Breaking

First Weigh-In and Elimination on ‘The Biggest Loser Pinoy Edition’

The 2 trainers of The Biggest Loser Pinoy Edition work hard to prevent a team member from elimination.

Sa “The Biggest Loser Pinoy Edition,” hindi lang ang 14 na bigating Pinoy ang sasabak sa kompetisyon, pati na rin ang dalawang trainers na tutulong sa kanilang pagbabawas ng timbang—sina Jim Saret ng Blue Team at Chinggay Andrada ng Red Team.

Tulad ng mga contestant, dumaan din sa mahigpit na audition ang dalawa, at sa lahat ng naimbita at nagpresinta, sila ang umangat at napili ng mga bumubuo ng programa. Ayon sa production manager na si Reily Santiago, hindi lang kwalipikado para maging trainer ng Biggest Loser sina Jim at Chinggay, pareho rin silang interesanteng mga personalidad na siguradong kagigiliwan ng publiko.

Si Jim, na isang US certified sports scientist at head trainer ng Philippine national team, ay palangiti at mahinahon pero pagdating sa training ay seryoso, malikhain, at siyentipiko ang atake. Si Chinggay naman, na isang kilalang kickboxer, trainer ng mixed martial artists sa Amerika, at dati na ring TV at radio personality, ay matipid sa salita, malakas ang dating ngunit may puso rin para sa mga kalahok.

Bago pa man nag-aral ng sports science sa Amerika at bumalik sa ‘Pinas upang maging “trainer of trainers,” naglaro para sa Pilipinas si Jim bilang junior tennis player. Simula pagkabata, nahilig na siya sa sports kung kaya’t ngayon ay madali sa kaniyang gumawa at mag-implement ng training para sa mga atleta, kabilang ang hardcourt heartthrob na si Chris Tiu.

Pero sa BL camp, haharapin ni Jim ang kakaibang hamon. Paano mo ba gagawing aktibo at papapayatin ang mga taong hindi sanay sa exercise at labis ang katabaan? Pero sa kaniyang karanasan at pinag-aralan, may madaling sagot si Jim dito.

“Ang pilosopiya ko kasi, lahat tayo may atleta sa loob natin. Kailangan lang ng tamang motibasyon para ilabas ito. At iyan ang gagawin ko.”

Kung kayat sa nakalipas na dalawang linggo, nakita natin ang ibang estilo ni Jim sa training, kung saan ibinabagay niya sa tao ang workout na pinagagawa niya. Lumihis siya sa tradisyunal na ehersisyo para maging kawili-wili ang training sa kaniyang grupo na binubuo nina Alan, Eric, JM, Larry, Angela, Edden, at Joy, ang pinakamabigat na
babae.

Si Chinggay naman ay maagang in-expose sa sports ng kaniyang ama, maski nag-iisang babae sa kanilang pamilya. Dala niya hanggang paglaki ang pagkahumaling dito at gumawa ng pangalan bilang sportscaster, host at producer ng sports shows sa radyo at TV. Bago pa man nakapagtayo ng sariling gym, sumali at nanalo na rin siya sa mga patimpalak sa magandang pangangatawan.

Umuwi pa si Chinggay mula Amerika, kung saan naninirahan ang kaniyang pamilya, para sa Biggest Loser. Aniya, ito ang pinakamalaking hamon at break sa kaniyang karera, hindi dahil sa malaki ang programa kundi magkakaroon siya ng paraang makatulong sa pagbabago ng buhay ng kapwa.

Kaya naman maluha-luha siya habang pinipili sina Art, Raffy, Ryan, Destiny, Hazel, Winwin, at ang pinakamalaki sa programa na si Eboy para maging parte ng Red Team.

Pero, pagdating sa training, mala-tigre si Chinggay sa pagpapalakas ng loob ng mga ka-team sa bawat push-up, buhat, at jog. Sabi pa niya, “Sa training style ko, kailangan makuha mo ang respeto ko. Dapat seryoso ka talaga sa workout.”

