Breaking

Q&A with Ella Cruz and Paul Salas of ‘Aryana’

Get up close and personal with Ella Cruz and Paul Salas, lead stars of the ABS-CBN primetime series “Aryana.”

 

In the Primetime Bida fantaserye “Aryana,” Ella Cruz plays the title role while Paul Salas portrays the role of Marlon Salvador, Aryana’s love interest.

Check out their Q&A and Slumbook below…

 

Anong reaction niyo na na-achieve nyo kahapon (May 23) ang highest national TV rating ng show so far?

ELLA: Hindi po ako nakapaniwala naka 19% na po kami, actually hindi ko po napanood yung episode kahapon pero syempre po sobrang saya, super thankful kasi marami pong sumusuporta sa Aryana

PAUL: Syempre nagpapa-thank you po kami kay Lord syempre kasi binbigyan po kami ng successful na show tsaka yung mga Twitter fans namin, sa mga manonood na walang sawa ang suporta sa amin.

Ano sa tingin niyo ang secret ng show bakit siya kinakapitan ng viewers?

ELLA: Dahil po siguro nakaka-relate sila sa pinagdadaanang sitwasyon ni Aryana dahil nga po nag-school muna siya bago maging sirena. Napagdaanan niya yung pagbu-bully sa school, crush, best friend, tapos yung family problem din ni Aryana marami din naming nakaka-relate dito.

PAUL: Saka siguro hinhintay nila kung kelan magiging sirena si Aryana

May patikim ba kung kelan mangyayari yun?

ELLA: Yun po syempre dapat nilang abangan, malapit ng mangyari yun.

Pero mas kabado ba lalo na ngayong tumataas na ang ratings niyo?

ELLA: Opo syempre minsan kinakabahan po kami. Kasi gusto po naming ma-maintain yung rating so dapat galingan pa po namin.

Anong feeling na kayo ngayong yun tinitingala ng mga kabataan ngayon yung mga teens?

ELLA: Syempre sobrang sayo po kasi isa po to sa mga pangarap ko yung maging inspirasyon yun nga yung motto in life ko po “ be an inspiration to every generation” na unti unti po natutupad ko na po na kahit pano marami akong naiinspired na kabataan po. Sobrang saya po. Sarap sa feeling nakakagaan kailangan mo pa rin imaintain na inspirasyon ka nila

How do you plan to be a role model sa kanila like how do you plan to inspire?

ELLA: Yun po yung pagshare mo ng talents pagiging mabait sa kanila. Ayun po yung pagshare mo kasi ng talents it’s a gift from God. Kailangan niyo po gamitin yun. Kasi ako po madalas po may naririnig ako kapag tinanong mo ‘Anong talent mo’  Wala..  Marami pong ganun. So ako po gusto kong sabihin sa kanila na ako po kahit hindi ako magaling kumanta tinatry ko po. Try niyo, try niyo lahat ng sport ng acting, singing, etc.

Parang hina-hype ngayon ‘yung team-up nyo kasi mukhang kinikilig ang viewers, sino ba ang pipiliin ni Aryana?

ELLA: It’s either kay Hubert (Dom) or kay Marlon (Paul) po syempre may team Hubert may team Marlon po.

PAUL: Siguro dun sila naeexcite kasi ganun po mga teenagers ngayon

Anong reaction mo Paul na may bagong karibal sa puso ni Aryana?

PAUL: Masaya po kasi Masaya po kapag may kinocompare sakin may pinaglalabanan para may thrill.

So anong lamang ng character mo kay Dom?

PAUL: Actually po wala talagang lamang si Marlon kay Hubert, ang lamang niya lang po ay yung nakasama na niya si Aryana simula bata pa, ang lamang ko din po kasi kilalang kilala na ko ni Aryana, e si Hubert, may twist po yan sa character niya e.

Anong similarities ng character mo sayo?

PAUL: Masasabi ko pong parang ako kasi makulit wala pang alam na torpe, wala pang alam sa mga ganyan ganyan, So masasabi ko pong parang ako talaga si Marlon pero hindi naman po 100%

ELLA: Kami naman po, ang similarities namin ni Aryana, pareho po kaming laging positive, matatag ganun, maraming pangarap, pangarap sa sarili, pangarap sa pamilya yun yung talagang similarities naming ni Aryana, sabi ko wow nakakarelate ako dito parang ako lang yung talagang positive thinker. Si aryana, magi sang anak lang siya and wala siyang tatay.

Magbestfriend kayo dito pero in real life hindi so first time niyo magkatrabaho how do you work up?

ELLA: Hindi naman po. Parang magbestfriend na din po kami kasi simula nung bata pa kami nagkatrabaho na din po kami, siguro mga 8-9 years old sa iba’t-ibang stations po.

Naimagine niyo ba na nung nag teenager na kayo magiging magka-loveteam kayo?

ELLA: hindi po, hindi ko inexpect.

PAUL: nung tinawag pa nga po ako ditto sabi ko pa “ui ella kamusta ka na!”

