‘Love Blooms’ by Ann Margaret – First Chapter
NAWALA ang konsentrasyon ni Arista sa unang ginagawa niya na flower arrangement sa umagang iyon nang marinig niya ang door chime ng flowershop na tumunog. Nang mag-angat siya ng paningin ay si Mark ang nakita niyang papasok sa glass door, ang nag-iisang male assistant sa shop, at may bitbit itong dalawang latte na nakalagay sa paper cup.
“’Morning Mark,” nakangiting bati niya rito.
“Lovely to see you, Aris,” balik bati nito habang inilapag nito sa malapit sa kanya ang isang paper cup. “Dinalhan na kita ng iyong morning dose of caffeine. Maaga na rin akong dumating dahil alam kong kailangan mong matapos agad iyang mga arrangement na ginagawa mo, para ako na lang ang bahala sa ibang customers na darating.”
“Salamat.” Kinuha niya ang cup ng kape at sinimulang inumin iyon. “Ang sabi ko pa naman kay Jen kahapon ay matatapos ko ito bago mag-lunch break, pero sa tingin ko ay imposible iyon.” Si Jen Florencio ay ang best friend niya na nagmamay-ari ng isa sa branch ng Florencio Flowers. Nang alukin siya nitong magtrabaho sa flower shop nito ay hindi na siya nagdalawang isip pa. Bukod sa may talento siya sa pag-aarrange ng bulaklak ay iyon ang hilig niyang gawin. Huwag nang idagdag na habang nag-eenjoy siya sa ginagawa ay kumikita pa siya.
The shop was located near a business district at nag-iisa ang flower shop nila na malapit sa mga office buildings at mga restaurants. Kaya naman hindi mahirap na magkaroon sila ng mga regular customers.
“Don’t worry, alam kong walang makakatalo sa ‘yo pagdating sa pagtapos ng mga arrangement na ginagawa mo sa takdang oras!” Nag-thumbs up pa si Mark sa kanya.
Arista laughed while she continued to work on her arrangements. Si Mark naman ay nagpunta sa back room upang kunin ang sariling apron at iniwan ang dala nitong gamit. “Gusto ko lang na marami akong matapos ngayong umaga, para naman mamayang hapon pagdating ni Kat ay hindi siya gaanong matatambakan,” aniya nang makabalik si Mark mula sa back room.
Naputol lang ang pagku-kuwentuhan nila nang dumating ang kauna-unahan nilang customer sa umagang iyon. Isang secretary sa isang office building malapit sa kanila. Once a week ay umu-order ito ng mga arranged flowers para ipang-dekorasyon sa opisinang pinagtatrabahuhan nito.
Hinayaan ni Arista na si Mark na ang mag-asikaso sa kanilang customer habang siya naman ay nag-concentrate na nang husto sa kanyang ginagawa.
A SCOWL formed on Yasuaki’s face when he remembered what was the date today. It was his birthday. Habang nakasakay siya sa elevator patungo sa kanyang opisina ay inihanda na niya ang kanyang sarili. Nasisiguro niya na hindi malilimutan ni Sumire ang kanyang kaarawan. Kahit na nga ba iyon ang kahuli-hulihan niyang gustong maalala. At ikinababahala niya ang posibleng pinaplano nitong gawin.
Binawian ng buhay ang kanilang ina pagkatapos siyang maisilang nito. Kaya naman ayaw niyang isini-celebrate ang kanyang kaarawan. Hindi man siya sinisisi ng kanyang mga kapatid sa nangyari sa kanilang ina ay hindi pa rin niya maiwasang hindi sisihin ang kanyang sarili. Mula kasi nang bawian ng buhay ang kanilang ina ay tila naging pabaya na sa sarili ang kanilang ama, higit nitong ikinalungkot ang pagpanaw ng asawa nito. Madalas ay kinaliligtaan nito ang kumain at puro alak ang inaatupag, kaya naman madalas itong magkasakit. Nasa unang taon siya sa high school nang tuluyang bawian ng buhay ang kanilang ama. Kaya bawat taon ng kanyang kaarawan, imbes na mag-selebra ay nagluluksa siya.
Si Sumire ang pumalit sa kanilang ama sa pagiging presidente ng kumpanya, na sa panahong iyon ay nagtatrabaho na rin dito sa kanilang kumpanya. Nang makatapos siya sa kolehiyo ay ibinigay sa kanya ang managerial position pagkatapos siyang i-train ni Ryoji sa mga dapat niyang gawin.
Pagkalabas niya ng elevator ay binati na agad siya ng kanyang sekretarya, sinuklian niya lang iyon ng isang tango at dumiretso na siya sa kanyang opisina. Bago siya makarating sa kanyang opisina ay madaraanan muna niya ang opisina ni Sumire, at nagpapasalamat siya at nakasarado ang pinto niyon.
