Breaking

Three Things You Still Don’t Know About Andrea Torres of ‘With A Smile’

Learn the 3 things that you still don't know about "With A Smile" leading lady, Andrea Torres.

AndreaTorres

Tatlong bagay na hindi mo pa alam tungkol kay Andrea Torres, a.k.a. Isay sa daytime kiligserye na “With A Smile”:

Andrea Torres: “Hindi ako mabilis mag-open up sa tao. For example sa friends, pinipili ko lang kung kanino ako mag-oopen up. So kunyari dinala mo ako sa isang lugar, hindi ako ‘yung maboka, yung talagang ma-PR hindi ako ganun, nahihiya ako ‘yung ganun. Ako ‘yung type talaga na tumitiklop kapag medyo di ko pa kilala ‘yung mga tao. Nahihiya ako. Hindi siguro halata pero ako ‘yung tao na may mga insecurities ako. ‘Yung parang normal na normal lang talaga na nahihiya ka, naiiyak ka, hindi ako agad agad nag-wa-warm up sa mga tao.”

“Tapos ‘yung kapatid ko, the youngest, ang tingin ko sa kanya talaga para siyang anghel na dinala mo sa lupa, ganun ang trato ko sa kanya. Kasi ‘yung youngest brother ko may down siya so ang feeling ko talaga pag kinakausap mo siya para siyang may direct line kay Lord. Ewan ko ha pero para siyang ganun e. Everytime na meron akong wish, kapag sinabi ko ‘yun sa brother ko, natutupad ‘yun.”

“Third siguro, mahilig ako kumain, sobra. Maraming hindi naniniwala pero sobrang lakas ko kumain. Kaya ko kumain ng tatlong rice ng isang upuan, hanggang apat, kaya ko. Isang upuan yan a. Tapos kaya ko rin ‘yung isang burger na malaki, yung pagdalawahan, kaya ko ‘yun ubusin mag-isa, ‘yung ganun.”

Abangan natin kung ano ang kapalaran ni Isay (Andrea Torres) sa With A Smile tuwing umaga pagkatapos ng Kusina Master. I-like at i-follow ang official Facebook and Twitter accounts ng “With A Smile”: https://www.facebook.com/GMAWithASmile https://twitter.com/WithASmileGMA.

For everything “With A Smile,” click HERE.

Andrea is inviting everyone to watch “With A Smile”:

Mamaya sa “With A Smile”:

www.facebook.com/GMAWithASmile

www.facebook.com/GMAWithASmile

Leave a comment

Your email address will not be published.




Shares