Regine Velasquez Decides to Remain Kapuso
Here’s an excerpt of the article:
Nakahanda na ang lahat sa paglipat ng Asia’s Songbird. Isang pirma na lang ang kailangan para tuluyan siyang maging Kapamilya. Hanggang sa huling sandali, ayon sa isang source na malapit kay Regine, masakit sa loob ni Regine ang paglipat sa ABS-CBN. Pero wala na siyang choice at that time kung hindi ang lumipat.
Ayon sa source, nanliit si Regine nang alukin diumano siya ng Kapuso network ng isang bagong show na bahagi ng Dramarama sa Hapon.
Mahirap tapatan ng GMA-7 ang offer ng ABS-CBN, kasama ang multimedia deal sa recording at pelikula. Kung natuloy si Regine sa ABS-CBN, magkakaroon siya ng sariling musical-variety show, bukod sa planado ang lahat ng gagawin niya sa recording at pelikula.
In fairness sa GMA-7, inalok nila kay Regine ang hosting job para sa Pinoy Idol nang mag-fold up ang Pinoy Pop Superstar. FremantleMedia approved Regine as the show’s host, kahit nga overage na ang singer-actress. Pero ang naging problema roon, hindi kakayanin ni Regine ang rigid schedule kaugnay ng reality TV singing contest. Kalahati lang daw ng schedule na naibigay ang pupuwedeng sang-ayunan ni Regine kaya nag-decide ang GMA-7 at FremantleMedia na si Raymond Gutierrez na ang gawing host ng Pinoy Idol.
Hindi hawak ng GMA-7 ang kabuuan ng schedule ni Regine kaya tiyak na magkaka-conflict. Ito rin ang naging problema nang nagtangkang gumawa ng isang soap opera si Regine sa GMA-7 noon, ang Forever In My Heart, na hindi nagtagal sa ere dahil sa erratic na schedule ni Regine.
As of 10:30 AM this morning, February 18, dumating si Regine sa tanggapan ni Atty. Felipe Gozon, ang top honcho ng GMA-7, para ayusin kung anuman ang problema. Obviously, ang pandedeadma ng GMA-7 for the past few days sa kaso ni Regine ay nagkaroon ng drastic move and decision dahil nga sa nakakaalarma ang pag-iyak ni Regine sa SOP kahapon.
Ayon sa source, walang alam na ibang dahilan ang marami sa emotional outburst ni Regine sa nabanggit na show, pero malinaw sa malalapit sa Songbird na ‘yon ay luha ng pamamaalam sa Siete at sa show na talagang minahal ni Regine.
Nasa SOP din kasi ang kanyang boyfriend na si Ogie Alcasid ang mga malalapit niyang kaibigan na sina Jaya at Janno Gibbs. Bukod pa sa napalapit na rin sa kanya ang karamihan sa mga young performers dito, gaya nina Jolina Magdangal, Kyla, Karylle, Dingdong Dantes, at iba pa.
“Masakit sa loob ni Regine ang ginagawang trato ng GMA-7 sa kanya. Parang ang feeling niya, ito ba ang kapalit ng pagiging loyalistang Kapuso niya?#8221; pahayag ng aming source.
Nagkaayos sa masinsinang usapan sina Regine at mga GMA-7 bosses. Ang immediate plan ay ang pagsisimula ng isang soap opera na pagbibidahan ni Regine, at hindi ito daytime show gaya sa ikinabuwisit ng Asia’s Songbird noong una, kung hindi pang-primetime na.
Isa pang bigwig ng GMA-7, si Ms. Wilma Galvante, ay talagang nag-dialogue daw ng, “Hinding-hindi ko matatanggap na mawala si Regine sa GMA!” Ito ang na-realize nila nang mapag-alaman nilang isang serious matter pala ang paglipat sa Dos na kinu-consider na talaga ng kampo ni Regine.
Apparently, Regine realized that she’s still important to GMA dahil ipinaglaban siya ng network. We can expect more shows for Regine after this, just like what happened to Ai Ai delas Alas when she was rumored of leaving ABS-CBN.
And here’s the video of what seemed to be a farewell tribute for Regine on ASAP yesterday, February 17, 2008: