Breaking

Maja, Sam & Melason Thankful for the High Ratings of ‘Impostor’

Precious Hearts Romances (PHR) presents Impostor, starring Sam Milby, Maja Salvador, Melai Cantiveros and Jason Francisco, is getting high ratings.

Wala na nga talagang makapipigil sa araw-araw na pagtaas sa ratings ng pinakabagong afternoon teleseryeng kinahuhumalingan ng sambayanan, ang Precious Hearts Romances (PHR) presents Impostor na pinagbibidahan ng Prince of Romance Sam Milby at Drama Sweetheart Maja Salvador kasama ang ‘Prinsipe at Prinsesa ng Masa’ na sina Jason Francisco at Melai Cantiveros,

Batay sa TNS National TV Ratings, consistent top-rater ang PHR presents Impostor. Buong linggo mula May 24-31, pinatunayan ng Impostor ang kakaibang hatak nito sa mga manonood sa pangunguna maging sa Hapontastic block ng ABS-CBN. Noong Lunes pumalo ng 15.4% ang ratings ng PHR presents Impostor laban sa 10.1% ng katapat na programa; 16.7% vs 10.2% naman noong Martes, 16.5% vs 11.9% ng Miyerkules, 18% vs 11.8% ng Huwebes at 17.4% vs 10.8% noong Biyernes.

Dahil sa mainit na suporta, labis-labis na pasasalamat ang ipinaabot ng mga bida ng programa. Nanguna na dito sina Maja at Sam na bumati, “Over-over ang pasasalamat namin sa lahat ng sumuporta sa Impostor. Kami po ay buong pusong nagpapasalamat sa inyo.”

Hindi naman nagpahuli ang mag-sweetiepie na sina Melai at Jason sa pag-imbitang patuloy subaybayan ang kanilang teleserye. “Patuloy lang po kayo sa panonood ng Impostor dahil marami pang kaaabang-abang na mangyayari. Tutok lang po mga Kapamilya, sa paboritong teleserye ng bayan tuwing hapon!”

Sa pagpapatuloy ng kwento ng PHR presents Impostor, tuluyan na ngang nabago ang buhay ni Devin (Melai). Mula sa isang simpleng dalaga na wala pang karanasan sa pag-ibig, inangkin na niya ang komplikadong buhay ni Mariz (Maja) bilang ina at asawa ni Anthony (Sam).

Ngayong linggo, abangan kung anong mga pagbabago ang magaganap sa buhay ng bagong Mariz at sa mga taong nakapalibot sa kanya. Sa pamamagitan ni Devin, maibalik nga kaya ni Mariz ang pagmamahal ni Anthony? Sa pagbabalik ni Mariz sa kanyang “public life” bilang isang modelo, mabuko na kaya ang pagiging impostor ni Devin?

Pakaabangan din ngayong linggo ang napipintong proposal ni Anthony kay Mariz. Tanggapin kaya ito ni Devin kahit alam niyang siya’y nagpapanggap lang?

Kasama sina Precious Lara Quigaman, Bobby Andrews, Raquel Villavicencio at Izzy Canillo, ang PHR presents Impostor ay sa ilalim ng direksyon ni Jerome Chavez Pobocan.

Huwag palampasin ang bagong mukha ng pag-ibig sa PHR presents Impostor, weekdays sa Hapontastic, 3:45pm, pagkatapos ng Rosalka sa ABS-CBN.

View more pictures of Impostor in our Gallery.

Leave a comment

Your email address will not be published.




Shares