Breaking

PBB2: The One with the Secret Housemates in the Secret Places

There's a new exciting twist in Pinoy Big Brother season 2. Not only 4 new housemates were introduced but some secret places inside the house were also revealed. Dito muna mag-stay ang 4 na bagong housemates na sina Jeremy Hidano (laking Japan pero dugong pinoy), Maricris Dizon (Italyanang Cabalen), Mikah Dizon (Kikay ng Baguio) at Bodie Cruz (anak ni Tirso Cruz III). Big Brother has given a complicated task to the first and last housemate na pumasok sa Big Brother House na sina Ezekiel at Dionne. Sina Zeek at Dionne ang magbibigay ng mga pangangailangan ng 4 na bagong housemates subalit hindi nila ito dapat ipaalam sa kasama nilang housemates. Sila ang magdadala ng pagkain at iba pang gamit kina Jeremy, Maricris, Mikah at Bodie na hindi dapat malalaman o makikita ng mga kasama nila dahil kapag nangyari ito ay automatic nominated na sila sa pinaka-unang eviction. Kung magtatagumpay naman sina Zeek at Dionne sa task na ito, magkakaroon sila ng immunity at hindi sila maaaring ma-nominate sa pinaka-unang eviction.


Leave a comment

Your email address will not be published.