Breaking

Noli de Castro is Special Guest in Goin’ Bulilit’s 6th Anniversary

Kabayan Noli de Castro will join the kids of Goin' Bulilit this Sunday.

“Kabado ngunit excited,” ganito ang naging pahayag ni Sharlene San Pedro matapos niyang kapanayamin ang pinagpipitagang brodkaster na si Kabayan Noli de Castro para sa kanyang patok na patok na Rated KKK segment sa ika-6 na anibersaryo ng Goin’ Bulilit.

Ani pa ng Goin’ Bulilit pioneer, isang malaking karangalan sa kanilang mga Bulilits na maka-face-to-face si Kabayan, lalo’t ngayong ipinagdiriwang nila ang kanilang anim na taong pamamayagpag tuwing Linggo. At kung siya daw ay bibigayan ng pagkakataon, nais din niyang sundan ang yapak ng kanyang ini-impersonate na si Korina Sanchez. May anim na taon na din na ginagawa ni Sharlene ang Rated KKK, kaya naman hindi nakapagtatakang hasang-hasa na siya sa paggaya kay Korina

“Noong una, natatakot pa akong interbyuhin si Kabayan, pero sobrang bait naman po niya at palabiro po talaga. Sobrang thankful po kami kasi pumayag si Kabayan na mag-guest sa anniversary namin. Idol talaga namin siya. Siyempre, idol din namin ang partner niyang si Ms.Korina,” ibinahagi ni Sharlene.

At kung bahagyang nakaka-pressure ang interbyu ni Sharlene kay Kabayan, kikay na kikay naman sina Nash Aguas, Aaron Junatas at Angelo Garcia sa kanilang Sinetch Itey 2011 segment ngayong Linggo. Anila, enjoy na enjoy nila ang paminsan-minsang pag-arte bilang mga chikadora. Ang Sinetch Itey? ay isa sa mga pinakaunang segments ng Goin’ Bulilit na talaga namang tumatak na sa puso ng bawat Pilipino.

“Yung Sinetch Itey? po yung isa sa mga pinakamasayang ginagawa po naming dito sa Bulilit. Lagi po kaming tumatawa kapag nagta-taping. Nakakatawa po kasi talaga yung mga itsura at kilos namin. Minsan nga po inaabot kami ng ilang takes sa sobrang kakatawa,” ani Nash.

Para naman sa tinaguriang Kiddie Dance Idol na si Bugoy Cariño, panibagong challenge na naman ang kanyang hinarap. Nag-monolouge kasi si Bugoy ng pinakabagong zodiac sign, ang Ophiuchus. Masayang-masaya din si Bugoy dahil kabilang siya sa makasaysayang anim na anibersaryo ng Goin Bulilit, lalo’t tunay na Kapamilya na daw ang turingan nila.

“Hindi naman po ako nahirapan na mag-monologue. Lagi naman po kaming gina-guide ni direk at ng iba pang mga tito at tita naming sa set. Siyempre, masaya po ako na 6-years-old na ang Goin Bulilit. Sana po mas lalo pa po kaming tumagal,” pahayag ni Bugoy.

Samantala, walang mapagsidlan ng tuwa ang tinitingalang si Direk Bobot Mortiz sa anim na taong pananatiling best gag show ng Goin’ Bulilit. “Kung hindi dahil sa mga talented na batang ito, hindi naman magtatagal ng anim na taon ang Goin Bulilit, kaya lubos na lang ang pasasalamat ko sa kanila,” ani Direk Bobot.

Talagang umaapaw ang sorpresa na hatid ng ika-6 na anibersaryo ng Goin’ Bulilit. Huwag palampasin ang Goin’ Bulilit ngayong Linggo, pagkatapos ng TV Patrol Weekend sa ABS-CBN.

3 Comments on Noli de Castro is Special Guest in Goin’ Bulilit’s 6th Anniversary

  1. kapamilya ruled // February 6, 2011 at 1:09 pm //

    ang cute ng mga bata
    ang gagaling pa nila
    sa murang edad…

  2. go, go, go bulilit kids….galing nyo lahat!!!kaya paglaki nyo kayo na mga best actresses at best actors…..galing ABS magdevelop STARS…..

  3. anonymous // February 5, 2011 at 1:23 pm //

    ako una…..go kapamilya……

Leave a comment

Your email address will not be published.




Shares