Robin Padilla on the Biggest Mistake He Made in His Life: ‘Yun po sigurong panahon na nag-droga ako’
In an interview during the launching of his StarStudio Plus magazine titled “Idol: Robin Padilla’s Journey” Friday afternoon, Starmometer asked Robin Padilla the ever difficult question: What do you consider the biggest mistake you made in your life? At paano ka nakaahon sa pagkakamali na ‘yun?
“Ang pwede ko pong sabihin na pinagsisisihan ko, siguro ‘yung droga. Hanggang sa mg panahon na ‘to, kapag ako’y nag-iisa, sinasabi ko sa sarili ko, mali dapat hindi ko dapat ginawa ‘yun. Hindi ko dapat dinaanan ‘yun,” Robin said.
“Pero paano mo gagawing positibo ‘yun? Nagpapasalamat ako sa StarStudio. Sa panahon kasi ngayon ay maraming kabataan ang naliligaw at ‘yan ang isyu. Siguro ang pinaka-papel ko na lang dahil ako ay dumaan ‘dun, medyo credible ako magsalita sa kanila kung ano ang epekto niyan, kung ano ang masamang ibibigay sa inyo n’yan. ‘Yun na lang ang tinitignan kong positibo.” he added.
Here are the excerpts of the questions from the entertainment press and the answers of Robin Padilla during the launching of Idol’s StarStudio Plus magazine and mini-album titled “Harana”:
On StarStudio Plus IDOL:
“Galing po ang concept kay Mr. Lopez (Gabby Lopez, ABS-CBN Chairman and CEO). Nag-meet po kami sa isang coffee shop sa isang lugar malapit sa condo ko. Dito po mababasa ninyo at makikita ang mga pinagdaaanan ko sa buhay ko. Malalaman nyo din na hindi dahil anak ako ng dating Gobernador eh lumaki ako sa luho. Makikita po ninyo dito ang pinagdaanan ng isang Robin Padilla. Hangad ko lang na may mapulot kayong aral sa buhay ko.”
On being tagged as Idol:
“Yung tawagin ka pong Idol ay talaga namang nakakakilabot. Nagpapasalamat po ako sa mga taong hanggang ngayon ay nagtitiwala pa din sa akin.”
On his 15 serious relationships:
“Sira ulo kasi ako kapag naiin-love. Wala naman akong pinagsisisihan dun. Lahat naman sila minahal ko ng totoo. Sobra lang talaga akong naniniwala sa pag-ibig. Pero ngayon masasabi kong masayang masaya ako sa aking bagong pag-ibig.”
On his latest trip to India with wife Mariel Rodriguez:
“Marami po kaming mga magagandang lugar na pinuntahan ngayon. Syempre mas mahal ko po ang ating bayang Pilipinas, pero napakaganda din po ng India. Binigyan po nila kami ng permit na makapag-shoot ng pelikula kahit sa mga lugar na bawal ang camera.”
On his relationship with Mariel:
“Ako po kasi ay napaka-selosong tao. Ibig pong sabihin nun, hanggang mayroong selos, umiigting pa po ang pagmamahal. Matuwa siya kapag nagseselos ako, ibig sabihin ay namumukadkad pa ang pag-ibig. At si Mariel po ay talaga namang pinipilit maging mabuting maybahay. Pinagtitimpla nya ako ng kape kahit minsan eh sobrang tamis sa asukal. Kahit antok na antok na yun, pinipilit pa rin nyang gumising at makinig sa mga sinasabi ko. Minsan sinasampal pa niya ang sarili niya wag lang akong tulugan. Talaga namang napaka-mapagmahal na asawa at nagpapakumbaba.”
On their plan to have a child:
“Lahat naman po ng nag-aasawa eh gustong magkaanak. Pero suwerte nga ni Mariel instant mommy agad sya sa apat na bata.”
On their church wedding:
“Dapat nga po ngayong December na yun pero dahil nga po sa maraming pangayayari, ‘di na umabot. So plano po naming gawin yung early next year. Baka po January.”
On his daughters Queenie and Kylie:
“Kasama po nila ako magmula nung dumating ako last November 20. Sinorpresa pa nila ako nung isang araw. Ngayon ang tanging gusto kong gawin eh makasama at mapasaya ko yung mga anak ko.”
On Queenie and her rumored-boyfriend Ejay Falcon:
“Nagugulat nga po ako ‘nung nagshoo-shooting kami ng pelikula. Ang hirap pala at nakakaasiwa ‘pag ‘yung anak mong babae eh nakita mong nakakandong sa lalake habang nakaharap at kausap mo sila. Sabi ko nga huwag kayong maghalikan sa harap ko, hintayin n’yo muna akong tumalikod. Pero hindi naman sila pa. Sana naman hindi, mga bata pa sila. Gusto kong pag-butihin muna nila ang mga career nila.”
On her latest movie with Mariel:
“Nung naglabas ang Star Studio ng magazine nila na nag-feature sa mga litrato namin ni Mariel sa India, pinatawag kame ng konsulado ng India dito sa Maynila at natuwa naman sila na marami akong alam sa kultura nila kaya binigyan kami ng permit na mag-shooting kahit saang lugay sa India. Nag-shoot kami sa India kasama si Mariel at yung ibang staff. Bale kami ni Mariel ang senior loveteam dito at si Queenie at Ejay naman ‘yung junior loveteam. Sa sobrang dami ng magagandang lugar sa India medyo sumobra kami sa mga nakuhanan. Problema ngayon ng editor kung paano pagkakasyahin yung lahat ng na-shoot namin sa isang oras at kalahati. Baka nga hindi na kame umabot sa January playdate dahil nga ang hirap i-edit ng pelikula. Baka po pang-Valentines na ito.”
On Willie Revillame and Mariel’s rumored transfer to TV5’s Willing Willie:
“Wala po kaming tampuhan ni Willie. Lalake po kame at ‘di naman bagay sa amin ang magtampuhan. Kung lilipat po si Mariel eh depende po sa kanya yan. Pero ayokong magkaproblema si Mariel sa ABS-CBN. Any decision should be consulted at dapat may basbas ng ABS-CBN.”
On his stand about reproductive health and use of condom:
“Sa mga oras na ito, niyayakap ko na lang ang sinabi ng mahal na Papa na makakatulong ang condom sa AIDS, hindi ba po? Sa usapin ng isa sa pinaglalaban namin ng TRUST ay ‘yong sakit. Nandoon po sa libro, nagpapatunay na dati Thailand ang pinakamarami. Sa ngayon sa Asia sino ang may pinakaraming pagtaas ng AIDS? Pilipinas. Huwag na nating lokohin ang sarili natin, Pilipinas. Ang taas ng porsyentong nagkaroon ng HIV sa Pilipinas. At isang bagay ‘yan na kailangan nating harapin at huwag itago. Kasi kung itatago natin ‘yan nang itatago biglang sasabog ‘yan sa mukha natin isang araw. Sa aking palagay ibigay natin ang desisyon sa mga tao, huwag natin silang diktihan. Magbigay tayo ng kanya-kanyang opinion dahil tayo ay may demokrasya.”
On political tandem with Manny Pacquiao:
“Malaki ang paghanga ko kay Manny Pacquiao. Alam kong hinde sya mangungurakot dahil nga sa masyado na syang maraming pera. Pero yung pulitika po eh hinde para sa akin. Puwede naman po akong mag public service pero hinde ang pasukin ang pulitika.”