Breaking

Chuchay Wagi Kina Kimerald

Panalo ang Magic Kamison ni Chuchay sa Round 1 ng pakikipaglaban nito sa Your Song at Love Spell ng ABS CBN noong Linggo, February 4. Natalo lang naman ni Chuchay ang magical tambalan nina Gerald Anderson at Kim Chiu (ang loveteam na nagpataob sa Love to Love ng 7) kung saan ang rating ng Magic Kamison ay 18.5% laban sa 11.4% ng Your Song at 11.7% ng love spell.

Ang susunod na haharapin ni Chuchay ay ang tambalang Heart Evangelista at John Prats. Ipanalo kaya uli siya ng kanyang Magic Kamison sa Round 2 na magaganap ngayong Linggo? Tuloy-tuloy na ba ang paghihiganti ng siyete sa pagkakabagsak ng Love to Love?

Nagwagi rin sa ratings ang premiere episode ng Lola Basyang last Sunday with 23.7% ratings laban sa TV Patrol na nakakuha lamang ng 13.1% Mukhang may swerte talagang hatid ang kamison ni Chuchay dahil lahat ng programa ng siyete mula SOP hanggang All Star K (starstruck episode) ay wagi sa ratings noong Linggo.

Leave a comment

Your email address will not be published.