Breaking

Garrie and K-La Grace ‘DZMM Buntis Congress’

Napaindak at napasabay sa kantahan nina Garrie Concepcion at “Star Power” finalist na si K-La ang mga buntis na dumalo sa ikasampung “Buntis Congress” ng DZMM Radyo Patrol 630 at DZMM TeleRadyo kamakailan sa SM Megamall MegaTrade Hall 1. Inawitan nina Garrie at K-La ang higit sa 800 buntis ng sikat na pop songs at orihinal na mga kanta mula sa kani-kanilang album. Bukod sa kanila, naroon din ang mga DZMM anchor na sina Winnie Cordero, Onse at Ahwel Paz upang aliwin ang mga lumahok sa event. Taun-taong nagdaraos ng “Buntis Congress” ang DZMM para mabigyan ng sapat na kaalaman ang mga nagdadalang tao ukol sa mga dapat at hindi dapat gawin habang nagbubuntis at sa pagpapalaki ng anak.

Leave a comment

Your email address will not be published.