Breaking

Inirereklamong Discount Card sa Baguio City, Titiktikan ni Anthony Taberna

Umabot hanggang Baguio City ang grupo ni Anthony Taberna para imbestigahan ang inirereklamong e-card o discount card na binebenta raw dito.

Diumano’y sampung libong kumpanya, tindahan, at shops na karamiha’y matatagpuan sa Baguio ang magbibigay ng discount sa sinumang mayroon nito pero nang magtanong tanong ang si Anthony ay hindi pala lahat kumikilala sa card na ito.

Maging ang mga aplikanteng naghahangad pumasok na ahente ng card ay napupuwersa ring gumastos at kumuha ng card bilang requirement para matanggap sa trabaho.

Higit sa lahat, napag-almang ilegal pala ang pagpapalakad ng kumpanyang naglalabas ng card dahil wala itong permit mula sa City Permits and Licensing office sa Baguio City.

Tunghayan ang buong kuwento ngayong Lunes (Apr 11) sa “XXX,” kasama rin sina Pinky Webb at Julius Babao, pagkatapos ng “Bandila” sa ABS-CBN.

Leave a comment

Your email address will not be published.