Breaking

Chika Per Minute: Jennylyn’s Mortal Enemy sa Text is a Jealous Girl

Laging nakaka-receive ng mga offending text messages lately si Jennylyn Mercado at paulit-ulit na minumura ang dalaga using the f word, the b word atbpa. Maraming nagspeculate na babae ang sender nito at marahil ay nagseselos ito sa isang lalaki na obviously ay kay Jennylyn ngayon nahuhumaling. Pero ayon kay Jennylyn, loveless siya ngayon since their break-up ni Mark Herras kaya walang dahilan para pagselosan siya ng ibang girl. Unless, nagkabalikan na sila uli ni Mark or mag-on na sila ng any of the boys na nalilink sa kanya like Hero Angeles, John Lloyd Cruz or Patrick Garcia?

* * *

In-announce na ng Streetboys dancer at ABS CBN talent Danilo Barrios ang plano niyang pagpapakasal sa Viva Hot Babe na si Jaycee Parker sa darating na Disyembre. In fact, binigyan na ni Danilo si Jaycee ng isang expensive na singsing for their engagement.

* * *

Friends lang daw sina Starstruck batch 2 runner-up LJ Reyes at ang tall dark and handsome na si Alfred Vargas. Naunang nabalitang mag-on ang dalawa nang makita sila sa isang tagaytay resto last Valentines day. Pero nilinaw ni LJ na friendly date lang yun at wala nang iba pang dahilan. The possibility to get to the next level na more than friendship is a little small since pareho daw silang busy ngayon ni Alfred.

* * *   

Kapansin-pansin ang pag-angat ng career ng pinakabatang housemate sa Pinoy Big Brother Teen Edition na si Aldred Marc Gatchalian na umalis sa bahay ni Kuya after only six days. Hindi ito irony sapagkat may talent naman kasi si Aldred in singing kaya mas visible siya ngayon sa ASAP compared with his other male co-housemates. Nababalitang kaya umalis siya kaagad sa bahay ni kuya ay dahil baka mabuking ang kanyang homo-sexuality. Subalit pinabulaanan niya ang tsismis saying he is secured with his sexuality and that he is indeed not gay.  

 

Leave a comment

Your email address will not be published.