Breaking

WATCH: ABS-CBN Summer Station ID 2018 ‘Just Love, Araw-Araw’ Lyric Video

Tulad ng “Just Love Ngayong Christmas” Station ID ng ABS-CBN noong Disyembre , hinihimok ng “Just Love Araw Araw” Summer Station ID ang mga Pilipino na ipakita ang kanilang pagmamahal sa pamamagitan ng pag-kalinga o paglingkod sa kanilang pamilya, mga kaibigan, komunidad, at buong bansa. Sa nakaka-enganyo nitong liriko at himig, dala nito ay inspirasyon sa mga tao na magpakita ng malasakit habang nagsasaya ngayong tag-init at sa kanilang araw-araw na pamumuhay.

Ilan pa sa nagbigay buhay sa bagong summer anthem ng bayan sina “It’s Showime” hosts na sina Jugs Jugueta, Teddy Corpuz, at Amy Perez, “Tawag ng Tanghalan” (TNT) hurados na sina Rey Valera, Nyoy Volante, Mitoy Yonting, Yeng Constantino, K Brosas, Erik Santos, Jaya, Jed Madela, Louie Ocampo, Ogie Alcasid, at Rico J. Puno, TNT grand finalists na sina Remy Luntayao, Anton Antenorcruz, Tuko Delos Reyes, Sofronio Vasquez, Alfred Relatado, at Jovany Satera, maging ang mga “Ms. Q and A’s” finalists na sina Juliana Parizcova Segovia, Matrica Matmat Centino, at Rhian Rianne Azares.

Isinulat ang “Just Love Araw-araw” ni ABS-CBN Creative Communications Management (CCM) head Robert Labayen kasama si Lloyd Oliver “Tiny” Corpuz at Paolo Ramos ng CCM. Ang musika naman ay gawa nina Thyro Alfaro at Yumi Lacsamana, at may dagdag na himig mula kay Jimmy Antiporda.

Leave a comment

Your email address will not be published.




Shares