Breaking

Goin’ Bulilit Kids Naghahanda na Para sa Semana Santa

Sa nalalapit na pagsapit ng Semana Santa, marami ang naghahanda para sa kani-kanilang pagninilay at pagbabakasyon. Kabilang na sa mga ito ang mga Bulilits na nagbahagi ng kanilang mga plano sa darating na Holy Week.

“Ako po, kasama ko ang family ko sa Holy Week. Time na rin po yun para makapag-bonding kami. Syempre po magfa-fasting din ako. I’ll eat fish nalang muna instead of meat,” ani Alexa Ilacad.

Si Sharlene San Pedro naman ay mamalagi lang sa kanilang bahay ngayong Semana Santa upang makapagdasal at makapagnilay-nilay. “Mas okay po kung sa bahay nalang. Para po mas ma-feel ko yung Holy Week. Babawasan ko muna yung paglalaro ng computer games,” pahayag ni Sharlene.

Nais naman samatalahin nina Nash Aguas, Angelo Garcia at Micah dela Cruz ang pagkakataon para mag-out of town upang makapag-relax. “Iniisip pa po ng family namin hanggang ngayon kung saan maganda pumunta. Susulitin ko po ‘tong bakasyon namin,” ani Nash.

Kahit pa may kani-kaniyang plano ang mga Bulilits ay hindi nila malilimutang pasayahin ang mga Kapamilya viewers dahil ngayong Linggo ay mapapanood ang Penitensya episode ng Goin’ Bulilit.

Huwag palampasin ang sariling rendisyon ng Bulilits sa awiting “Speak Now,” idagdag pa ang Lumang Panahon gags na tiyak na maghahatid ng purong katatawanan. Tunghayan din ang Payabangan ng mga Tindera, Rekolilit sa Senakulo at Senate Hearing sa Senado. Abangan din ang kakwelahan sa Ipit Bulilit kung saan magtatagisan ng galing ang mga Bulilits.

Talagang umaapaw ang sorpresa na hatid ng ika-6 na taon ng Goin’ Bulilit. Huwag palampasin ngayong Linggo, pagkatapos ng TV Patrol Weekend sa ABS-CBN.

Leave a comment

Your email address will not be published.