Breaking

Cast & Crew of ‘Impostor’ Celebrate High Ratings of their Soap

The cast and crew of "Impostor" held a thanksgiving party for being the first afternoon program in a long time to hit no. 1 in the tv ratings nationwide.

Usap-usapan na ang pamamayagpag ng afternoon teleseryeng Precious Hearts Romances (PHR) presents Impostor dahil sa patuloy na pagtaas ng ratings nito. Base sa TNS national TV ratings, mula sa 17.1% noong Wednesday, pumalo agad ang Impostor ng 19.9% na rating kinabukasan,.

Sa tagumpay na ito, isang thanksgiving party ang naganap para sa cast and crew ng Impostor. Dinaluhan ito nina Prince of Romance Sam Milby, Drama Sweetheart Maja Salvador, Prinsesa at Prinsipe ng Masa na sina Melai Cantiveros at Jason Francisco, Precious Lara Quigaman kasama ang boyfriend na si Marco Alcaraz, Yayo Aguila kasama ang asawang si William Martinez, Bobby Andrews, Jon Avila at Dionne Monsanto kasama ang boyfriend ding si Alex Anselmuccio.

Dumalo rin sa masayang party ang direktor ng serye na si Jerome Pobocan, business unit heads Lauren Dyogi at Cathy Ochoa-Perez at ang executives ng Precious Pages na naglathala ng pocketbook kung saan naka-base ang Impostor.

Matapos ang thanksgiving dinner, tumuloy sina Maja, Sam, Dionne, Ms. Racquel at Direk Jerome kasama ang ilang Impostor staff sa isang videoke bar sa Timog, Quezon City. Dito, mas naging komportable sina Sam at Maja sa kanilang kulitan, kung saan nag-showdown pa sila ng mga song numbers. Halakhakan din ang lahat sa pagkanta ni Maja ng “Wala Na Bang Pag-ibig” bilang Jaya, Jessa Zaragosa at bilang Devin.

Bukod sa ratings, usap-usapan na din ngayon ang tila hindi mapigil na closeness ng mga bida ng PHR presents Impostor na sina Prince of Romance Sam Milby at Drama Sweetheart Maja Salvador.

Ilang araw na ngang napag-uusapan ang diumano’y pagdi-date nina Sam at Maja sa isang hotel sa Mandaluyong na agad naming pinabulaan ng dalawa at sinabing kasama nila ang Impostor staff na mag-dinner noon at nagkataon lang na nauna sila sa venue kaya’t inakalang magka-date sila. Maging ang nasabing thanksgiving party, inakalang date din ng dalawa.

Napabalita ding sabay mag-gym sina Sam at Maja. At nang tanungin ang Drama Sweetheart tungkol dito, nai-share niyang para sa trabaho pa rin ito. “Siyempre ang role ko sa Impostor ay isang model. So kailangan, presentable ako. Kailangan fit. Nag-offer si Sam na tuturuan niya ako, pero hindi lang kaming dalawa. Kasama ‘yung ibang staff na gusto rin mag-gym.”

Sinuportahan naman ni Sam ang sagot ni Maja, “Mahilig kasi kaming kumain ni Maja. One time, I invited the Impostor team sa bahay for a dinner, tapos napag-usapan ang gym. I told them na they can use my gym and I can train them.”

Nilinaw din ng dalawa na ang pagji-gym ay usapan pa lang ng Impostor team, at hindi pa nangyayari.

Kung patuloy na nagiging close na sina Sam at Maja, bumibigay na rin ang character ni Sam na si Anthony kay Devin na ginagampanan naman ni Maja. Sa ika-limang linggo ng PHR presents Impostor, mas mabibigyang kahalagahan ni Anthony ang pagbabago ng kanyang asawang si “Mariz” na sa katotohanan ay si Devin.

Sa hindi natuloy na paglalayas ni Devin, kailangan sumang-ayon si Anthony sa mga kakaibang mga kondisyon ng asawa. Mapapayag naman kaya si Anthony sa mga kondisyong ito lalo pa’t nagtutulong sina Monique (Precious Lara Quigaman) at Leo (Bobby Andrews) na mapabagsak ang kabuhayan ng mga Florencio?

Huwag palampasin ang mga mas nakakakilig na eksena nina Devin at Anthony sa highest-rating daytime program na PHR presents Impostor, weekdays sa Hapontastic, 3:45pm, pagkatapos ng Rosalka sa ABS-CBN.

Leave a comment

Your email address will not be published.




%d bloggers like this: