Breaking

Joey de Leon ‘Magpapasabog ng Bomba’ sa Startalk

Magbabalik ang kontrobersyal na host na si Joey de Leon sa Startalk mamayang hapon pagkatapos nitong lumiban last week upang iwasan ang mga bagay na "ipinagbabawal" sa kanya ng MTRCB at ng mga may "kapangyarihan." Wala na raw makapipigil sa kanya kung ano ang gusto niyang sabihin at gawin at inaasahan na magsasalita na ang host-comedian hinggil sa isyu nila ni MTRCB chairman Consoliza La Guardia.


Noong nakaraang sabado ay nagfax ng indefinite leave of absence si Joey sa staff ng Startalk dahil sa diumano’y threat ng MTRCB with GMA na isu-suspend ang nasabing talk show kapag ipinagpatuloy ng host ang pagtalakay sa naging bangayan nito kay Willie Revillame hinggil sa Wilyonaryo controversy sa Wowowee.

Kamakailan ay sinabi ni Chairman Laguardia na labas daw siya sa kung ano mang threat o warning ang ibinigay ng MTRCB at GMA kay Joey at wala raw siyang kinalaman dito. Two weeks ago ay kinausap ni Laguardia si Joey de Leon upang himukin ang huli na itigil na ang bangayan nila ni Willie at huwag nang talakayin pa ang mga hindi magandang nangyari sa kani-kanilang shows.

Pabiro pa rin ang naging response ni Joey sa pakiusap ni Laguardia at hiniling niya na humingi ng tawad sa kanya si Willie on-air kasama ang dalawang co-hosts na babae na umiiyak din tulad ng ginawang pagpapalabas ng sama ng loob ng Wowowee host halos isang buwan na ang nakalilipas kung saan ay binanggit niya ang pangalan ng Eat Bulaga host.

At earlier this week ay nagbigay din ng mensahe si Joey de Leon sa MTRCB at GMA management hinggil sa pagbabawal sa kanyang magsalita ng anumang patungkol sa naging kontrobersya. “Explain Before I Comply” – ang maikling mensahe ng host comedian.

Last Wednesday ay lumabas sa column ni Joey de Leon sa pahayagang Manila Bulletin ang muling pagbatikos niya kay Willie Revillame at sa Wowowee.

At mamayang hapon, inaasahan na may pasasabuging bomba si Joey de Leon na maaaring maglagay sa talk show ng GMA sa bingid ng suspension order. Tunghayan.

Leave a comment

Your email address will not be published.