Breaking

iWantTFC Plays Cupid this Love Month with a Line Up of Kilig, Sawi, Agawan, and Pride Movies and Series

Love is in the air, and iWantTFC, the home of Filipino stories, is ready to spark romance this love month with a lineup of timeless romantic movies and series you can watch for free.Isang major throwback na kilig at sakit ang hatid ng mga timeless na pelikula kagaya ng “May Minamahal” (1993) nina Aga Mulach at Aiko Melendres“Labs Kita, Okey Ka Lang?” (1998) na pinagbibidahan nina Marvin Agustin at Jolina Magdangalat “Don’t Give Up On Us” (2006) nina Piolo Pascual at Judy Ann Santos.

Mapapanood din ang mga kwentong pag-ibig na walang pinipiling kasarian, kulay, o edad sa “Boyette Not. A Girl Yet (2020),” nina Zaijian Jaranilla, Inigo Pascual at Maris Racal“2 Cool 2 Be Forgotten (2016),” kasama sina Khalil Ramos at Jameson Blakeat “Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros” (2005), na pinagbibidahan ni Nathan Lopez.

Bukod dito, ibibida rin ang mga kwentong nagsimula sa pagkakaibigan na nauwi sa tunay na pag iibigan katulad ng “That Thing Called Tadhana” (2014) na pinagbibidahan nina Angelica Pananganiban at JM de Guzman“Luck at First Sight” (2017) na tampok sina Jericho Rosales at Bela Padillaat ang OG 90’s barkada sa “Gimik: The Reunion” (1999).

Damhin ang saya at pait ng pag-ibig ngayong Pebrero at at i-stream ang mga movie at series na ito nang libre sa Pilipinas sa iWantTFC app (iOS at Android) o website (iwanttfc.com).

Mas madali nang manood sa iWantTFC gamit ang “watch now, no registration needed” feature. Mapapanood din ang iWantTFC sa mas malaking screen sa piling devices gaya ng VEWD, ROKU at Amazon Fire streaming devices, Android TV, piling Samsung Smart TV models, Telstra TV (available lamang sa Australia) para sa users sa labas ng Pilipinas, at VIDAA para sa piling mga bansa.

Available na rin ang iWantTFC via Chromecast at Airplay. Para sa kumpletong listahan ng compatible devices, sign in instructions, at account activation, bisitahin ang https://bit.ly/iWantTFC_TVDevices.

Para sa updates, i-like ang www.facebook.com/iWantTFC o sundan ang @iwanttfc sa Twitter at Instagram, at mag-subscribe sa www.youtube.com/iWantTFC.

Kung may mga katanungan naman, ipadala ang mga ito sa Facebook page ng iWantTFC o mag-e-mail sa support@iwanttfc.com.

Leave a comment

Your email address will not be published.