Mga Katiwalian sa Militar, Isisiwalat sa ‘Failon Ngayon’
Habang nagpuputukan ang mga bulsa ng ilang matataas na opisyal ng mismong A-F-P dahil sa sistemang “pabaon,” namamatay ang mga sundalo sa giyera sa Mindanao dahil sa mga hindi kalidad na gamit pang-giyera.
Marami katiwalian ang ibubunyag ni “Sergeant Ben” sa “Failon Ngayon” bukas (Feb 5) na maaaring magbukas at magpaliwanag ng mga isipan at konsensya ng ilang tiwaling matataas na opisyal ng ating Sandatahang Lakas.
Nagulat ang buong bayan sa “pabaon” na milyon-milyong piso sa mga dating heneral at iba pang katiwalian na ibinunyag nina dating COA auditor Heidi Mendoza at Retired Lt. Col. George Rabusa.
Abangan sa “Failon Ngayon” Sabado, 5:45 pm pagkatapos ng Kapamilya Blockbusters sa ABS-CBN.