Poll: Do You Think Dingdong Dantes and Marian Rivera Will Break-Up this 2011?
Marian at Dingdong, hinulaang maghihiwalay ngayong 2011
Naglabas na ng mga predictions ang mga manghuhula tungkol sa ilang mga showbiz personalities para sa taong 2011.
Nangunguna sa kanilang prediksyon ay ang napipintong hiwalayan ng Kapuso power couple na sina Marian Rivera at Dingdong Dantes.
Ayon kay Bro. Arman Cuban, kilala bilang “Famous Psychic of Asia,” nakatakdang maghiwalay sina Marian at Dingdong sa pagkalahati ng taon.
Ayon sa kanya, ang rason kung bakit maghihiwalay ang dalawa ay “third party” sa side ni Dingdong. Makakadagdag pa raw sa napipintong hiwalayan ang pagiging nega ni Marian at maging ang mga magulang daw ni Dingdong ay hindi boto kay Super Inday.
Ayon naman sa column ni Cristy Fermin sa Bulgar, isang modelo raw ang pinopormahan ngayon ni Dingdong at hindi raw tumitigil ang binata hangga’t hindi niya nakukuha ang cell phone number ng girlaloo.
Ano kaya ang masasabi nina Marian at Dingdong sa mga hulang ito laban sa kanilang relasyon?
(Cross-published in Eprinsipe.com)