Breaking

Starstruck – Aljur’s on the Hotseat

Finally, Kris Bernal asked the 1 million-peso question (1 million peso kasi ang nakataya dito e): Kris: Aljur, ginagamit mo lang ba ako para sa Ultimate Loveteam? Aljur: Wala akong ginagamit para sa Ultimate Loveteam. Ang nakikita ko kasi malakas kami sa loveteam para kasing chance ko rin yun e....(Jewel: pinapawisan) Kris: (medyo teary-eyed na) Ano talaga ang gusto mo, Ultimate Hunk o Ultimate Loveteam? Aljur: Kahit anong titulo, manalo o matalo, ok lang sa akin. Rich: Naalala mo Aljur na sinabi mo sa akin na gusto mong maging Ultimate Hunk na lang? Aljur: Kasi papalit-palit ako ng isip e...Kaya ko namang pangatawanan yung dalawang titulo. Mart: Pero sa lahat ng interview na nababasa ko, sinabi mo na Ultimate Hunk ang gusto mo. Aljur: Siguro may times na, mga oras na yun, talagang Ultimate Hunk ang gusto ko. Pero ngayon, manalo o matalo, talagang ang gusto kong maka-loveteam ay si Kris. Naku, pano ba yan? Sa stage na 'to halos naka-ukit na sa trophy na sina Aljur at Kris ang mananalo ng Ultimate Loveteam. Are the Starstruck producers making a test out of these recent situations? Is it a kind of personality test for the survivors? Kagaya nga ng sinasabi ni Raymond, "Everything is a test. And every second counts." And apparently, every seconds naka-record. Hanep, parang pinoy big brother na ito a.


Leave a comment

Your email address will not be published.