Habang papalalapit na ang unang weigh-in at eliminasyon, sari-sari na rin ang kuro-kuro sa kung sino kina Jim at Chinggay ang maghahatid sa kani-kanilang team sa panalo. Bagama’t una nang nagwagi ang Blue Team sa challenge kasama ang game master na si Derek Ramsay, hindi pa rin sila nakasisiguro na ang kanilang team ang makakakuha ng
pinakamalaking porsiyento ng nabawas na timbang sa weigh-in.

Ang grupo kasing mas maliit ang porsiyento ng nabawas na timbang ay dadaan sa eliminasyon at kakailanganing magbawas ng miyembro.

Blue Team ka ba o Red Team? Abangan ang nalalapit na makapigil-hininga at madamdaming unang weigh-in at eliminasyon sa “The Biggest Loser Pinoy Edition” kasama ang Megastar na si Sharon Cuneta sa Primetime Bida, pagkatapos ng “Minsan Lang Kita Iibigin” sa ABS-CBN.

43 Comments on First Weigh-In and Elimination on ‘The Biggest Loser Pinoy Edition’

  1. Whatever Pepelito! // June 11, 2011 at 12:21 pm //

    Hello hindi ka ba nanunuod ng biggest loser season 8?!! try mo mag research sa youtube ng malaman mo kung gano kalaki ang ipinayat ng contestant!! haha how stupid you are!! sa tutoo lang kht hindi ako mataba i still watch the pinoy edition to motivate everyone!!! kawawa ka naman!!!

  2. AMAYA KAMBAL NG AHAS // June 10, 2011 at 7:19 pm //

    @pipito, umalis ka na lang d2, isa kring balahura tulad ng amaya mong idol. Khit kelan d mo mararamdaman ang mga BL sa kapanonood mo sa idol mong bobot balahura.., kuha mo.. o ito noodles.. yan lang naman katapat niyo.. lolz

  3. amaya????
    nagwaldas ng milyonis ang gme sa walang kwentang show na yan. .
    sasabihin ba naman sa mga press release eh most expensive bkit my pakialam ba viewers nyo kung expensive yan . . puro naman cheap nanonood nun walang class in short. . tpos ang taas ng expectation ng mga gme 40% dw eh di nga maka20%.. .
    tpos sbihin number one sinong niloko nila. . san banda mega manila.. .wala ang visayas at mindanao. . grabe ang bobo naman sasabihin ang nationwide ratings composed of luzon,visayas at mindanao eh mega manila .. malaking kalokohan.. . para maka attract ng advertisers nakaattract naman kaya. . .
    gma at viewers nila nglolokohan lang. . .sabagay viewers nila masaya sila dun. .

    blue team ako .. . go biggest loser
    100 days to heaven , guns and roses, minsan lang kita iibigin. . go primetime bidabest. . primetime bida rules nationwide at ang shows natin nagtetrend sa twitter at yahoo. . .d gaya ng iba wla masyado

  4. pepilito // June 10, 2011 at 4:00 pm //

    #37 mayabang kung mayabang, may magagawa ka?

    #38 bobo karin pepelito not pipitoooo and bobobobobbo my ganyan bang word?

    #39 isa rin tong bobo first of all hindi losser, loser po! hahaha.. paulit ulit? di nga nanonood eh..kulit! i don’t care kung ano pa yan..

  5. pepilito, kung makapagcomment k as if nanonood k... ndi ito puro kadramahan... inspirational mga buhay nila... // June 10, 2011 at 3:53 pm //

    losser!!!

  6. hahaha4 // June 10, 2011 at 3:29 pm //

    blue team,.><,.,. hehehe, pipilitooo so bobobobo mo

  7. yabang mo pepelito! kairita! basta ako i love this show! Red Team ako!

  8. pepilito // June 10, 2011 at 3:02 pm //

    #32 y? may sinbi ba ako na alam ko ang lahat? bakit ka naki2alam that’s my opinion at comment ko to, lahat dito free kahit sino pwede mag comment! Amaya na ang bida ngayon! edi magpakasaya ka sa biggest loser my pumipigil ba sayo?

