Iya Villania Remains a Kapamilya
Iya Villania, inawat ng ABS-CBN ang paglipat sa GMA
Last Sunday sa ASAP XV ay masayang ibinalita ni Iya Villania na mananatili siya sa ABS-CBN.
Nakatakda sanang lumipat si Iya sa GMA-7 dahil may offers ang Kapuso network sa kanya at isa na rito ang makasama niya ang kanyang boyfriend na si Drew Arellano sa isang programa.
Pero noong November 18 ay nag-renew na siya ng kontrata sa ABS-CBN, isang linggo pagkatapos niyang mamaalam sa mga kasamahan niya sa ASAP XV.
“It feels so good, it’s so nice to know… I’m just so very grateful that ABS-CBN still wants me to stay despite their large pool of such talented artists. It’s just so nice to know that despite that, they can still use din pala an Iya,” ang sinabi ng dalaga.
Three years ang pinirmahang kontrata ni Iya sa ABS-CBN at ipagpapatuloy niya ang kanyang mga shows gaya ng Us Girls, ASAP XV at pagiging veejay sa MYX. Bukod dito ay magkakaroon siya ng mga bagong proyekto at kasama rito ang isang soap opera, isang reality show at isang programa na under ng news and public affairs.
Jake Cuenca at Jason Abalos, muntik nang magsapakan
Napabalitang nagsapakan daw ang mga young actors na sina Jake Cuenca at Jason Abalos habang sila ay nasa Davao last Saturday night.
Nadamay pa nga raw ang kasama nilang si Coco Martin na umaawat lamang sa dalawa.
Subalit itinanggi ni Jake via a statement na ipinadala niya sa The Buzz last Sunday na nagsapakan sila ni Jason. Inamin ng binata na nagkaroon sila ng mainit na argumento pero hindi ito umabot sa violence.
Nabanggit din ni Jake na inawat sila ni Coco Martin.
Narito ang statement ni Jake sa The Buzz:
“I would like to clarify that no one was harmed. Wala pong nagsapakan. Nagkataasan lang kami ng boses dahil medyo emotional ang pinag-uusapan namin. Everything is better now. Nagkaayos na po kami ni Jason as early as last night. We patched things up already and we talked again this morning.”
Tungkol kanino kaya ang pinag-uusapan ng dalawa kaya nag-init ang ulo nila?
Iskul Bukol sitcom, bubuhayin ng TV5
Ang sikat na tv sitcom noong 70s at 80s na pinagbidahan nina Tito, Vic and Joey na Iskul Bukol ay ire-revive ng TV5.
Sina Ryan Agoncillo, Sam YG, at Kean Cipriano ang gaganap sa bagong Iskul Bukol na malapit nang umpisahan ng TV5 upang lalong palakasin ang kanilang claim bilang “Comedy Capital of the Philippines”.
Posibleng sina Kean at Sam ang gaganap ng Escalera Brothers, ang pilyong magkapatid na ginampanan dati nina Tito Sotto at Joey de Leon. Si Ryan naman ang gaganap na Victorio Ungasis na ginampanan naman ni Vic Sotto.
Kasama rin sa cast sina Bangs Garcia at Regine Angeles na parehong nanggaling sa ABS-CBN.