Breaking

Joey de Leon, Di Pa Handang Makipag-Ayos Kay Willie

"Huwag muna ngayon. Hindi puwedeng sinaksak ka ngayon tapos bati na kayo agad. Huwag naman tayong magpakaplastik," ito ang huling pangungusap ni Joey de Leon sa kanyang programang Startalk hinggil sa alok ni Willie Revillame na magka-ayos na sila sa naging bangayan ngayong linggo.


Inilahad ni Joey na pati ang pamilya niya ay nadamay sa mga sinabi ni Willie sa kanyang show noong Miyerkules kung saan paulit-ulit na binanggit ang kanyang pangalan. Bagamat walang nararamdamang galit si Joey sa sinabi ni Willie, pakiramdam daw niya ay nabastos siya nito.

Isang bagay ang naka-apekto kay Joey sa mga sinabi ni Willie laban sa kanya at ito raw ay ang pagbanggit muli ni Willie tungkol sa Ultra tragedy kung saan sumenyas daw siya na parang ginigilitan ang leeg bilang pang-insulto sa mga namatay. Tapos na raw ang isyu na iyon at hinding-hindi raw niya magagawa ang bagay na iyon.

Sa kabuoan ng interview kay Joey sa Startalk ay hindi niya binanggit ang pangalan ni Willie.

Leave a comment

Your email address will not be published.