On Angel Locsin and Phil Younghusband’s Break-Up
“Sa lahat po ng nagtatanong kung totoo bang hiwalay na kami ni Phil, Totoo po,” the tweet reads.
The 28-year old ‘Darna’ asked for people’s understanding on why she can’t speak of the reason by adding, “Sana po maintindihan nyo kung hindi na po namin sasabihin ang dahilan.. pero maayos po kaming naghiwalay at mutual decision po ito.”
Read Angel Locsin’s Official Statement about her break-up with boyfriend, Phil Younghusband:
“This is my official statement: Sa mga naglalabasang balita kung saan na-quote po na nag pa-interview ako, hindi po ito totoo. Wala pa po akong nakakausap about the issue dahil sa totoo lang po hindi ko pa ho kayang kumausap ng kahit sino sa press at nag si-sink in pa lang po samin ngayon ang lahat ng ito. Pasensya na po. Dalawa pa lang po ang nakausap ko, Si Manay Ethel na manager ko at si Darla na sinagot ko lang po ang text sa akin dahil naramdaman ko ang sincerity niya although hindi po ako directly nagsalita about sa amin ni Phil. It was also off the record. Sa lahat po ng nagtatanong kung totoo bang hiwalay na kami ni Phil, Totoo po. Sana po maintindihan nyo kung hindi na po namin sasabihin ang dahilan..pero maayos po kaming naghiwalay at mutual decision po ito. Pasensya na po kung hindi po kami makasagot agad tungkol sa status ng aming relasyon. Lalong-lalo na po sa mga sumuporta sa aming dalawa. Hindi po namin kayo binalewala… mahirap lang po talaga kung nasa ganitong sitwasyon. Nagulat na lang kami na naunahan na kami ng balita bago pa man kami makapagusap uli. Salamat po sa lahat ng sumubaybay at sumuporta sa journey namin ni Phil lalo na ho dito sa twitter. Hinding-hindi po namin malilimutan.” ~ @143redangel