  9. pepilito // June 10, 2011 at 2:58 pm //

    #33 bobo Karin! Alam ko matataba sila kaya nga ayaw ko manood kasi matataba ang contestants at puro dramahan you get my point, bakit ngayon mo lang narealize na magpapayat? Dapat nung una palang inalam mo na, kesa hinintay mo pa ang loser haha..Amaya rules!

  10. GO BLUE TEAM!! LARRY, ANGELA, and ERIC!!!

  11. bobo ni pepelito:) // June 10, 2011 at 2:43 pm //

    kaya nga BIGGEST LOSER EHH., kasi puro mga matataba ang tema nila., ang laki mong tanga kung sa umpisa palang ng show ehh mag hanap ka ng sexy…..ipag malaki daw ba yang UMAYa na yan ehh puro yata hubadan., atlist ung biggest loser ehh inspiration sa mga matataba para mag papayat at para narin sa mga mapapayat kung pano nila dapat tratuhin ang matataba…..personally dahil sa show kaya nag decide akong mag papayat., mula ng na air ang biggset loser….. nag jojogging ako at nag da-diet narin., inspiration sakin ang show na to….bobo ka kasi kaya di mo maappreciate:)

  12. pinkybabes // June 10, 2011 at 2:38 pm //

    @pepelito

    kung makapagcomment ka alam mo na lahat ah..wala ka kasing alam dada ka ng dada, wala ka kasing pakiramdam at hindi mo alam ang mga kwento ng buhay nila,.care naman nmin sa amaya? eh masaya kami sa Biggest Loser! Pathetic!

  13. pepilito // June 10, 2011 at 2:34 pm //

    talga naman e asa pa kayo na papayat sila sa madaling panahon lng? bakit pa ako mag aaksaya ng panahon na sumali sa biggest loser, eh yung iba naman dinaya na para kunwari pumayat wahahaha….maganda ba yang show na yan eh puro dramahan lang at ang tataba pa ng contestants mas gugustuhin ko pang manood ng amaya! maraming matututunan di puro iyakan!

  14. im here for RED Team!!!

    the best ang show na ‘to!!!
    superb!!! 😀

  15. i love this show... so inspiring... // June 10, 2011 at 11:34 am //

    .

  16. android // June 10, 2011 at 8:16 am //

    i really love this show.. more power to the bl team.. go red and blue team.. never mind mga negative..

  17. at pepelito hindisila mapapayat ng 4 months

    wala ka siguro cable at di mo napapanood ang reaality show na ito

    lahat nang nanalo dito grabe pag pumayat

    hayyyy malapagcomment pepelito mahirap basura

  18. i REALLY LOVE this SHOW! kanina bigla nalng akong iiyak. super nkakatouch. the best among the rest. sana manalo din ang red team, sana nga wala nalang aalis eh. sna s 4 months nlng natinagal nila saka nalang ichecheck ung sinong pinaka marami and nabawas, pero hindi. this is a game. nkakalungkot lng isipin na may maalis sa kanila! MORE POWERS PBL! WE LOVE ABS!

  19. i REALLY LOVE this SHOW! kanina bigla nlng akong iiyak. super nkakatouch. the best among the rest. sana manalo din ang red team, sana nga wala nmng aalis eh. sna s 4 months nlng eh saka nalang ichecheck ung pagbabago, pero hindi. this is game. nkakalungkot lng isipin na may maalis sa kamila! MORE POWERS PBL

  20. THE BIGGEST LOSER tunay na no.1 // June 10, 2011 at 3:15 am //

    kayu naman walang cable yang pepito na yan kaya di niya alam ang THE BIGGEST LOSER sa buung mundo for all we know isang bangaw na bading yan, in 2 months nga lang malaki na mababawas sa kanila e

  21. saan ba ang lacation ng BL? hanep, ganda naman ng mansion nila!! kakaiba itong show. SUPER GANDA!!!!!!!!!!!!THE BEST!!!!!
    thanks ABS CBN!!!!!!GALNG NYO!!!!!!!!

