Breaking

MJ Lastimosa Wants to Work with Jericho Rosales and Derek Ramsay

Q&A with MJ Lastimosa: The Miss Universe 2014 Top 10 finalist revealed she's open to the idea of entering showbiz someday and would love to work with Jericho Rosales and Derek Ramsay if given the chance.

IMG_5248

Mainit-init pa ang naganap na Miss Universe 2014 Pageant sa Miami Florida, USA na kung saan ay hindi pinalad na mauwi ng representative ng Pilipinas na si Mary Jean “MJ” Lastimosa ang korona, bagamat nakapasok naman sya sa Top 10 Finalists. Usap-usapan na ang dahilan daw ng kanyang pagkatalo ay kanyang isinuot na gown. Noong nakaraang January 29, 2015 ay nagkaroon ng Welcome Press Conference si MJ Lastimosa na ginanap sa Gloria Maris, Gateway Cubao. Nakausap ng ilang press si MJ tungkol sa kanyang experienced bilang representative ng Pilipinas sa nasabing prestigious pageant na ito at ito ang kanyang ilang pahayag.

IMG_5249

Nakita naman namin na you are so confident na rumarampa sa stage during the pageant, pero gusto naming malaman kung personally ano ang nararamdaman mo during that time na rumarampa ka on stage?

“Sobrang masaya! Kasi siguro feeling ko pag masaya ka-lumalabas na lahat eh, yung energy mo, yung aura mo, talagang lumalaki. Hindi mo akalain…na alam mo yun…nandun na ako sa stage na yun. Sabi ko sa sarili ko…”Oh My God! Is this happening? Thank you Lord!” sabi ko, 3 years in the making, I’m Here!“ Talagang very thankful lang ako pag lumalabas ako ng stage, nagdarasal ako…”Lord, thank you giving me a chance, these opportunity to be on stage. Kasi nung after 2013, pag nanunuod ako ng Miss Universe Pageant, sabi ko sa sarili ko na…”Ah! I will never be on that stage na, wala na akong chance. Pero nung nandun na ako at that moment, hindi pa rin ako makapaniwala. Talaga? Totoo ba ito Lord? If I’m dreaming punch me. If I’m dreaming gisingin mo ako. Kasi napakasaya ko lang talaga at that moment, kaya siguro napakadali ko lang tanggapin kung ano man ang nangyari.”

IMG_5162

Sa palagay mo, kung hindi si Miss Columbia ang Miss Universe, para sayo sino ang karapat dapat maging Miss Universe 2014?

“Miss Universe aside from me? (Sabay tawa). Sino ba? I think Miss Jamaica also really deserve it. Miss USA is a very nice person, I really think that she also deserve the crown. Siguro sa kin, yung mga may totoong puso. Ang dami kasi nila, ang dami ko kasing ka-close, so parang ang hirap isa-isahin. Actually, marami pang mga girls na kahit hindi nakapasok sa Top 15, really deserve to be there. Mexico and Russia are really close to me as well, kasi sabay kami nag gi gym, nag wo-work-out. Napapag-usapan namin yung mga bagay bagay.”

IMG_5209

Ikaw ba hindi ka na dismaya na hindi ka nanalo as Miss Universe 2014?

“For me kasi, sobrang na de-dwell ako sa mga good memories that I had in the competition. I had no regrets. Wala akong reklamo and any matter in Miss Universe organizer on how they run the competition. Ang gusto ko lang ma i-share sa mga Candidates natin for Binibining Pilipinas Hopefuls na how great the whole experienced was na ma-motivate sila to work harder na kung gaano kagaling pa yung mga representatives natin International, dapat mas angatan pa nila para makuha na natin ang crown.”

Isa sa mga naging issue na ang gown daw ang naging dahilan kung bakit ka natalo. Nagsalita na si Madam Stella Araneta about it, at gusto naman naming marinig ang side mo about that issue na ang gown daw ang dahilan ng iyong pagkatalo? What can you say about that?

“I don’t know! (sabay tawa). Do you think it’s the gown? Hindi ko kasi alam. Minsan kasi ang bilis ng pangyayari. Ilang second lang kami lumalabas ng stage eh. Malay natin na napa hapyaw lang tingin sayo ang judge at hindi ka nakita agad. Hindi agad na appreciate yung performance mo. Or minsan wala lang silang chance na mapalitan yung score nila sayo kasi it’s a computerized type of judging eh. What If they given highest score already to the first few girls at wala ng chance sayo para palitan kasi you’re on the middle pa. So, ang daming possible factors kung bakit hindi ka na include. So, who am I to say na it’s the gown, or it’s my performance or it’s just me, or maybe it’s just my destiny not be there. Basta I just be positive in all experienced at masaya naman ako.”

