Breaking

Wowowee Wilyonaryo Controversy an Honest Mistake – ABS-CBN

Earlier this week, isang video clip sa Youtube uploaded by "wowoweescam" ang lumikha ng ingay sa mga websites at blogs featuring a clip of a game segment in Wowowee last Monday called "Wilyonaryo" kung saan a questionable thing happened. Kung hindi mo pa napapanood ang nasabing video, check this post: Wowowee Wilyonaryo - Scam or Honest Mistake? Nagsalita na ang ABS-CBN regarding the controversy. According to an ABS-CBN executive, ang nangyari last Monday is an "honest mistake."

Narito ang “unofficial” statement ng nasabing ABS-CBN executive:

1. Zero naman talaga ang laman ng wheel na pinili ng contestant na si Weng at hindi P 2 million.

2. Hindi naman pinili ni Weng ang “wheel” dahil ang kanyang pinili ay ang cash offer ni Willie na P100,000. Di pa kasama dito ang P37,000.00 na napanalunan ni Weng before the jackpot round.

3. Noong ipinapakita na ni Willie ang laman ng mga wheels na hindi napili ni Weng, sa violet na wheel ay NAHILA NI WILLIE ANG NUMBER 2 NA NAKADIKIT SA WHEEL KAYA ZERO ANG LUMABAS.

4. Hindi na raw kinakailangang maglabas ng official statement upang sagutin ang isyu dahil lalaki lang daw ito.

5. Naniniwala sila na bahagi lamang ito ng smear campaign laban kay Willie upang pabagsakin ang Wowowee.

In my opinion, yung article number 3 sana ang makakasagot sa nasabing isyu and the ABS-CBN executive should have given more emphasis on why zero and not the number 2 ang lumabas sa violet na wheel. The statement “NAHILA NI WILLIE ANG NUMBER 2 NA NAKADIKIT SA WHEEL KAYA ZERO ANG LUMABAS” is inadequate in order to close the issue. In the first place, bakit mayroong film na “zero” sa nasabing wheel samantalang ang kinakailangan lamang na film na nasa loob nito ay ang number 2. Base sa nakita sa video, zero ang inilabas ng wheel at number 2 naman ang hawak-hawak ni Willie Revillame.

Kailangan pa ba ng Wowowee at ABS-CBN na mag-issue ng official statement regarding the issue? I think so. Kung nais nilang mapanatili ang credibility ng programa lalo na’t may mga game segments ito na may malalaking premyo, kinakailangan nilang maipaliwanag ng malinaw at mahusay ang pangyayari.

How about you? Kuntento ka na ba sa mga ipinahayag ng ABS-CBN executive sa itaas o hindi? Nasagot ba niya ang mga kontrobersyal na tanong na nilikha ng nasabing video clip?

Leave a comment

Your email address will not be published.