Pero yung scenes na magkasama kayo ngayon and yung before ano yung parang nagbago?

ELLA: yung feelings po namin? Siguro ngayon mas komportable lang po parang ganun

PAUL: Opo saka mas nachallenge kasi iba po yung character naming kasi dati bata bata lang ngayon may loveteam

Pinaka selling point ngayon ng Aryana is yung team up niyo, pinag-uusapan niyo ba yung mga eksena nyo?

 

ELLA: Opo pinag uusapan po naming yun kunwari po may ibang eksenang oh sige magtitigan tayo dito kailangan ganyan, ganun po minsan oh dito sa line na to hawakan ko yung kamay mo para mas sweet tignan.

PAUL: Saka wala na po kaming hiya sa isa’t isa kasi mag-bestfriends na nga po.

Kadalasan inaapi-api ang mga sirena, sino ang magpe-play na apihin ka?

ELLA: Si Megan Mendez (Michelle) po kahit naman po nung hindi pa sirena si aryana, inaapi api na niya to.

Si Pokwang di ba ang nanay mo sa story, may pagkakahawig po ba kayo?

ELLA: Actually po pareho po kaming masyahin, positive thinker parehas po naming mahal yung pamilya namin.

Gano kasarap katrabaho si Nanay Pokwang?

 

ELLA: Sobrang saya po kasi kapag nasa set po wala naman po dun ung mami ko nasa standby area lang so feeling kop o meron akong mommy talaga, feeling ko siya yung nanay ko Pag may taping na Aryana para kaming sang pamilya na po kapag nasa set. Minsan po sa mga eksena na tinutulungan niya po ako sinasabi niya ‘Gandahan mo pa yung expression mo’  tutulungan po niya ko, hahawakan niya yung kamay ko tapos minsan po pag wala kaming ginagawa kalong kalong niya po ako yakap yakap niya..

PAUL: napaka-down to Earth po ni ms. Pokwang

Ano pa yung aabangan ng mga audience sa “Aryana”?

 

ELLA: Kung ano pong gagawin ni Marlon sa nararamdaman niya kay Aryana? Si Hubert ganun din po, kung si Aryana ba talaga o si Megan ang mahal niya? Saka kung ano pa pong pang aapi ang gagawin ni Megan, saka yung mga signs na malapit na maging mermaid si aryana at saka kung tatanggapin ba ko ng tatay ko o hindi.

Nare-recognize ka na ba ng mga tao?

ELLA: Meron naman po nung time na lumalabas yung teaser ng Aryana sabi nila “Ui si Isda me” tapos nung lumabas na po yung Aryana sabi nila “Ui si aryana o, tara papicture tayo” di po katulad ng dati lagi po akong nasa Greenhills, dati po wala talagang pumapansin sakin nung time na pumunta po ako last Sunday talagang grabe po parang di ako pumupunta sa greenhills dati talagang “si Aryana Si Aryana” talagang nagkakagulo na din po so parang ang saya po ng feeling ganun pala yung feeling kapag meron kang regular show.

In an industry like this hindi maiiwasan na kapag sumikat ka, lalaki ulo mo. How do you maintain on being down to earth?

ELLA: Ako po binabalikan ko po kung san ako nagmula, sa pagiging talent. Extra ganun po. Lagi kong tintignan na dun ako nagsimula kailangan ganun pa din ako hanggang ngayon tsaka lagi po nanjan mami ko para bantayan po ako.

Anong sinasabi sa ‘yo ng dad mo?

PAUL: Na lagi maging mabait sa mga tao, ako po kasi hindi ko tinatawag na fans, lahat po sila friends ko. Sabi po ng tito dingdong ko Wag daw ako magbabago

Sinong dinidream niyo na next niyo makatrabaho?

ELLA: Xian lim saka coco martin po.

PAUL: Si kuya coco po kasi napakagaling niya po kasi gusto ko po matuto sa kanya.

Nameet niyo na ba si Coco ?

ELLA: Ako hindi pa po actually nung time nga po may isa kaming taping yung taping na po na yun office ng walang hanggan saka office ng aryana tinanong kop o agad “nanjan po si kuya Coco?”  lagi po ako fangirl kapag makikita ko si kuya Xian saka si Coco martin. Nung first time kop o nakita si kuya xian nagtatakbo ko ko sabi ko “kuya xian kuya xia” fangirl po talaga ko pag nakikita ko siya nakakalimutan kong artista din ako.

ELLA AND PAUL’S SLUMBOOK ON PAGE 2

2 Comments on Q&A with Ella Cruz and Paul Salas of ‘Aryana’

  1. mahal na mahal kita aryana // November 2, 2018 at 3:55 pm //

    aryana si catyin
    mahal na mahal kita artyin
    sorry aryana sino bahakpipilien mo sa talawa sorry holin
    pansehan aryana sorry aryana
    nasahan ka aryana

  2. waw ang pogi 

Leave a comment

Your email address will not be published.




Shares