Hindi pa man siya nakakaupo sa kanyang swivel chair ay napansin na agad niya ang nagbi-blink na pulang ilaw sa telepono. He clicked the phone’s button to listen to the pending message. Sumire’s voice popped up on the speaker as she sang ‘Happy Birthday’ to him at the top of her lungs.
Hindi pa man natatapos ang kanta ay mabilis na niyang binura iyon. He held his face in his hands as he sat on his chair and leaned on the desk. He was trying to control his rising irritation. He could only hope that Sumire wouldn’t even think of getting him a cake while they’re in the office. Tama na sa kanyang palipasin ng tahimik at pribado ang kanyang kaarawan kasama ang kanyang dalawang nakatatandang kapatid, pero ibang usapan na kung ipangangalandakan pa nito iyon sa lahat ng kanilang empleyado sa opisina.
Nagsisimula pa lang siyang magbasa ng mga dokumento nang biglang bumukas ang pinto ng opisina niya. Sumire entered the office. May suot itong malaking joker’s hat, at pasipul-sipol pa ito sa tono ng ‘Happy Birthday’ habang palakad-lakad sa loob ng opisina niya.
Yasuaki groaned and closed his eyes. Ipinapanalangin niya na sana’y matapos na ang araw na iyon.
“KAMUSTA naman ‘yung mga ginagawa mo, Aris? Kailangan mo ba ng tulong?” tanong ni Jen bago sumubo sa kinakain nitong vegetable salad. Eksakto ang pagdating nito kanina bago mag-lunch time, dahil may bitbit na rin itong pagkain.
“Malapit na akong matapos,” sagot ni Arista. “Mga apat na lang na pieces ang kailangan kong gawin.”
“Very good. Magaling at mabilis ka talaga pagdating sa pag-aarange ng mga bulaklak.”
“Ano nga pala iyong tungkol do’n sa nabanggit mo kahapon na magkakaroon tayo ulit ng maraming order?” singit ni Mark sa usapan nila.
“We’re going to do some flower arrangement for a business conference. I think it’s a software company.” Jen shrugged. “Well, kailangan nating dekorasyunan ang hall ng Montero Hotel.”
“Montero Hotel?” halos manlaki ang mata ni Mark. “Ugh! Nanaman!”
Arista made a face. “Naaalala ko pa ang disaster na nangyari sa atin noon sa kasal na inayusan natin sa hotel na ‘yon.”
Mabilis namang sumang-ayon si Mark. “Oo nga, halos kapusin tayo sa oras. Kulang kasi tayo sa tao. Tapos napakalaki pa ng di-ni-dekorasyunan natin.”
“Huwag kayong mag-alala,” may kumpiyansang sabi ni Jen. “Ang sabi ni Mommy ay papatulungin niya sa atin ang ibang florist na nasa sarili niyang shop.”
Tila nakahinga ng maluwag si Arista sa narinig. “Hay, salamat naman kung gano’n.”
“Mga big shots sa business kasi ang mga dadalo sa conference na magaganap, kaya pati si Mommy ay atubili. Ito na raw ang opurtunidad na makilala sa buong alta sosyedad ang Florencio flowers.”
Sabay-sabay silang napalingon sa glass door nang tumunog ang door chime na nakasabit doon.
“Magandang hapon sa inyong lahat!” Katherine greeted with so much enthusiasm. “Kamusta ang benta?”
“Hep hep!” awat ni Jen sa sunud-sunod na tanong ni Kat. “Remember na halos mag-collapse ka na last week, kaya magrelax-relax ka muna. Bakit hindi ka mag day-off ng dalawang araw simula bukas?”
Namilog ang mata ni Kat na punung-puno ng excitement. “Talaga? Off ko sa Thursday at Friday?”
“Yup. Consider it a long weekend. We’ll just see you next week. Mag-enjoy ka dahil pagbalik mo ay siguradong masyadong busy na naman tayo.”
“Thank you, Jen!”
“Mukhang alam ko na ang rason kung bakit tuwang-tuwa si Kat na mag-day off.” May panunukso sa tinig ni Arista. “Aksidente ‘atang nakita ko siya sa coffee shop ‘di kalayuan dito, at may ka-date siyang isang cutie.” Napatotohanan ang sinabi ni Arista nang mamula ang mukha ni Kat.
“Well, spill it girl!” excited na sabi ni Jen. Halos siksikin nito si Kat sa kinauupuan nito.
Natawa naman si Arista sa ginawi ni Jen. Mukhang mas excited at kinikilig pa ito kaysa kay Kat.
Leave a comment