Breaking

Claudine Barretto Returns on ‘ASAP’ Stage

Claudine Barretto

Taralets sa isang masayang trip papunta sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas kasama ang paborito ninyong Kapamilya stars ngayong Linggo (Aug 23) sa nangungunang musical variety show sa bansa ang “ASAP 20.”
Biyaheng puno ng kwela at kantahan ang unang pupuntahan ng ASAP Karaokey royalties na sina Luis Manzano at Alex Gonzaga kasama ang nagbabalik Optimum Star na si Claudine Barretto.

Ruta papuntang kilig at katatawanan naman ang tatahakin nina Liza Soberano at Enrique Gil kasama sina Bangky, John Lapus, Alora, Chokoleit, at Negi.

May espesyal na trip naman papunta sa mga bagong Kapamilya shows na dapat pakaabangan sa pangunguna ng “Must Date the Playboy” stars na sina Kim Chiu at Xian Lim at ng “Doble Kara” star na si Julia Montes.
Stopover muna para sa pasabog na kantahan kasama ang rock royalties na sina Bamboo at Arnel Pineda pati na rin sina Zsa Zsa Padilla, Piolo Pascual, Erik Santos, Jed Madela, Angeline Quinto, Yeng Constantino, KZ Tandingan, Klarisse De Guzman, Morissette, Kyla, Jason Dy, Daryl Ong, at Nina.

Hindi pa nagtatapos diyan ang saya dahil paparty-party pa kasama sina Enchong, Rayver, Robi, Aaron, Andrea, Janella, Jerome, Anjo, at Gimme 5 na sasabayan din ng sizzling Supahdance treats mula sa Star Magic Angels at sina Arci Munoz at Sarah Lahbati.

Huwag palalampasin ang “ASAP 20” ngayong Linggo (Aug 23), 12:15 PM, sa ABS-CBN. Bumisita sa http://asap.abs-cbn.com para maki-hangout live sa inyong paboritong Kapamilya stars sa ASAP ChillOut. Para sa karagdagang impormasyon, i-like ang www.facebook.com/asapofficial o i-follow ang @ASAPOFFICIAL. I-tweet na ang iyong reaksyon o opinion sa show sa Linggo gamit ang official hashtag na #ASAPTaralets.

3 Comments on Claudine Barretto Returns on ‘ASAP’ Stage

  1. hahaha… so Dub na ba ang bagong reyna ng GMA? Pano na si Marian at si Heart!

  2. GOZON GUTOM // August 22, 2015 at 9:04 am //

    Sana doon ka nalang sa Kapuso kasi wala na silang natira na sikat na artista. Karamihan kasi nag-alsa balota sa tv5. Kawawa naman sila ALDUB nalang yung pinanghahawakan nila. hahaha

  3. Gma no.1 Aldub // August 21, 2015 at 5:27 pm //

    Isa pa din e2 na taob sa aldub..hoy luma ka na claudine…hahaha

Leave a comment

Your email address will not be published.




Shares