Top 10 TV Programs in October 2016 According to Kantar Media
ABS-CBN pa rin ang nanguna sa puso ng mga manonood noong Oktubre dahil mas pinanood ito ng maraming Pilipino sa bansa, sa pangunguna ng “FPJ’s Ang Probinsyano” na nagtamo ng national TV rating na 37.4%, ayon sa datos ng Kantar Media.
https://youtu.be/zkgtuCD-7gk
Gumagamit ang Kantar Media ng 2,610 na kabahayan sa parehong urban at rural areas sa bansa sa pangangalap nito ng datos. Mas marami at eksakto kaysa sa service provider ng ibang networks, ang AGB Nielsen, na mayroong 2,000 na kabahayan na nakabase lamang sa mga urban area. Kinakatawan ng Kantar Media ang 100% ng mga kabahayang may telebisyon sa Pilipinas, habang umano’y 57% lamang ang kinakatawan ng AGB Nielsen dahil hindi kasama ang rural areas sa datos nito.
Samantala, sampu naman sa 12 na pinakatinutukang programa noong Oktubre ay mula sa ABS-CBN.
Pagdating sa balita at impormasyon, “TV Patrol” pa rin ang mas inaaasahan sa nakuha nitong rating na 32.8%, laban sa “24 Oras” na mayroon lamang 23.2%.
Sinubaybayan din ng mga manonood ang pagtupad ng pangarap ng aspiring boyband members sa “Pinoy Boyband Superstar” (30.7%). Hindi rin nagpahuli ang “Wansapanataym” (29.7%), at “MMK” at “Home Sweetie Home” (27.4%) na nagdala ng inspirasyon at saya tuwing weekend.
Kinapitan din ang matitinding eksena sa buhay nina Waldo (Jericho Rosales) at Aryan (Arci Munoz) sa “Magpahanggang Wakas” na nagtamo ng national TV rating na 23.2%. Tinalo nito ang “Alyas Robin Hood” na mayroon lang 20.8%.
Pasok din sa top 12 ang “Minute to Win It” (22.5%), Viewers also watched celebrities and ordinary players take on exciting games in which beat rival program “Wowowin” (17.5%).
Kasama rin sa listahan ang “Goin’ Bulilit” (26.2%) at “TV Patrol Weekend” (24.1%).
Samantala, dalawang Kapuso programs ang pasok sa Top 10, “Encantadia” at no. 8 with 23.9% and “24 Oras” at no. 9 with 23.2%