Breaking

Anabelle Rama Launches 1st Book ‘Day Hard!’

Nilabas na sa wakas ang pinaka-unang libro ni Annabelle Rama nitong nakalipas na December 15. Pinamagatang ‘Day, Hard! (Lakas ng Loob, Kapal ng Mukha), ang kanyang unang libro ay punong puno ng pranka at brutal na payo pero may halong paring katatawanan at puso na isang Annabelle Rama lang ang kayang gumawa.

Anabelle Rama Day Hard

Sa isang press conference na ginanap sa 9501 ng ABS-CBN, pinakita ni Annabelle sa mga piling miyembro ng press ang kanyang libro na halos isang taon niyang pinaghirapang gawin. Punong puno ng wisdom na kanyang naipon dahil sa mga pinagdaanan niya sa buhay, inaalay ni Annabelle ang kanyang libro sa lahat ng babaeng nalilito sa pag-ibig, sa trabaho at pera, at sa kahit ano mang aspeto ng buhay.

Bukod sa pagsagot sa mga tanong sa pag-ibig tulad ng love at first sight, long distance relationships, mga effective gayumas at sabunutan techniques, ang Day Hard ay sinasagot din ang mga tanong tulad ng paghanap ng panalong career at kung paano magkaroon ng masayang buhay pamilya.

Punong puno rin ito ng mga kwelang drowing at mga activity na pangdagdag sa aliw na siguradong ikatutuwa ng lahat ng mga mambabasa kahit na ang hindi fan ng Gutierrez family.

Pero para sa mga fan, asahan mong makita sa libro ang mga kuwelang istorya ni Annabelle. Andyan ang panahon na kinalbo siya ng tatay niya dahil umaga na siya umuwi. Nandyan din ang dahilan kung bakit Please Release Me ang theme song ni Eddie Gutierrez para sa kanya.

Nilimbag ng ABS-CBN Publishing, ang “’Day, Hard!” ay ang pinakabagong dagdag mula sa successful na mga celebrity books ng ABS-CBN Publishing. Kasama na ni Annabelle ang mga bestselling authors na sila Senator Miriam Defensor Santiago, Alex Gonzaga, Georgina Wilson, Solenn Heussaff and Ramon Bautista.

Ang libro ay exclusive na mabibili mula sa National Book Store at Powerbooks outlets nationwide for only 175 pesos.

3 Comments on Anabelle Rama Launches 1st Book ‘Day Hard!’

  1. A AN ENJOYABLE TO READ WITH. KASI SUPER LUKA LUKA SI ANNABELLE RAMA. LALO NA SA PAG IBIG. SIGURO MAGALINNG SA KAMA AT DAKO SI EDDIE GUTIERREZ KAYA GANOON NA LAMANG ANG PAGKABALIW NG BABAING ITO. ANO SA PLAGAY NINYO?

  2. kmukha mo Dai c MAHAL at c MURA…hahahahha

  3. lipas ka na dai…mtandang gurang ka na..

Leave a comment

Your email address will not be published.