Breaking

Meet the ‘Temptation Island’ Girls – Marian, Heart, Lovi, Solenn & Rufa Mae

Marian, Heart, Lovi, Solenn and Rufa Mae - Paseksihan, Patalbugan at Pagalingan sa 'Temptation Island'!

Magbabalik sa big screen ang 80s hit na Joey Gosiengiafio classic, ang “Temptation Island” na unang ginawa ng Regal Films. Tampok sa klasikong pelikula ang mga sikat sikat na mga beauty queen gaya nina Dina Bonnevie, Azenith Briones, Bambi Arambulo at Jennifer Cortez. Nasa cast din ang aktres na si Deborah Sun at mga Regal actors na sina Ricky Belmonte, Domingo Sabado, Alfie Anido at Jonas Sebastian.

Matapos ang mahigit isang taong pagpapalit-palit ng female cast, nabuo na rin finally ang movie mula sa panulat at direksyon ni Chris Martinez. Huling umani ng papuri sa pelikulang Here Comes the Bride, 100 at Gunaw episode ng My Valentine Girls ni Richard Gutierrez at ni Eugene Domingo si direk Chris.

Agad ngang pumunta sa ng Paoay, Ilocos Norte ang buong cast bago ang Holy Week upang kunan ang mga eksena sa disyerto kung saan na-stranded ang ilang pasahero na pinangungunahan nina Marian Rivera, Heart Evangelista, Lovi Poe, Solenn Heussaff, John Lapus, Mikael Daez, Tom Rodriguez at Aljur Abrenica.

Napunta kay Marian ang role ni Azenith na putatsing na mahilig sumali sa beauty contests. Kay Heart naman napunta ang role ng konserbatibong si Dina at kay Solenn ang role ni Bambi na isang kontesera rin sa byu-con (beauty contests). Napunta naman kay Lovi ang role ni Jennifer na isang bratinela with matching yaya sa isla na ginampanan naman ni Rufa Mae na unang ginawa ni Deborah Sun.

Kahit grabe ang tindi ng sikat nga araw sa Ilocos na halos ikasunog ng mga kutis , masaya si Marian sa bonding na nangyari sa unang shooting days ng girls.

“Masaya kasi nagkakaroon ng bonding ang mga girls. Maganda pa ‘yung lugar. Sobra nga lang ang init. Sobrang love ko talaga ang Ilocos!” pahayag ni Marian.

Wala namang pakialam si Heart kung masilip ang singit-singitan sa punit-punit niyang gown.

“This is the shortest skirt na sinuot ko! Para na siyang half panty, half gown! Ha! Ha! Ha! Pero masaya talaga ang bonding naming!” kuwento naman ni Heart.

Minani naman ni Solenn ang init sa disyerto habang nagsusyuting. “This is five star desert Survivor Philippines!” pagmamalaki ni Solenn.

Sina Rufa at Lovi ang madalas naman magkaeksena kaya naman hindi sagabal ang tsismis na pinag-aagawan nila si Fabio Ide upang hindi nila paghusayan ang mga eksena nila.

Matitindi pang eksena ang nakahandang gawin ng mga girls ng “Temptation Island” pero sigurado na na magkakarooon ng patalbugan, paseksihan at pagalingan sa kani-kaniyang role sa bagong version ng pelikulang hinding-hindi puwedeng mabura sa history ng pelikulang Pinoy!

Bukod sa malalandi at nakakakiliting eksena nina Marian, Heart, Lovi, Solenn at Rufa Mae, kakaibang Sweet ang mapapanood sa movie bilang beauty pageant coordinator.

The Girls of Temptation Island

Marian Rivera as Azenith:

Marian Rivera

Heart Evangelista as Dina:

(Continued on Page 2!)

7 Comments on Meet the ‘Temptation Island’ Girls – Marian, Heart, Lovi, Solenn & Rufa Mae

  1. Anonymous // May 17, 2011 at 3:31 pm //

    sexyhenjhen…hasndsome…angie…sige manuod kayo para d bangawin para kahit papano may nanuod para langawin lang..100% flop n nman yan….puro mga laus at lola n…isip isip nman GMA

  2. ganda naman nilang lahat, manonood ako

  3. HASNDSOME // May 9, 2011 at 5:35 pm //

    ay,wow! ang ganda naman ng casts! excited na ako. hmmm? sa mga bitter, maging bitter pa kayo, hehehe. may problema kayo sa ugali nyo. mabuhay ang Kapuso at kapamilya.

  4. sexyhenjhen // May 6, 2011 at 8:19 pm //

    ai nkuh manunuod aq n2 mukang mganda..tyak box office i2…s mga bitter pwede wg n kau umepal qng d nio lyk ang movie wg n kau manuod d ung gnyan p comment nio.. mga bitter nga nman ..haixt

  5. Amaya FLOP // May 6, 2011 at 7:50 pm //

    Another FLOP movie of the year, basta anjan si Manang Marian riverat!

  6. Anonymous // May 6, 2011 at 7:44 pm //

    flop to for sure… good luck gma films!! mas mganda p pelikula ng mga indie film producers

  7. mas walang breeding ang mga kapupo..mana kay marian psychology.

1 2 3 4

Leave a comment

Your email address will not be published.




Shares