Breaking

Willie Revillame Napikon Kay Joey de Leon

"Huwag mong hintayin na mawala ang respeto ko sa 'yo", ito ang emosyonal na pahayag ni Willie Revillame kaninang tanghali bago magsimula ang programang Wowowee kaugnay sa mga side remarks ni Joey de Leon sa Eat Bulaga at sa Startalk. Although hindi deretsahang sinabi ni Joey de Leon ang tungkol sa Wilyonaryo Scam, napikon si Willie sa sinabi ni Joey sa Eat Bulaga na "Walang Hokus Pokus dito."


“Alam mo Joey, ang laki ng respeto ko sa ‘yo eh. Hinahangaan kita, nirerespeto kita. Pero lagi mo akong tinitira araw-araw,” ito ang mangiyak-ngiyak na pangungusap ni Willie Revillame.

“Hindi ko kayang mandaya Joey. Trabaho lang ito Joey huwag mo itong pinepersonal. Pinagbibintangan mo akong nandadaya! Pare-pareho lang naman tayong nagkakaso e. Ako nga harassment lang e. Di ko na babanggitin kung anong kaso mo. Akala mo napakalinis mong tao,” ito ang mga mabibigat na pangungusap na binitawan ni Willie laban kay Joey de Leon.

Halata sa boses ni Willie ang pagkapikon hinggil sa mga “insinuations” ni Joey na nandaya siya noong August 20 sa Wilyonaryo segment kung saan zero ang lumabas sa violet na wheel instead of two. Pagkatapos ng mga mabibigat na pangungusap laban kay Joey, mangiyak-ngiyak muling nagsalita si Willie sa camera.

“Huwag mong paglaruan ang pagkatao ko. Ikaw na ang bida. Sayo na ang ratings. Eat Bulaga na ang number one! Sasabihin ko po nang harapan, hindi po ako nandaya. Hindi ko po magagawang mandaya. Dahil lagi ko po iniisip ang kapakanan ninyo.”

Noontime shows are getting really exciting than the games that they play as the battle of these two noontime-show hosts continues…

Leave a comment

Your email address will not be published.