TV5 Launches Alex Gonzaga as a Dramatic Actress in ‘Babaeng Hampaslupa’
From comedy to hosting, drama naman ngayon ang tatahakin ni Alex Gonzaga dahil binigyan siya ng TV5 ng sariling teleserye!
Tuloy tuloy na nga ang pag-angat ng career ng younger sister ng Multimedia Star na si Toni Gonzaga dahil TV5 is grooming her to be a lead dramatic actress sa upcoming teleserye nila na “Babaeng Hampaslupa.”
Kenkay ang role ni Alex sa rom-com series na BFGF at ganun din naman sa Golden Dove Best Comedy Program na Lokomoko U. Kenkay din siya sa showbiz talk show na Juicy! dahil ganun naman talaga ang personality niya kaya malaking pagbabago talaga ang makikita kay Alex sa upcoming teleserye na nakatakda nang umere sa 1st quarter ng 2011.
Si Alice Dixon ang gaganap na ina ni Alex at si Susan Roces naman ang balak kunin ng TV5 na gumanap bilang kanyang lola. Isang Kapuso young actress naman ang gustong makuha ng Kapatid network para maging kontra-bida ni Alex at isang kapamilya hunk naman ang nais nilang maging leading man nito.
(As reported by Echoserong Prinsipe)