Breaking

Walang Kapalit – First Impressions

Walang Kapalit is a tv adaptation of a Mike de Leon movie entitled Hindi Nahahati ang Langit which starred Dina Bonnevie and Edu Manzano. This new teleserye from ABS CBN starring Piolo Pascual and Claudine Baretto tackles the complicated theme of "step-siblings" falling in love. Directed by Wenn Deramas, this teleserye is another drama about "star-crossed lovers" - ang paksang gustong-gusto naman ng mga pinoy. Hindi ba't no. 1 ang Sana Maulit Muli at no. 2 naman ang Maging Sino Ka Man? Pero alam na natin ang mangyayari dito, sa simula "against all odds" ang pagmamahalan nila. Sa bandang huli, kakain lang sila sa Jollibee, they will live happily ever after na! Hindi ako magtataka kung ang katapusan naman ng Maging Sino Ka Man ay magkakasundo sina Eli at Jackie sa tulong ng My Marvel Taheebo tea and capsules. So sa Walang Kapalit, alam na natin ang ending - magkakatuluyan din sina Noel (Piolo Pascual) at Melanie (Claudine Baretto) with the help of 555 karne norte hehehe. O libreng ads yan ha! Kidding aside, the first episode was not bad. Mabilis ang pacing niya at mahusay ang pagkaka-direk. I think i'm gonna find myself watching this series every night kagaya ng pagtutok ko sa Sana Maulit Muli (kahit na pinaghalong Final Destination at If Only ang plot niya) at Maging Sino Ka Man (the best drama series that we had in a long time). Ewan ko ba kung bakit hindi ako ma-hook sa Aeon Flux-y na Rounin.


Walang Kapalit – Full Trailer

Leave a comment

Your email address will not be published.