalipas ang ilang sandali ay napatay na ang halos lahat ng kawal ng palasyo habang kakaunti lamang ang nalagas sa kawal niya. Lahat ng natirang kalaban ay may nakatutok na armas sa katawan ng mga ito at kung muling lalaban ang mga iyon ay sigurado siyang hindi iyon sasantuhin ng mga kawal niya.

“Gusto mo bang `wag na kitang isama?”

“Ay, ang sama mo, prinsesa. Masaya na nga ako, e. Tapos babawiin mo pa?”

“Biro lang!” Masyado na kasing seryoso ang kanilang pinagdadaanan ngayon kaya nais niya na gumaan kahit paano.

“Sige ka! Kapag hindi mo ako isinama ay walang mangungulit sa iyo!” Umirap ito ng pabiro. Aba at marunong na rin magtaray ang kaibigan niyang lambana! Malamang ay sa kanya na naman nito iyon natutunan.

Sa tagal na niyang hindi nakakapunta sa lugar ng kanyang ninang ay hindi na niya masyadong matandaan ang lugar na kinaroroonan niya. Pero pamilyar siya sa nakikita sa paligid kaya sigurado siyang nasa malapit ang kanyang hinahanap.

“Prinsesa, sigurado ka ba na dito ang lugar ng bahay ng iyong Ninang Nimfa?” Hindi na nakatiis si Leya at nagtanong ito.

CHAPTER 14

NAPAKASIPAG talaga nito! Hindi nakakapagtaka na nagawa nitong palaguin ang napagbentahan nito sa gintong ibinigay nila dito noon. Malaki na rin ang bahay nito na may dalawang palapag. Malayong-malayo na sa bahay na tinirhan nila noong nasa poder pa siya nito.

Tunay na humahanga si Helena sa kaibigan niya. Kahit na mayaman na ito at may mga negosyo ay hindi pa rin ito nagbabago. Simple pa rin ang buhay nito. Nagtitinda pa nga ito sa palengke kahit pa hindi na nito iyon kailangang gawin.

Leave a comment

Your email address will not be published.