Dingdong Dantes Tops Psychic’s List of Stars Who Will Be ‘La Ocean Deep’ this 2011
Naglabas ng prediksyon ang sikat na numerologist na si Maricel Gaskell tungkol sa ilang mga celebrities na malalaos ngayong 2011.
Nangunguna sa kanyang listahan ang Kapuso top leading man na si Dingdong Dantes. Ayon kay Maricel, 2011 will be not as strong as 2010 with regards to Dingdong’s career. Maging si Marian Rivera, ang nobya ng actor, ay magiging unpopular din daw as product endorser this year.
Hindi maikakaila na malaki ang naging hatak pataas sa career ni Dingdong noong ipareha siya kay Marian Rivera sa MariMar, Dyesebel at ilan pang tv programs ng siyete. Pero ngayong 2011 ay medyo bababa rin daw ang popularidad ni Marian dahil na rin sa mga sunod sunod na negatibong intriga na ibinato sa kanya at haharapin pa niya.
Kasama rin sa listahan ni Maricel ng mga mala-“La Ocean Deep” na stars ngayong 2011 si Aga Muhlach na nabalitang lilipat sa TV5. There has been some buzz that Aga was offered a very high talent fee sa magiging proyekto niya sa TV5 subalit kung hindi ito maghi-hit sa televiewers, maaaring tumamlay na nga rin ng lubusan ang career ng aktor.
Another Kapuso raw na malalaos ay ang singer-comedian na si Janno Gibbs at isa pang top leading man ng GMA na si Dennis Trillo. Karamihan daw ng mga malalaos na stars ay taga-siyete subalit hindi na niya pinangalanan isa-isa.
Umaasa si Ms. Gaskell na magsilbing aral ito sa mga celebrities na nabanggit at kailangang may baguhin sila sa kanilang buhay upang hindi ito magkatotoo.
“Alam na nila yung ugali nila, alam nilang medyo mali, medyo sablay, dapat may gawin na sila,” ang payo ni Maricel sa mga celebrities na mala-“la ocean deep” ngayong 2011.
(cross-published in Echoserong Prinsipe)