Kuya Kim vs Robot on ‘Matanglawin’
Mala-video game ang adventure na naghihintay sa inyo sa “Matanglawin” ngayong linggo dahil si Kuya Kim ay mapupunta sa mundo ng mga laruan!
Mula kay Daddy na ang kinagisnan ay mga yoyo, trumpo, at Atar; kay Ate na lumaking inaayusan ang kanyang Barbie, hanggang kay bunso na hindi mabitawan ang controller ng Wii, ang buong pamilya ay tiyak na maaaliw sa episode na ito.
Tuklasin kung ano ang mga laruan noong sinaunang panahon, at alamin ang mga high tech na laruan ngayon. Inyo ring makikilala si ASIMO, ang Advanced Step in Innovative Mobility na hahamunin ang dance moves ni Ryan Bang sa Dance Dance Revo.
Tunghayan ang paglalakbay ni Kuya Kim at Ryan Bang sa mundo ng mga bata sa “Matanglawin”, ngayong Linggo (December 12), 9:30am sa ABS-CBN.