Breaking

Kathryn Bernardo Will Sacrifice Herself in the Final Episode of ‘Puppy Ko Si Papi’

Wagas na pagmamahal para sa mga magulang ang iiwang aral ng Teen Queen na si Kathryn Bernardo sa viewers bago matapos ang 2014 sa "Puppy Ever After" finale ng “Wansapanataym Presents Puppy ko si Papi” ngayong Linggo (Disyembre 28).

Double Kathryn

Sa pagdating ng takdang oras na ibinigay sa kanila, isasakripisyo ni Iris (Kathryn) ang kanyang sarili at hihilingin na sa kanya na lamang mapunta ang sumpa na naibigay niya sa kanyang ama na si Douglas (Dominic Ochoa).

Ano ang gagawin ni Iris sa oras na mapunta na sa kanya ang parusa at tuluyan na siyang maging isang aso? Ang matibay na samahan at pagmamahalan ba ng mag-ama ang magiging susi upang maialis na ang sumpa? Sa huli, matututunan na ba ni Iris na pahalagahan ang pagmamahal at pagprotekta ng kanyang tatay para sa kanila ng kanyang kapatid?

Tampok din sa “Wansapanataym Presents Puppy ko si Papi” sina Khalil Ramos, Marlann Flores, Chienna Filomena, Apollo Abraham, John Steven de Guzman, at John Lapus. Ito ay sa ilalim ng panulat ni Yam Tanangco Domingo at direksyon ni Don Cuaresma.

Ang original story book ng batang Pinoy na “Wansapanataym” ay sa ilalim ng produksyon ng Dreamscape Entertainment Television, ang grupong may likha ng mga de-kalibre at top-rating TV masterpiece gaya ng “Walang Hanggan,” “Ina, Kapatid, Anak,” “Juan dela Cruz,” at “Ikaw Lamang.”

Huwag palampasinang huling episode ng “Wansapanataym” special ni Kathryn ngayong Linggo, sa ganap na alas-6:45 ng gabi pagkatapos ng “Goin’ Bulilit” sa ABS-CBN. Para sa karagdagang updates, mag-log on sa www.abs-cbn.com o sundan ang @abscbndotcom sa Twitter.

Samantala, maaarina ring panoorin ang full episodes o past episodes ng “Wansapanataym” gamit ang ABS-CBNmobile. Pumunta lamang sa www.abscbnmobile.com para sa karagdagang impormasyon.

1 Comment on Kathryn Bernardo Will Sacrifice Herself in the Final Episode of ‘Puppy Ko Si Papi’

  1. baby go on God is with you

Leave a comment

Your email address will not be published.