Maraming nagsabi na dapat daw yung gawang Pinoy designer ang sinuot mo at hindi yung gawa ng ibang bansa? What can you say about that?

“I admire all the Filipino designer, we have the best talent here in our country. But then again, we just always remember that Miss Universe is franchise own. So, kung ano man yung pamamalakad nila, I will respect to that. Kasi, parang halimbawa ako, I apply for the job and they got me. They are my boss, so kung ano man ang sabihin nila. Eto yung gagawin mo. I would follow, I’m here to submit myself to people who own the franchise.”

IMG_5182

After the long preparation for the pageant ano ang long term plan mo after the Miss Universe competition?

“Syempre business pa rin. Kung open naman ang showbiz for me, why not di ba? It’s a great job. Ang dami ko ring gustong tulungan na mga charities. I will be there for them. And I think I don’t be a politician to be able to help them.”

Nabanggit mo na gusto mong pasukin ang showbiz if given a chance. Ano particularly yung gusto mong gawin sa showbiz kung bigyan ka ng pagkakataon? Hosting ba? Acting? At sino yung gusto mong maka trabaho?

“Kung hosting man, gusto ko yun. Yung mga talk shows, yung ganun klase na very light lang ang very positive lang. If acting, siguro isa sa mga ina-admire ko ay si Jericho Rosales and Derek Ramsay-yung mga may puso talaga pag nag a-act.”

16 Comments on MJ Lastimosa Wants to Work with Jericho Rosales and Derek Ramsay

  1. isinali pa ang god sa usapan! asan yang god mo nung minamasaker ang fallen44 aber? Asan ang god mo habang may mga batang pinapatay ng mga magilang nila? nasaan aber?

  2. U are beautiful imagine you are among the top ten finalist.
    Maybe its not destined this time. God has a wonderful plan for you, so move on and find out . to all the detractors move on an run kayo let’s just be proud na meron tayong isa

  3. @darkfallingangel,
    Tanga!
    Unano naman yung Marian mo.
    Question and answer pa lng, waley na.

  4. Yung may mga masamang ugali lalo na may negative comment dapat ibasura yan at tsaka huwag patulan digmahin kasi naiinggit lng yan lalo na isa dito hindi makapag-move on… Hahaha!
    For you MJ ikaw pa rin ang nanalo sa akin… I’m proud of you… XoXo

  5. darkfallingangel // February 2, 2015 at 9:51 pm //

    dapat si marian rivera ang pinadala sa miss universe na yan.. kayang-kaya magbayad ng magandang gown ang GMA since kumikita lang naman ng 400 trillion ang GMA.. just sayin..

  6. mjlastismosa! // February 2, 2015 at 7:50 pm //

    mga bakla manhaimik na lang pag walang magandang sasabihin.

  7. JULIEANNfanatics // February 2, 2015 at 7:47 pm //

    @MIGNONETH – lukring

  8. mignoneth // February 2, 2015 at 7:41 pm //

    Sayang naman si ateh….sana hindi ako nanuod para nanalo sia, kasi ung kay megan hindi ako nanuod at nabalitaan ko na lang na nanalo na pala sia…haha

  9. briggsaidkickmyass // February 2, 2015 at 5:37 pm //

    kawawa naman itong si briggs at wala nang pumapansin at pumapatol sa kanya….siguro biktima ng pamamaltrato ng isang tatay na di nia matanggap ang anak niang pangit na ang ugali ay totong malansa pa ang pagiging bading….haha

  10. mobe on ka na teh talo nga eh puro kadahilan

  11. Sana ang gown na sinuot mo is like Shamcy wore in MU 2011 simple but elegant. I like also the type of gown wore by Miss Jamaica the red and red lace. Also the gown wore by Miss Venezuela on the finals the red also and umbrella cut on the hem. Sana next year Filipino designer naman which sana gawin mi Mrs. Araneta yon. At sana yong Nat’l Costumes sana ang isinuot ay yong entry mo sa Binibining Pilipinas na yellow terno mas maganda payon dapat yon na lang. Wala bang nag sa suggest kay Madam kung ano ang magada?

  12. Tito Banky // February 2, 2015 at 10:17 am //

    Congrats MJ!

    Maganda ka, inside and out!

    You are a true winner!!!

  13. Tito Banky // February 2, 2015 at 10:15 am //

    @Briggs

    Eh, di, WOW!!!

  14. Mas maganda ako sa kanya noh. tse!

  15. lakas ng tama ng talunan palaka!

  16. MJ All The Way // February 2, 2015 at 4:35 am //

    Hope to see her hosting a TV show.

Leave a comment

Your email address will not be published.