  22. Anonymous // June 10, 2011 at 2:19 am //

    Ganda tlga ng show na to nkakainspire sa lahat –mataba man o payat! Ganda ni Hazel!

  23. anonymous // June 10, 2011 at 2:17 am //

    sa office namin, ito ang lagi naming pinag-uusapan oras ng breaktime….napakaganda ng BL….nakaka-touch mga kwento nila. punong-puno ng emotion!!!! super like!!!!!

  24. i love this show.... // June 10, 2011 at 2:12 am //

    super ganda nito. nakaka- inspire. Good luck to all contestants!!!

  25. BIGGEST WINNER!!!!!! // June 10, 2011 at 2:09 am //

    Biggest winner ang show na ito!!!!

    tama ka @16—-> TAGOS talaga sa PUSO ang show na ito.

    BIGGEST LOSER contestants—>>> YOU’RE truly the BIGGEST WINNERS in OUR HEARTS!!!
    Your LIFE sTORIES are so inspiring!!! God bless you.

  26. BL THE BEST! // June 10, 2011 at 2:01 am //

    WOW!!!! this is ONE of the BEST REALITY SHOWS in ABS CBN!!!!!!!!

  27. GANDA ng show na 'to! // June 10, 2011 at 1:55 am //

    napakaganda talaga ng show na ito!

    sa bahay namin, ito ang lagi naming inaabangan at laging topic sa aming usapan, pati sa mga kaibigan.

    sobrang nakaka-inspire. habang nanunuod kami, biglang tatahimik lahat. yon pala ay mga tumutulo na ang luha!!! hahahaha!!! nakakadala ng emosyon kasi naman sobrang nakaka-touch ang kwento ng buhay ng mga contestants.

    Grabe sa ganda ng show na ito. Talagang kakaiba sa lahat ng mga reality shows, Punong-puno ng damdamin!!!! At hahanga ka sa pagbabago ng attitude ng bawat isa. Tingin ko sa kanila– parang ang bubuting tao na nila!!!

    BAwat isa ay well-determined sa pagbabago!!! So inspiring talaga itong show!!!

    gusto din namin ang red team!!!

    Good luck to all the guys– RED TEAM/BLUE TEAM!!!!!

    we love you!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

  28. Biggest Loser--- The BEST inspirational SHOW!!!!!! // June 10, 2011 at 1:38 am //

    i like red team!

    we surely learn a lot of lessons from each one of them.

    ART is the best motivational speaker. Tagos sa puso ang mga sinasabi nya, so with EBOY, and the rest.

    Habang nanunuod, sabay din ang pagluha natin dahil sa makapagbagbag-damdaming kwento ng kani-kanilang buhay.

    i really love this show!!!!

    very inspiring!!!!
    motivational!!!!!
    very heart-warming!!!!!

  29. favorite ko si epoy

  30. I super duper Love this show!!! One of the best…

  31. go red team

  32. Aba! eh OO ksi KAU WLA P NYAN! HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA

  33. PANIG SA KATOTOHANAN // June 9, 2011 at 8:21 pm //

    @ PEPILITO

    ANUNG problema mo? halatang isa kang kapusong malayong makaunawa..

    kakainin mo ri ang sinasabi mong yan..palagay ko dapat ikaw pumasok din.. ndi sa pbb pro s rehab..

    mga KAPAMILYA, wag nating patulan ang mga ganyang komentong galing sa mga kapuso..

  34. pepilito // June 9, 2011 at 8:14 pm //

    boooooo hindi niyo mapapapayat yan ng 4 months!! asa e sobrang tataba nyan wala nang pag asa yan!

  35. hala na adik narin ako dito wahahahahahahahaha gaya sa PBB di ko alam kung bakit ako na adik dito wahahahahaa

  36. Marcelito // June 9, 2011 at 8:10 pm //

    excited na rin ako sa PBB kailan ba season 4? di na ako makapaghintay basagan ng pinggan nanaman ito at puyatan to the max..at first nung napanood ko ito hindi ko masyadong feel, pero nakalipas ang isang linggo na appreciate ko ito, inspiring ang biggest loser at ang galing nilang pumili ng contestants.,

  37. i also love this show..isasama ko na sa listahan ko na best reality show! but Pinoy Big Brother is the best parin!!

