Alden Richards and Aljur Abrenica Team Up in ‘Magpakailanman’ this Saturday
From GMA Network:
Pangarap na pinaghirapan, itinapon nang basta na lamang!
Ano ang gagawin mo kung nagawa mo nang ihaon ang sarili mo mula sa kahirapan? Kung, pagkatapos mong maghirap para makapagtapos, at matulungan ang sarili mong kapatid na makapagtapos, ay na-promote ka sa isang posisyon na noon ay hindi mo aakalahin na ipagkakatiwala sa ‘yo?
Tatalikuran mo ba ito? Magpapatukso ka ba sa mga bisyo para mawala ito sa ‘yo?
Ngayong Sabado, samahan si Ms Mel Tiangco sa kaniyang pakikipagkuwentuhan sa magkapatid na Joel at Jovel Javier–nagsimulang mga bakery boys, naging pump attendants sa isang kilalang gas station company, at nabigyan ng pagkakataong makapagtapos ng kanilang mga pag-aaral para may malayo ang marating sa buhay.
At alamin kung ano ang magkaibang landas na tinahak ng magkapatid matapos nilang makamit ang kanilang mga pangarap.
Itinatampok sa episode na ito ang dalawa sa bagong henerasyon ng mga leading men ng GMA-7, sina Aljur Abrenica at Alden Richards, bilang ang magkapatid na Joel at Jovel Javier. Kasama rin sina Charee Pineda, Chinggay Riego, Menggie Cobarubbias, (MS ANA), at (GIGI), with the special participation of Christian Bautista, Bettina Carlos, Vincent Magbanua, Antone Limgenco, and Ms. Jessa Zaragosa.
“Gas Mo, Bukas Ko” is directed by Argel Joseph, mula sa script ni Dang Sulit based sa research ni Jason John Lim.
“Magpakailanman” starring Aljur and Alden airs this Saturday, March 15, pagkatapos ng Vampire ang Daddy Ko.