  38. pinkybabes // June 9, 2011 at 8:06 pm //

    ako rin red team!! malakas ang aura nila sa akin… i love this show so much!!! di lang pagpapapayat ang ganda ng story ng buhay nila at gusto character nila., pti infairness ah ang dami kong natututunan sa show na ito ah..promise lalo na si eboy ang cute cute ahahaha tpos aba kinikilig ako sa Haffy loveteam ahaha..

  39. i know madami fans ang pbb, pero mas gusto ko to kasi hindi made up iung mga hirap, kasi mahirap tlaga iung ginagawa nila. plus they are not just directed to win the prize, its more of a journey to be a better person, iung mga challenges kasi tagos sa puso.

  40. G=ozon M=ukang A=scaris // June 9, 2011 at 7:40 pm //

    @no 2 ANG BIG QUESTIONS AFFORD BA YAN NG MGA KAPUSUCKS NA KATULAD NYO MGA AMBISOSYA HAHAHA

  41. sarahforever // June 9, 2011 at 7:11 pm //

    red team ako!!i like dz show.. Marami kang matutunan,lahat makakarelate d2,kahit payat ka matouch ka sa mga pinagdadaanan ng mga contestants para pumayat lang…

  42. GMA Network launches Video Messaging Service // June 9, 2011 at 6:58 pm //

    GMA Network’s latest mobile offering will enable Filipino users to view their favorite GMA news and entertainment shows even while on the go.

    Through a Video Message Service (VMS) application developed by Swedish mobile solutions provider Ironroad, iOS- and Android-based smartphone users will now be able to subscribe to video content of GMA shows that will be delivered straight to their mobile phones.

    According to Abby Payuyo, corporate communications manager of GMA New Media, Inc., the application works just like the conventional Multimedia Messaging Service (MMS) commonly offered by telecom firms —but without some of the latter’s limitations.

    With the VMS application, videos are stored through a central server, which eliminates the need to store the videos in one’s mobile phone and frees up needed storage capacities.

    “The idea is just like a peer-to-peer video messaging capability. The problem with MMS, though, is it has limitations in capacity,” Payuyo explained.

    With the new service, users can choose from a variety of GMA shows such as primetime newscast 24 Oras, comedy show Bubble Gang, teleserye Munting Heredera and showbiz talk show StarTalk, among many others.

    In the future, users will also be able to receive personalized messages from their favorite Kapuso celebrities.

    Users can also subscribe to a certain show or celebrity they are following, where a new video will be delivered to their inbox every day.

    “The duration (of the video) is about two minutes per clip. For news, videos containing the headlines of the day are delivered. For teleserye and other shows, the highlights of the previous episode are the ones shown,” Payuyo said.

    As an introductory offer along with Globe Telecom, the initial provider of the service, users will be able to avail of the service for free during the entire month of June.

    By July, users will be charged a minimal rate of P5 for every video downloaded or delivered to the device.

    Payuyo said they are working to include other telecom providers in the service, so that subscribers of Smart and Sun Cellular can also enjoy having GMA shows on their mobile phones.

    She said VMS applications for the BlackBerry and Symbian OS (Nokia) are also in the works, and will be made available in the coming months.

    As an aside, the application can also be used by users to record their own videos and send them over to contacts who also have VMS installed on their mobile phones.

    To start availing the service, users would just have to download the VMS application in the Apple App Store and the Android Marketplace, and register their Globe mobile phones through the application.

  43. PANIG SA KATOTOHANAN // June 9, 2011 at 6:08 pm //

    very inspiring program din ito.. atleast nagiging conscious ang mga manonood sa mga kapabayaan sa katawaan if hindi magiingat..

Leave a comment

Your email address will not be published.